Chapter 3
Kahit pawisan ay nagmadaling maligo si Jaira. She needs to be in the Golores Restaurant before 8pm! Ngunit natagalan siya sa kanyang raket bilang Grabdriver dahil sa mabagal na usad ng trapiko sa edsa. Kaya't heto siya nagmamadali.
Hindi siya maaaring malate sa pagkakataon na ito, Hindi na nga siya sumipot noong isang gabi dahil nagkaroon ng problema sa fast food chain na pinagtatrabahuhan niya idagdag pa ang problema niya sa kanyang nobyo, hindi niya kasi ma-contact si Mark ilang araw na itong offline sa social media account nito. Nag-aalala siya para sa kanyang nobyo.
"Nako Jaira bilisan mo, Baka-late ka nanaman sa date niyo ng first client mo?" Kinatok ni Mayla ang pintuan ng banyo habang nagsasabon pa siya ng kanyang katawan.
"Oo na! Heto na nagmamadali na! Natrapik kasi ako sa edsa eh!"
"Pasalamat ka walking distance lang yung restaurant mula dito. Baka sakaling umabot ka pa gurl!"
Iyon ang pinagpapasalamat niya, Siya ang nag-request sa kanyang client kung saan sila magkikita ngayong gabi. Pumayag naman ito. Hindi raw ito ang magiging boyfriend niya dahil iniregalo lang raw siya sa pinsan nito. Sayang nga at mukhang gwapo pa naman ang boses nung lalakeng kausap niya.
Last week, natangap siya bilang isa sa mga rented girlfriends. Tuwang tuwa siya dahil mapapabilis ang kanyang pag-iipon ng pera. Ngunit kinakabahan din siya sa taong mag-rerenta sakanya, Paano kung matanda na? Paano kung matanda na at napakabastos pa? Paano kung bungal? Paano kung mabaho ang hininga? Paano kung---Ahh ayaw na muna niyang mag-isip ng negative dahil pinang-hihinaan lang siya ng loob.
Kailangan niyang gawin ito para matubos ang kanilang lupain. Para ito sa mga magulang niya.
"Iyan ang isusuot mo? Jusko day ano yan? Baka first day mo palang as rented girlfriend matangal kana!"
Napanguso siya. Ano bang masama sa damit na suot niya? Malinis naman iyon at komportable? Isang tshirt na puti at pantalong maong ang suot niya.
"Pwede na to. Simple lang daw ang gusto ng client ko kaya ayos lang kahit ganito ang get-up ko."
Ayon kasi sa request ng kliyente niya ngayong gabi, Nais daw maka-date ng pinsan nito ang isang simpleng babae lamang.
"Simple but hot diba? Iyon ang nabasa ko sa request letter mo no!" Asik pa ni Mayla sakanya habang nagkakalkal ito ng damit sa damitan nito. Para bang naghahanap ito ng ipapasuot sakanya
Napanguso siyang muli habang nag-susuot naman siya ng kanyang medyas. Balak niya kasing mag-rubber shoes lamang
"Ayos na to--"
"Huwag mo sayangin ang binabayad ng client mo Jaira! Bakit pa sila magbabayad ng girlfriend kung napakasimple mo? Dapat ang isuot mo iyong pinang-apply mo! Sexy at hot ka doon!"
"Marumi pa eh? Hindi ko pa nalalabahan" Sagot niya
Red dress kasi ang suot niya noong mag-apply siya sa Rent a Girlfriend company. Natangap siya dahil napakasexy ng outfit niya noong araw na iyon.
That dress is the only dress that she have. Hindi naman kasi siya mahilig mag dress, regalo lang iyon ng kanyang nanay noong mag-18th birthday pa siya. Hindi naman nagbabago ang body shape niya mula pa noon kaya kasya parin sakanya ang dress na iyon.
"My Gosh! Heto ang isuot mo!" Nang-niningning ang mga mata ni Mayla habang hawak nito ang isang kulay puting dress na nahugot nito mula sa damitan nito
Napangiwi siya. Sobrang revealing ng damit na iyon. Parang ang nipis nipis pa!
"Gaga. Baka marape naman ako riyan! Huwag na dahil late na ako--"
"No Jaira. Isipin mo mabuti kung aatras ang client mo tonight mawawalan ka ng pagkakataon makapag-ipon ng mabilis! Kakarampot ang sinusweldo mo sa Jolly at sa Grab. Kahit pagsamahin mo pa ang sweldo mo sa dalawang trabaho mo hindi ka parin makakapag-ipon ng one hundred fifty thousand a month!"
Napahinto siya sa paglabas ng kanilang kwarto. May punto ito. Tinignan niya ang kanyang relong pambisig. Mayroon pa siyang trenta minuto para makapagpalit ng damit.
"Osiya sige! Magdadala nalang ako ng jacket!" Hinablot niya kay Mayla ang puting bestida. Napangiti ng malisyosa ang kanyang kaibigan
"Mag jacket ka lang kapag pangit ang kadate mo" Pahabol pang payo nito sakanya bago siya pumasok sa loob ng banyo upang magpalit ng damit
Napapailing nalang siya.
Nang makapagpalit siya ng damit ay nagandahan siya sa kanyang sarili.
"Napakasexy mo talaga Jaira! Natotomboy nako sayo!" Biro pa ni Mayla paglabas niya ng banyo
"Siraulo. Pasalamat ka kailangan ko ng trabahong ito kaya isinuot ko tong mahalay mong damit. Sige na aalis na ako malate pa ako nito eh" Sinuot niya ang kanyang jacket. Dahil lalamigin siya sa suot niyang manipis na bestida. Humahakab iyon sa buo niyang katawan at halos nakalitaw na ang dalawang malulusog niyang dibdib
"Alright best friend kong maganda. Enjoy your date--"
"Hindi to date. May boyfriend ako no. Trabaho lang ito" Nakipag-beso beso ito sakanya
"Kahit na. Oh edi work date! Tapos magpahalik ka ha? Sayang rin yung dagdag na five thousand pesos sa isang halik lang. Kung ayaw
mo naman sa lips pwede naman magpahalik ka sa pisngi mo? One thousand pesos rin iyon kapag sa pisngi!"
"Kinabisado mo yata ang rules sa kumpanya na to eh? Bakit kaya hindi nalang ikaw mag-apply bilang rented girlfriend? Mas kabisado mo pa sakin ang rules" Natatawang sambit niya kay Mayla.
Hiniram lang kasi nito sakanya ang booklet ng kumpanya. Naroon lahat ng rules at kung magkano ang ibabayad.
"Hindi nga ako natangap eh! Hindi pumasa ang beauty ko kasi naka-pustiso daw ako. Mga siraulo yung mga HR doon eh!"
Tuluyan na silang nagtawanan ni Mayla. Bungi kasi ng dalawang ngipin si Mayla, pinapostiso nito ang dalawang ngipin kaya hindi naman halatang postiso iyon. Ang problema nga lang masyadong mahigpit ang kumpanya ng RAG o Rent A Girlfriend company. Pina-medical pa nga sila ng bonga.
Pati butas ng kanilang puwet ay inexamine pa!
Hiyang hiya nga si Jaira noong medical niya dahil pinahubad at pinatuwad siya ng doctor upang i-check ang butas ng kanyang puwet. Mabuti nalang at babae ang doctor na iyon!
"Osige na aalis nako baka malate pa ako! Hindi na nga ako nakapunta noong unang araw na dapat magkikita kami sa birthday party ng pinsan niya eh. Baka malate pa ako ngayon!"
"Oo nga naman! Bilisan mo na! Teka magpabango ka naman gurl!" Winisikan pa siya ng perfume ni Mayla bago siya tuluyan lumabas ng kanilang apartment.
Lakad takbo siya upang umabot sa takdang oras na napag-usapan nila. Hinihingal tuloy siya nang makarating sa restaurant.
Pasimple niyang sinilip ang loob.
Kaunti lang ang tao sa loob ngunit halatang mayayaman ang kumakain doon. Mga naka-formal at disenteng damit
Dahan dahan niyang tinangal ang kanyang suot na Jacket. Naramdaman niya agad ang malamig na simoy ng hangit sa kanyang balat. Backless kasi ang damit na iyon.
Nagpapasalamat siya kay Mayla dahil pinasuot nito sakanya ang dress na ito. Dahil kung nagkataon na tshirt lamang ang isinuot niya magmumukha siyang kawawa at hindi angkop sa naturang restaurant.
Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang suot suot niya sa kanyang paa! Medyas lang iyon! Hindi man lang siya nakapag-sandals sa pagmamadali niya!
Tinignan niya ang oras sa kanyang hawak hawak na cellphone. Late na siya ng limang minuto! 8:05pm na!
Kung babalik pa siya sa kanyang apartment baka magalit na ang kliyente niya.
"Anu ba yan! Ang tanga tanga ko talaga! Hindi ko man lang naramdaman na wala akong suot na sapatos?!" nais niyang sabunutan ang kanyang sariling buhok. Napakatanga niya talaga!
"Ang dumi dumi pa! Ano bang gagawin ko?" Hopeless niyang tinitignan ang kanyang maruruming medyas.
"Hi Ma'am do you have any reservation tonight?"
Napataas ang tingin ni Jaira sa restaurant staff na nagbukas ng pintuan para sakanya
Saglit itong napatingin sa kanyang mga paa at bahagyang napangiwi.
"Y-Yes. U-Uhm yes with Mr. J.H?"
Bumakas ang pagkagulat sa mga mata nito ngunit agad rin itong pumormal.
"He's been waiting for you inside ma'am."
Napalunok siya ng sunod sunod.
Bahala na! Hinubad niya nalang ang kanyang medyas. Mas mabuti na ang naka-paa siya. Malinis ang paa niya at mga kuko niya kaya mas okay na iyon kaysa sa maruming medyas niya
"Okay lang po ba rito ang naka-paa?"
Naiilang itong tumango sakanya habang may ackward na ngiti sa mga labi nito.
Nakahinga siya ng maluwang. Sana lang ay hindi mahalata ng cliente niya na wala siyang saplot sa kanyang paa.
Pasimple niyang tinapon sa basurahan ang kanyang maruming medyas.
Iginaya siya nito patungo sa table kung saan naghihintay na sakanya si Mr. J.H
Isang nakatalikod na lalake ang nakaupo sa pinakasdulong table. Mayroon sa harap nitong laptop at parang busy ito sa ginagawa. Mukhang nagtatrabaho pa yata ang kliyente niya?
Siguro pangit ito kaya wala pang nobya? O dikaya sobrang busy nito sa trabaho kaya wala pang nagiging nobya?
Balita kasi sakanya ng pinsan nito, never pa daw nagkaroon ng nobya si Mr. J.H
Baka bakla ito?
"Sir she's here" Imporma ng restaurant staff sa lalakeng nakatalikod sakanila.
Infairness ang puti ng batok! Ang kinis! Malinis ang batok nito. Pwede na rin kahit pangit ito basta malinis sa katawan pagtiyatiyagaan nalang ni Jaira
Huminga siya ng malalim ng isara nito ang laptop. Parang kinakalabog ang puso niya sa sobrang nerbyos!
Unti unti itong lumingon sakanila.
Una itong tumingin sa restaurant staff dahil nasa likod siya nito. Palakas ng palakas ang t***k ng puso ni Jaira dahil kinakabahan siya
Lord sana naman po gwapo siya! Kahit kaunti lang Lord!-- Dasal niya.
Umusog ng kaunti ang restaurant staff upang makita siya ni Mr. J.H
Pakiramdam ni Jaira huminto ang kanyang mundo ng makita kung gaano kagwapo ang kliyente niya. Nanghina yata ang kanyang tuhod dahil napakapit siya sa upuan sa bandang gilid niya.
Oh my Gosh! Ang gwapooooooo!!! Daig pa nito ang mga gwapong lalakeng nakikita niya sa telebisyon at social media. He is very handsome and has smooth skin. Para bang wala kahit isang dumi o butas ng pores ang mukha nito. He has thick eyebrows and kissable red lips.
Pero parang pamilyar sakanya ang kagwapuhan nito? Para bang nakita na niya ito noon hindi niya lang maalala kung saan?
Baka artista ito?
"Chuchay?" Kunot nuong pinagmasdan siya ni Mr. J.H
Napakurap kurap tuloy siya. Natulala kasi siya sa sobrang gwapo nito at parang sandaling huminto ang kanyang mundo.
Pero teka?
Chuchay raw? Tama ba ang rinig niya? Tinawag siya nito sa kanyang palayaw? Iyon kasi ang nick name niya sa kanilang probinsya!
"K-Kilala mo po ako?" Nagtatakang tanong niya sa gwapong lalake.
Nag-excuse naman ang restaurant staff sa kanilang dalawa at magalang na iniwanan sila
"Ofcourse! I'm Jacob Hoffman. Nakalimutan mo nako?"
Unti-unting napa-awang ang kanyang bibig. At lalo pang lumaki ang kanyang dalawang mga mata sa pagkabigla.
Oh my God!
Kaya pala! Oo nga! Si Jacob nga ito!
"Jacob?! Hala grabe ang laki ng ginawpo mo!" Natakpan niya ang kanyang bibig sa kabiglaan ay nabulalas niya iyon.
Gwapo na kasi noon si Jacob ngunit mas gwapo na ito ngayon. Triple ang ikinagwapo nito! Kung alam niya lang na gagwapo ng ganito ang anak ng mga amo ng magulang niya noon, itinuloy niya sana ang pagpapapansin noon!
Crush na crush niya ito noong bata pa lamang siya, ngunit medyo suplado at hindi namamansin. Mabait naman pero hindi sila close. Ngumingiti naman ito sakanya minsan pero madalas ay malungkot ito.
Palibhasa mayroon itong gustong babae noon. Kaso hindi yata ito ang gusto. Iyon ang natatandaan niya noon. Nahihiya siyang makipagkaibigan noon kay Jacob dahil anak lamang siya ng katulong ng pamilya nito.
Naging kaibigan niya lamang ang nakakatandang kapatid nito na si Gabriela. Pareho silang babae. Ngunit saglit niya lang naging kaibigan ang ate nito dahil sa Amerika na nag-aral ang magkapatid.
"Sorry! Nabigla lang ako. Small world no?" Ackward siyang ngumiti kay Jacob
Saglit itong tumingin sa kabuoan niya. Napansin niyang umiwas agad ito ng tingin sa bandang dibdib niya.
Then, He cleared his throat.
"Have a sit."
Umupo naman siya sa tapat ng upuan nito. Titig na titig pa rin siya sa gwapong mukha nito. Hindi kasi siya makapaniwala na makikita niyang muli ang childhood crush niya!
"I-Ikaw ba si Mr. J.H?" Nahihiyang tanong niya
"Yeah. So, Are you the rented girl?" Tanong nito
"Ah-Eh. Oo eh. Small world no?" Nakangiwing sagot niya.
Ngumiti naman ito ng tipid.