Humihingal na Janice ang sumalabong sa'min nang lumiko kami sa pasilyo ng pangalawang palapag. Muntik niya na sana kaming mabundol sa pagmamadali buti na lamang at nakita namin siya.
Nang makita ako ay mababakas ang galak sa kaniyang mukha.
"Bakit ang tagal mo? Saan ka ba galing? Akala ko ba sa locker ka lang?" nag-aalalang tanong niya ngunit bumaling ang kaniyang tingin nang mapansing hindi ako nag-iisa.
Tumitig siya kay Kairo na para bang nakakita ng multo.
"Ba't kayo magkasama?" nagtatakang tanong niya.
Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa akin at binigyan ako nang tingin na alam na alam ko. Kapag ganitong tingin kasi ay alam kong magpapaliwanag ako ngayon sa kaniya.
Ibinaling niya muli ang kaniyang tingin kay Kairo at tumitig rin ito sa mukha nito.
"May ginawa ka ba kay Jasper?" pang-aakusa niya.
"Janice!" nagulantang kong sambit.
Ngunit parang walang narinig si Janice dahil patuloy parin niyang tinititigan si Kairo.
Ngumisi lamang si Kairo habang ang mga kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. Lumingon siya sa akin at mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi.
"You're welcome."
Bigla ay dumeretso siya upang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad.
Namula ang aking pisngi sa kaniyang sinabi dahil naalala kong hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa kaniya kanina. Dala na rin siguro ng takot at pagkabigla sa nangyari ay nakalimutan kong magpasalamat.
Tumingin ako kay Janice at nakitang suot niya muli ang nagtatakang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Anong ibig sabihin nun?" tanong niya.
Nag-aalangan akong magkuwento sa kaniya. Alam kong hindi niya na ako hahayaang mag-isa kapag malaman niya ang nangyari. Ayaw kong kunin ang oras ni Janice sa mga simpleng bagay gaya nang pagpunta sa locker dahil alam kong abala siya at maraming ginagawa. Lalo na tuwing hapon pagkatapos ng klase, pumupunta kasi siya agad sa opisina ng student journalism club ng school. Nakakahiya rin sa kaniya dahil simpleng bagay lamang ay magpapasama pa ako.
"Sasabihin ko mamaya. Kailangan na muna nating pumasok."
Bigla siyang natauhan at hinila ang aking kamay.
"Oo nga pala."
Nagmamadali kaming tumakbo papuntang room 132. Kahit subukin ko mang manalangin na sana makalimutan ito ni Janice subalit alam kong malabo mangyari iyon. Matalas ang isip ng babaeng ito, ni minsan ay wala siyang pinapalampas na pagkakataon kapag ako ay may sasabihin.
NAKAUPO kami ngayon dito sa canteen upang magtanghalian. Ingay ng mga nagkukumpulang estudyante ang bumalot sa paligid.
Hindi sumama si Kian sa'min. Kanina kasi ay may kasama siya nang lumabas kami ng silid. Hopefully, maging kaibigan niya.
Good for him. Napapansin ko kasing hindi siya komportable tuwing kasama kami ni Janice. Ayaw ko namang sumasama siya sa'min at hindi mapakali.
"So? Anong nangyari kanina?"
Lumingon ako kay Janice. Nakakunot ang kaniyang noo, seryosong nakatingin sa'kin. Gusto kong magpanggap na hindi ko alam ang kaniyang tinatanong ngunit alam kong hindi niya bibilhin ito. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"Kanina sa locker nakita ako ni Samuel," panimula ko.
Kita sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"Hindi ako makatakas kasi hawak niya ang kamay ko. Kung hindi dumating si Kairo ay nasisiguro kong sasaktan niya ako. May kasamahan pa naman siya," dagdag ko.
"So, ibig sabihin ay niligtas ka niya kanina?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo."
"Oh my God! Kung ano-anong pinagsasabi ko sa kaniya kanina. Nakakahiya!"
"Oo, nakakahiya talaga," umiirap kong tugon.
Namumula ang pisngi ni Janice habang hawak niya ito.
"Should I say sorry?" mahinang tanong niya.
Matapos niyang sabihin iyon ay biglang pumasok si Kairo ng canteen. Sa kaniyang kanang braso ay si Nicole, sobrang higpit na nakalingkis ang mga kamay. Ngunit hindi ko pinagtutuunan ng pansin iyon. May ibang nakaagaw ng pansin sa aking mga mata.
Napatitig ako sa guwapong mukha ni Kairo. Parang bumagal ang takbo ng oras. Ang paligid ay biglang natahimik. Tumingin siya sa kaniyang paligid, tinitingnan kung saan ang may bakanteng mesa. Pumintig ang aking puso nang nagtama ang aming paningin.
Hindi ko alam ngunit nang makita niya ako ay parang lumiwanag ang kaniyang mukha. O baka imahinasyon ko lamang iyon. Napansin ko rin ang lihim na ngiting ipinukol niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kakayanin pa kung makipagtitigan ako sa kaniya ng matagal.
Nang ibinalik ko ang tingin sa aking harapan ay hindi maipaliwanag na mukha ni Janice ang bumungad sa akin. Ang kaniyang kaliwang kilay ay nakataas. Kung hindi ko lang napansin ang panunuyang ngiti sa kaniyang labi ay sasabihin kong galit siya.
"Ano?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nagkukunwaring hindi alam ang ibig sabihin ng ngiti niya.
Tuluyang sinakop ng ngiti ang kaniyang labi sa aking sinabi.
"Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo siya gusto," she said, wiggling her eyebrows.
"Hindi naman talaga." Ngunit kasalungat ang ipinapakita ng aking mukha dahil naramdaman kong umakyat ang lahat ng aking dugo papuntang mukha.
"Talaga?" Tumingin siya sa aking likuran ngunit hindi ko alam kung sino. Kaya laking pagsisisi ko na lamang nang lumingon ako sa kaniyang tinitingnan.
Si Kairo, nakatitig sa akin. Dalawang mesa lamang ang pagitan sa aming dalawa. Seryoso siyang tumitingin sa akin.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Janice. Ipinapakita niya ang nakakainis na ngiti sa kaniyang labi.
"Kumain na nga lang tayo," nahihiyang sambit ko.
Habang kumakain ay nag-uusap kami ni Janice. Nothing in particular. Some random topics gaya na lang kung ano ang magiging event next week, which is the acquaintance party. Kung ano ang susuotin niya at kung saan makahanap.
It was when Janice say something funny that made me laugh and spilled some food on my shirt. Sh*t!
Bigla akong tumayo at pinagpagan upang matanggal ang pagkain sa aking damit ngunit mas lalo lang kumalat ang mantsa.
"Pupunta lang akong CR," pagpapaalam ko sa kaniya.
Nagmamadali akong lumabas ng canteen at tumungo ng banyo. Isasara ko na sana ang pinto nang may paang humarang sa pintuan. Bigla akong kinabahan baka sinundan na naman ako ni Samuel ngunit napawi ang aking pangamba nang makitang si Kairo ito.
Nawala nga ang aking pangamba ngunit mas lalo namang bumilis ang kabog ng aking dibdib.
"Bakit?" Tumingin ako sa kaniyang mukha. Suot-suot niya ang nakagawiang ngisi sa kaniyang labi.
"Gusto mo ba talagang mangyari ulit yung kanina?"
Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Umatras lang ako nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang malamig na lababo sa aking likuran.
"Gusto mong tuluyan ka na nilang saktan?" patuloy na tanong niya. Patuloy rin siyang lumalapit sa'kin kahit hindi na ako umaabante.
Nang tumigil siya ay sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabangong gamit niya. Napapikit ako at sininghot ang nakakaadik niyang amoy.
"Do you like my smell?" magaspang na tanong niya.
Nang minulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang maitim at madilim na mata ni Kairo. Nakatitig ito sa akin na animoy papasukin ang aking kalooban. Ibinaba ko ang aking tingin dahil hindi ko siya kayang titigan. Napalunok ako nang mapansing kinakagat niya ang kaniyang namumulang manipis na labi.
Unti-unti kong ibinalik ang aking paningin sa kaniyang mga mata hanggang sa magtitigan kaming dalawa.
Parang nawalan ako ng hininga nang bigla niyang idikit ang aming mga labi. Pinikit ko muli ang aking mga mata at dinamdam ang mainit niyang labi na nakadikit sa akin.
Nanatiling magkadikit ang aming labi ngunit nang maramdaman kong gumalaw siya upang humalik ay sumunod na rin ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin gayong ito ang unang pagkakataon na ako ay makipaghalikan kaya sinunod ko na lamang ang bawat kibot ng kaniyang labi.
Bigla kaming napa-igtad nang may malakas na kumalampag sa pintuan.
"Kung sino man ang nasa loob utang na loob buksan niyo," rinig naming sigaw ng tao sa labas.
Agad siyang humiwalay sa akin at pumunta sa pinto upang pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Agad rin siyang lumabas na hindi lumilingon.
Pumasok ang lalaking kumatok at dumeretso sa loob ng cubicle. Masama ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko alintana iyon.
Hinawakan ko ang aking labi at ngumiti. Hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ni Kairo.
Biglang tumunog ang bell na gumising sa aking paggugunamgunam. Agad akong lumabas at bumalik ng canteen.
Nang makabalik ako sa mesa namin ay nagtatakang mukha ni Janice ang agad kong napansin.
"Bakit?" tanong ko.
Tinuro niya ang mantsa sa aking damit.
"Hindi ba pumunta kang CR para tanggalin yan? Ba't parang hindi nagalaw?"
Agad namula ang aking pisngi nang mapagtanto kong iyon pala ang aking intensyon kung bakit ako pumuntang CR.
Iniwas ko ang aking tingin upang makapag-isip ako ng maaaring dahilan sa kaniya. Mabuti na lang at tumunog ang bell at hindi ko na nasagot pa ang tanong niya. Ngunit ang kaniyang tingin ay nagsasabing hindi pa tapos ang aming usapan.
May tiningnan siya sa bandang likuran ko at binalik niya ulit ang kaniyang tingin sa akin. I don't have any idea of what or who it was but the arched of her brows says it all.
"CLASS, listen. Before I'll start our lesson for today please sit with your group mates," anunsyo ni Mrs. Bayona.
Nagtayuan ang lahat upang hanapin ang kanilang kagrupo. Hindi ko na kailangan pang hanapin sina Dave at Kairo dahil sila na mismo ang lumapit.
Umupo si Dave sa aking kaliwa habang si Kairo naman ay nasa aking kanan.
Mrs. Bayona starts our lesson. Most of the class wasn't listening. Obvious naman sa kanilang ginagawa. Ang iba ay humihikab, ang iba naman ay lihim na nakipag-usap sa kanilang katabi. Ang mga lider lang ang napapansin kong nagsusulat sa mga sinusulat ni Mrs. Bayona sa white board.
Nangangalay na ang aking kamay sa pagsusulat dahil sa haba nang nakasulat sa harapan.
"Are you tired?" rinig kong tanong ni Kairo sa aking bandang kanan.
Sa sobrang lapit ng kaniyang mukha ay amoy ko ang fresh mint na hininga niya. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga sa aking batok. Biglang uminit ang aking pakiramdam nang maalala ko ang palitan ng halik namin kanina.
"Ah-h hindi naman," nauutal kong tugon.
"Sigurado ka?" he asked in his husky voice.
Hindi ko alam kung intensyon niyang gamitin ang boses na iyon o sinadya niyang hinaan ang kaniyang boses upang hindi marinig ni Mrs. Bayona. Kung ano man iyon ay hindi ko nagustuhan. Ayaw kong magkaroon ng boner sa gitna ng klase.
"Oo," sagot ko.
Pinilit kong ayusin ang aking boses ngunit parang napansin niya ang panginginig nito dahil sa narinig ko ang mahinang tawa na galing sa kaniya.
"Seems like you're not. Let me."
Agad niyang kinuha ang ballpen sa akin at naramdaman ko ang init ng kaniyang palad sa aking balat nang magdampi ang aming kamay.
Napalunok ako nang nagtagal pa ang kaniyang kamay sa akin. Narinig ko ang kaniyang malalim na hininga na walang pinagka-iba sa akin. He envelopes my hand with his. Nabalot ng mainit na yapos ang buo kong katawan kahit kamay ko lamang ang kaniyang hawak. Napapikit ako nang maramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Nasulat mo ba ang huling sinabi ni Ma'am?"
Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Dave. Agad kong hinablot ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Kairo at tumingin kay Dave.
"Ahhh..."
Napakamot ako sa aking batok dahil obvious namang hindi ko nasulat iyon. Tumaas ang kaniyang kanang kilay na nagsasabing alam niyang hindi. Tumingin siya kay Kairo at ibinalik naman agad sa akin.
"Mukhang hindi," sarkastiko niyang banggit.
Sinabi niya sa akin ang mga sinabi ni Ma'am na hindi ko naisulat at sinulat sa papel. Lihim akong tumingin sa gawi ni Kairo at natagpuan siyang nakatingin sa akin. A smile formed in his lips. Iniwas ko ang aking tingin at naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
HINDI pa man ako nakababa sa sasakyan ni Janice ay agad kong napansin na parang may tao sa loob ng bahay. Siguro ay maagang nakauwi si Mama.
"Mauna na ako." Humalik ako sa pisngi ni Janice at agad na bumababa sa kaniyang sasakyan.
Nang makaalis siya ay dagli akong pumasok ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto ay aroma ng kaldereta agad ang bumungad sa akin. May naririnig akong ingay sa kusina.
Mukhang may kausap si Mama habang nagluluto. Pamilyar ang boses ng lalaki nang umabot ito sa aking pandinig.
Biglang bumilis ang pintig ng aking puso dahil kilala ko ang boses na iyon. Ayokong mag-assume dahil napaka-imposible iyon. May mahigit pitong taon pa siya bago makauwi at makabalik dito sa amin.
"Naku, siguradong matutuwa iyong kapatid mo kapag nalaman niyang nakalaya ka na," rinig kong sabi ni Mama.
Biglang gumulong ang luha sa aking pisngi nang napagtanto kong tama ang aking hinala.
Agad kong binitawan ang aking hawak na bag at tumakbo sa loob ng kusina. Nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan malapit kay mama.
Napukaw ko ang pareho nilang atensiyon nang marinig nila ang malakas na yapak ng aking paa.
Bumuhos lalo ang aking emosyon nang makitang ngumiti si Kuya Ezekiel sa akin.
"Bunso," nakangiti niyang sambit habang ibinubuka ang kaniyang bisig.
As quickly as I could, I jump right through his arm. While he welcomed me to his warm embrace.
I buried my face in his neck and smells his familiar scent.
"K-kuya," nanginginig kong sambit.
Humihikbi na akong nakakapit sa kaniyang katawan. Narinig ko ring suminghot si Mama habang mahigpit akong yakap ni Kuya.
Sa wakas nakabalik na rin si Kuya. Makakasama na namin siya palagi. Ito lang naman ang hiling ko, e. Kahit na hindi ko naririnig galing sa kaniya ay alam kong ito rin ang hiling ni Mama.
Humiwalay ako kay kuya at tumayo. Nakita kong basa rin ang mga mata niya.
"Hindi na po ba kayo aalis kuya?" puno ng pag-asang tanong ko.
"Oo bunso, hindi na aalis ang kuya."
Biglang nabawasan ang bigat na aking naramdaman nang marinig ang sagot niya.
"NAPATUNAYAN kasing nadamay lang ang kuya mo sa huling imbestigasyon ng mga awtoridad. Ayon na rin sa mga nakakita sa nangyari," kuwento ni Mama habang unti-unting nililigpit ang aming kinainan.
"Totoo naman kasi, hindi ko nga alam ang nangyari nung una, e. Pero nang makita kong may nagsusuntukan na, sinubukan kong lumayo ngunit huli na ang lahat. Dumating na ang mga pulis at may nasaktan na rin pagdating nila," dagdag ni kuya.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang kinukwento nila ang mga nangyari.
"Ang totoo niyan tatlo lang talaga doon sa mga kasamahan ko ang nakaaway nang mga nakasalubong namin noon kaya napalabas kaming dalawa na hindi kasali. Yun nga lang may dalawa pang hindi nahahanap hanggang sa ngayon."
I felt bad for the victim's family pero alam kong mahahanap din ang mga sangkot at magkakaroon ng hustisya.
Wala nang mas isasaya pa 'tong gabing ito. Kasabay si Kuya na kumain sa hapag ay siyang tanging hiling ko lamang ngunit ngayon ay natupad na.
Siguro kung nakikita kami ngayon ni Papa na nag-uusap ng masaya ay siguradong natutuwa siyang pagmasdan kami.
It's already late and we needed to retreat for the night. Nagtulong-tulong kaming ayusin ang kwarto ni Kuya. Tinanggal lang namin ang mga alikabok at inayos ang hihigaan dahil masiyado ng malalim ang gabi kung tatapusin pa namin ang lahat ng kailangang ayusin.
Tomorrow is friday, nag-promise ako kay kuya na sa sabado tutulong akong bibili ng mga gamit niya. And of course, isasama ko si Janice. Yun ay kung hindi siya busy.
I lay on my bed and stared at the ceiling for a moment, thinking of how thankful I am for what happened today but later succumb to a dark yet peaceful slumber.