Chapter 2
"What do you think bes?"
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Jacob habang nakatingin siya sa nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng kanyang puso. Unfortunately she's only his best friend.
Bianca Marie Gonzalvo.
His one and only.
Bata pa lamang siya ay minahal na niya ang dalaga. But right now she's standing infront of him wearing a beautiful white wedding dress.
May kaunting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso habang pinag-mamasdan niya ito kung gaano ito kaganda sa suot nitong puting damit na napapalibutan ng maraming dyamante sa bandang laylayan.
"You're perfect" Maiksing sagot niya. He tried to look happy for her upcoming wedding. Sinasamahan niya lang itong mag-fit ng wedding dress nito para sa susunod na buwan
Next month will be her grand wedding with Ali Mardezon. Which happens to be his childhood friend also.
Magkakaibigan silang tatlo ni Bianca and Ali mula pa noong pre-school.
They shared so many memories and his whole life ito lamang ang naging tunay niyang mga kaibigan. Kahit pa nga simula ng maging magkarelasyon ang dalawang ito ay palagi siyang nasasaktan. He sacrifies his love for bianca for her happiness. Alam niyang si Ali ang mahal nito at magpapasaya rito.
"Well, kung sa pagiging magandang lalake lang naman ang usapan at pagiging successful mas lamang ka naman kay Ali bro! Napakatorpe mo lang!"- Natatandaan niyang sabi ni Calix sakanya. His cousin. Alam nito ang lihim niyang pagmamahal kay Bianca mula pa noon.
Dahil sa pagiging torpe niya hindi niya man lang naamin kay Bianca ang kanyang nararamdaman, not even once.
"Really? Medyo tumataba ako bes! Baka sa susunod na buwan mas tumaba nako? Sa tingin mo paluwangan ko sa bandang tummy?"
He wanted to smile bitterly but he didn't. Kalahati ng kanyang puso ang masaya para kay Bianca at kalahati naman ang tuluyan ng namatay when he found out that she's already having a baby with Ali. Unti unting dumako ang kanyang paningin sa maliit pang umbok sa tiyan nito
"Just tell it to her. I'll wait for you outside" Walang emosyong sambit niya bago ituro ang babaeng designer ng wedding dress nito
"O-Okay. Thanks bes. If you want to go--"
"No Bianca. I'll wait for you. Ihahatid na kita" He smiled to loosen up. Ayaw niyang maramdaman ni Bianca na napipilitan lang siyang samahan ito ngayon sa isang high class dressing shop kung saan ito nagpapatahi ng isusuot nitong wedding gown sa kasal.
"Oh so sweet Jacob. Thank you so much. We owe you big time" Ngumiti ng matamis si Bianca sakanya bago nito kinausap ang designer nito. She looks so happy. Bakas sa magandang mukha nito na masayang masaya ito sa nangyayari sa buhay nito
And it's enough for him to step back. Mula pa noon, nakikita na niya na masaya talaga ito sa relasyon nito kay Ali, Hindi naman tatagal ng fifteen years ang relasyon ng mga ito kung hindi tunay na nagmamahalan. So he always choose to step back. Kontento na siyang mahalin ito sa paraan na siya lang ang nakaka-alam.
Napabuntong hininga siya bago siya lumabas ng dressing room.
Geez. Fifteen years? Tumatanda na siya kakahintay sa babaeng mahal niya. He always step back but he never break his hope. Umaasa siya na balang araw ay maghihiwalay ang mga ito, alam niyang mali ang umasa ng ganoon pero tao lang siya.
Bianca is the reason why he still doesn't have a girlfriend until now! For God's sake he's already thirty three years old. Wala man lang siyang naging nobya kahit kaliwa't kanan ang mga nagpapapansin sakanya.
He is campus heart breaker. Noong nag-aaral pa siya ay libo libong mga babae na ang umiyak dahil lamang sakanya. They all wanted him. Gustong gusto siya ng mga babae but none of them got his heart.
Masyado siyang loyal sa pagmamahal niya kay Bianca. Maybe it's time to let go.
Eksakto naman na nag-iisip siya nang biglang tumawag sa kanyang cellphone ang pinsan niyang si Calix. Nag-vibrate ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang business suit. Kakagaling niya lang kasi sa kanyang kumpanya bago siya dumiretso rito sa dressing shop.
"Hey" Walang ganang sagot niya
"What Hey? Damn dude. Sinamahan mo si Bianca sa pag sukat ng wedding gown? Are you really out of your mind Jacob? Suicide yan--"
"Ang daldal. What do you want?" Sumandal siya sa sofa na kanyang kinauupuan habang hinihintay ang paglabas ni Bianca mula sa dressing shop
"Nag-sasayang ka lang ng oras at panahon sa isang babae. Come on! Nandito kami sa condo ni Harley. And we've got a sexy present for you"
Nahimigan niya ang kapilyuhan sa tono ng boses ng kanyang pinsan. Sa lahat ng pinsan niya ito yata ang pinaka-babaero sa lahat.
"I'm not interested--"
Akmang papatayin na sana niya ang kanyang cellphone nang magsalita muli si Calix.
"Dude. Remember your punishment?"
Napa-buntong hininga nanaman siya. Last week kasi ay natalo siya sa racing game nilang magpipinsan. Wala kasi siyang gana makipagkarera noong araw na iyon. So Calix won.
"What about that? Fine. I can send it to your account--"
"No no. I don't need your money and your investments this time."
Napakunot ang nuo niya. Madalas kasi investments sa kanilang mga negosyo ang premyo sa tuwing mananalo sa racing game. Bakit tila may ibang nais ipagawa sakanya ang kanyang mga pinsan?
"I don't have time for--"
"Hep hep. No way Jacob. A punishment is a punishment."
Nakikinita na niya ang naglalarong ngisi sa mukha ni Calix sa mga sandaling iyon
"Then what is it?" Walang ganang pagsuko niya.
"I want you to date someone. Papunta na siya dito--"
"No way. Hilingin mo na lahat huwag lang--"
"Bakla talaga tong pinsan natin ayaw pumayag oh?" Malakas na nagtawanan ang mga pinsan niya sa sinabing iyon ni Calix. Napakuyom ang kanyang kamao.
All his life, iniisip ng mga ito na bakla siya. Dahil wala pa siyang nagiging nobya. Si Calix lang ang nakakaalam na mayroon siyang lihim na pagmamahal kay Bianca. He threatens Calix not to tell anyone about his secret.
"Calix! I'm gonna wreck your neck" Gusto niyang magmura pero hindi siya ganoong klase ng tao. Siya lang yata ang lalakeng hindi nagmumura sa panahon ngayon. Hindi lang siguro siya sanay. He have a loving parents. Maayos silang pinalaki ni Gabriela ng kanilang mga magulang. Gabriela is his big sister. Big hindi dahil mataba ito. Mas matanda ito sakanya ng isang taon. Wala parin itong nagiging nobyo hangang ngayon.
Nasa dugo na yata nila ni Gabriela ang pagiging alone sa mundo.
"Pumayag kana kasi? Iisipin na talaga naming lahat na bakla ka?" Lalo pang lumakas ang tawanan sa background ni Calix
"Fine! You win. Oo na. Isang date lang--"
"No no no. Hindi ikaw ang magbibigay ng rules this time Jacob. Come to Harley's condo ipapakilala ko sayo ang rented girlfriend mo"
Lalong kumunot ang kanyang nuo.
"What? Rented girlfriend?"
Naririnig na niya ang balita tungkol sa bagong kumpanya sa Pilipinas. Ang Rent a girlfriend company. Sa tingin niya ginaya lang ng Pilipinas ang nauuso ngayon sa bansang Japan.
He already have an idea about Calix plan. Mukhang nagbayad ito ng isang rented girlfriend para lamang sakanya.
Insane!
"You heard me right? You have a rented girlfriend. You need to date her tonight. Kaya iwanan mo na yang manhid mong kaibigan."
Napabuntong hininga siya
"Just for tonight Calix. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo--"
"Don't you think it's a good idea to date someone? Lalo na ngayon sa sitwasyon mo" Sumeryoso ang boses ni Calix sa kabilang linya. Mukhang mas affected pa ang mga pinsan niya sa boring na lovelife niya
"Fine. Ihahatid ko lang si Bianca--"
"No. May private driver naman yan. Hayaan mo na yan umuwi mag-isa." Nakabusangot marahil si Calix sa mga sandaling iyon kaya napangiti tuloy siya.
"Napakasama mo sa mga babae kaya ka iniiwan eh" Biro niya
"Ulôl" Sagot nito
Natawa na tuloy siya. Kakabreak lang kasi ni Calix at nang latest girlfriend nito.
"Bakit diyan sa condo ni Harley pa magkikita?"
"Secret na malupit" Tumawa ito bago nagtawanan ang ibang mga pinsan niya. Hula niya sila Cody, Terence at Harley ang mga iyon.
"Fine. Ihahatid ko lang si Bianca."
"No--"
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Calix dahil binulsa na niyang muli ang kanyang cellphone pagkatapos niyang putulin ang kanilang koneksyon.
Wala pa man ilanh segundo niyang naibubulsa ang kanyang cellphone ng mag ring iyon muli.
"Jacob thank you for waiting. Pero papunta na daw si Ali right now, siya na ang maghahatid sakin sa bahay. You can go now Bes! Thank you so much!"
Napatango nalang siya bago siya napabuntong hininga.
"Okay. Take care"
Muli niyang ibinulsa ang kanyang cellphone. He stand up and walk outside infront of his old fashion car.
Luma na ang sasakyan niya. Regalo pa iyon sakanya ng kanyang daddy noong teenager siya. Pinahahalagahan niya ang mga bagay na binibigay sakanya at hindi niya pa iyon pinapalitan kahit marami naman siyang pera pambili ng mga luxury cars.
For him, mas masarap mag maneho sa lumang kotse na iyon dahil mula iyon sa kanyang ama.
Napabuntong hininga siyang muli sa loob ng kanyang kotse bago siya malungkot na tumingin sa bintana ng dressing shop. Nakita niya pa roon ang masayang mukha ni Bianca habang nakaharap ito sa salamin. Mukhang may kausap ito sa cellphone nito.
"Maybe it's time to let go" Napa-buntong hininga siyang muli bago siya nagmaneho patungo sa condo ni Harley
Pagdating niya doon ay naabutan niyang nag-iinuman ang mga pinsan niya. Kasama pa ng mga ito ang mga asawa nito. Maraming tao sa loob ng condo halos lahat kamag anak nila.
Napakamot siya sa kanyang batok ng mabasa niya ang decorations sa buong condo ni Harley.
Happy birthday Harley.
Nakalimutan niyang birthday ngayon ng pinsan niya? Kaya naman pala naroon ang mga ito.
"O nandito na pala si Jacob" Sinalubong siya ng mga ito. Humalik sa kanyang pisngi ang mga pamangkin niya. Mga anak iyon ni Cody at Terence.
"Harley happy birthday. Pasensya na nakalimutan ko"
"Ganyan ka naman eh. No problem dude"
Inakbayan siya ni Harley bago siya binigyan ng isang kopita. Sa tingin niya hard drink ang laman niyon.
Vodka perhaps?
"Hindi ako umiinom--"
"I know. Pero birthday ko naman eh?"
Napabuntong hininga siya. Hindi talaga siya umiinom. Ayaw niyang uminom. Para sakanya sakit lang ng ulo ang hatid ng mga iyon. Ayaw niyang pahirapan ang sarili niya.
"Dude pampalakas loob yan? Mamaya darating na yung rented girlfriend mo. Ipapakilala namin sayo. Kami namili non ha?"
"Dito pa talaga?" Kunot nuong tanong niya kay Harley
"Ofcourse. Gusto namin makita reaksyon mo eh. Bantay sarado ka. Inom na parating na yon"
Napailing siya. Wala talaga siyang balak magkaroon ng rented girlfriend. Pero alam niyang pipilitin siya ng mga ito.
"Fine" Ininom niya ang laman ng baso
"You will date her for one month"
Naibuga niya sa mukha ni Harley ang laman ng kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Nanlaki rin ang kanyang mga mata sa pagkabigla.
What?! One month?!
"At sino naman nagsabing papayag ako?" Kunot nuong tanong niya
"Damn Jacob" Nagmadaling punasan ni Harley ang mukha nito.
"Pumayag ako pero hindi isang buwan--"
"Jacob huwag ka muna magsalita ng tapos. Kapag nakilala mo yung rented girlfriend mo baka rentahan mo pa ng isang taon" Iritableng sabi ni Harley bago ito nagwalk out.