Chapter 4
"K-Kamusta Jacob? Mabuti nakilala mo pa ako?" Basag ni Jaira sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng gwapong binata
Hindi sumagot si Jacob sa tanong niya. Bagkus ay ngumiti lang ito ng tipid at saglit siyang tinapunan ng tingin bago nito muli tinignan ang tinitignan nito. Nakatuon ang atensyon nito sa menu book ng restaurant na kasalukuyan hawak hawak at binabasa nito.
Mukhang namimili na ito ng kakainin nila.
"K-Kanina ka pa ba? Pasensya na pala kung late ako--"
"It's okay chuchay. You're only ten minutes late. Kararating ko lang rin naman. Anyway let's order first?"
Napalunok si Jaira sa baritonong boses ni Jacob. Pati boses nito ay tuluyan ng nagbago. Noong binatilyo palang ito ay hindi pa masyadong malalim ang tono ng boses nito. Ngunit ngayon para iyong boses ng isang ganap na lalake. Nais tuloy mapakagat labi ni Jaira dahil nakakakilig ang tono ng pananalita nito. May hatid iyong kiliti?
Ano ba Jaira? Anong kiliti pinagsasabi mo riyan?--- Pasimpleng sita niya sa kanyang sariling isip
Ipinilig ni Jaira ang kanyang ulo upang pawiin ang kapilyahan na naglalaro sa kanyang utak.
"Uy, Huwag naman chuchay ang itawag mo sakin. Jaira nalang ang itawag mo sa akin hindi na kasi ako sanay na tinatawag akong ganoon" Pasimpleng request niya. Paano ba naman nakakawala ng kumpyansa ang palayaw niyang iyon.
"Okay" Maiksing sagot nito. Busy parin ito sa pagpili ng kakainin. Napansin niya rin na hindi ito tumitingin masyado sa gawi niya
"Man of few words ka parin ano?" Puna niya
Doon palang ito tumingin sakanya.
"I-I'm sorry. Are you bored of me?" Hingi paumanhin nito. Bago nito inayos ang salamin na suot suot.
Ngumiti siya ng matamis ng magtama ang kanilang paningin.
"Hindi naman. Kanina ka pa kasi namimili ng kakainin natin. Nakapili na nga ako pati dessert"
"Oh sorry. I-I'm not used to do this" Paumanhin nito bago ito umayos ng upo. Mukhang naiilang ito sakanya. Hindi ito makatingin ng matagal sakanyang mga mata. Mas gusto pa yata nitong tumingin sa menu book kaysa sakanya
Halatang hindi ito sanay makipagdate?
"Ayos lang yun Jacob. Bilisan mo na lang mamili ng kakainin mo para makaalis na si kuyang waiter.."
Tila doon palang nito napansin ang lalakeng waiter na nakatayo sa gilid ng kanilang table. Mukhang hindi naman ito naiinip dahil nakangiti ito at parang may nakikitang kaaya-aya. Napakunot ng kaunti ang nuo ni Jacob nang sundan niya ang tinitignan ng waiter. Dumako iyon sa malulusog na dibdib ng dalaga. Iyon pa naman ang dahilan kung bakit hindi siya makatingin ng diretso kay Jaira dahil naiilang siya sa pananamit nito
Hindi na nagdalawang isip pa si Jacob dahil tumayo na ito upang hubarin ang kanyang business coat at ipatong iyon sa balikat ni Jaira.
"Cover yourself maraming tao ang mapagsamantala.." Maiksing sambit ni Jacob na sapat lamang upang marinig rin iyon ng lalakeng waiter. Napaiwas tuloy agad ito ng tingin sa ibang dereksyon at patay malisya itong napalingon sa kabilang lamesa. Hiyang hiya ito dahil binigyan pa ito ng isang warning look ni Jacob
Seryoso naman bumalik si Jacob sa kinauupuan nito samantalang napapalunok naman si Jaira sa naging pagkilos ng binata.
Nais niyang mapahawak sa kanyang dibdib dahil biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso sa simpleng ginawa ni Jacob para sakanya. Hindi niya kasi napapansin na kanina pa pala pinag-pifiestahan ng lalakeng waiter ang view ng dibdib niya.
Isinuot nalang ng maayos ni Jaira ang business coat ni Jacob upang matakpan ang malulusog niyang hinaharap.
Pagkatapos nilang umorder ni Jacob ay nagmamadali ng umalis ang lalakeng waiter na halos hindi makatingin ng maayos sakanilang dalawa
"Salamat ha? Hindi ko napapansin na tinititigan na pala nung manyak na yun ang dibdib ko." Sambit niya ng makalayo na ang waiter
"Next time huwag ka nalang magsusuot ng ganyan. Baka magkapulmonya ka pa niyan" Medyo relax na ang pananalita nito. Nakakatingin na rin ito ng maayos sakanya.
Hindi tuloy maiwasan isipin ni Jaira na kaya pala hindi makatingin ng maayos si Jacob sakanya kanina ay dahil lamang iyon sa malulusog niyang dibdib? Hindi siguro ito sanay makakita ng ganoon?
"So kailan ka pa sa trabaho mong ito?"
Napakurap-kurap siya ng kaunti. Muntik niya ng makalimutan na nagtatrabaho nga pala siya! Feel na feel niya na kasi ang first date nila ni Jacob. She almost forgot her job. Isa nga pala siyang rented girlfriend nito.
Napadiretso siya ng pagkakaupo. Bago siya ackward na ngumiti kay Jacob.
"A-Ahm. Bago lang. Bago lang yung company namin eh" Medyo naiilang niyang sagot
Napatango-tango ito habang nakatingin sakanyang mukha.
Siya naman ngayon ang naiilang.
"Pang ilan ako?"
Pakiramdam ni Jaira ay mabibilaukan siya sa kanyang sariling laway dahil sa mga tanong ni Jacob.
Sasabihin ba niyang pang unang kliyente palang niya ito?
"P-Pangatlo?" Ngumiti siya ng matamis upang mawala ang tensyon sa kanyang pagsisinungaling. Ayaw niya lang mag mukhang baguhan sa paningin nito. Masama ba iyon?
"I see"
"B-Bakit pala hindi ka pa nagkakagirlfriend? Ang sabi sakin ng pinsan mo, ang kliyente ko raw ay NGSB. No girlfriend since birth. Totoo ba iyon?" Pag-usisa niya. Hindi kasi siya makapaniwala na ang kasing gwapo nito ay hindi pa nagkaka-nobya kahit isa.
"I have my personal reasons" Maiksing sagot nito habang nakatingin parin sakanyang mukha. Naiilang talaga siya. Nag-sisisi siya kung bakit hindi siya nag-lagay ng kahit anong kolorete sakanyang mukha. Kung nakinig lang siya kay Mayla kanina na mag-lipstick daw siya ay baka may kumpyansa pa siya magpatitig dito kahit kaunti.
Kinagat-kagat niya tuloy ang kanyang labi upang kahit papano ay mamula iyon. Napakunot naman ng kaunti ang nuo ni Jacob ng mapansin ang pagkagat niya sa kanyang labi.
"Why are you biting your lips?"
"Ah-Eh wala kasi akong lipstick e baka namumutla na ako"
"Don't bother. Hindi ka naman namumutla. Baka magkasugat pa ang labi mo"
Napalunok siya. Hindi niya alam ang isasagot kay Jacob sa mga sandaling iyon. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain na inorder nila.
Napakaraming inorder ni Jacob para sakanilang dalawa. Ibang waiter na ang nagdala ng mga pagkain nila dahil nahiya na siguro ang manyak na waiter na walang hiyang pinagfiestahan ang dibdib niya.
"Ang dami. Mauubos ba natin lahat to?"
"I remember malakas kang kumain noon." Nahimigan niya ang kaunting pagbibiro sa tono ng boses ni Jacob kaya naman gumagaan na ang pakiramdam ni Jaira. Nawawala ang pagkailang niya sa binata.
Napangiti siya.
"Grabe ka ha? Medyo lang naman. Nag-didiet nako ngayon para mapanatili ko ang sexy body figure ko" Biro niya.
Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi. At nagkunwari ito na balewala ang sinabi niya. Kahit pasimple itong napalunok.
JACOB POV
Sexy body figure?
Yeah.
Iyon nga ang unang napansin niya sa dalaga. Napakasexy nito. Kahit noon pa man ay maganda na talaga ang pangangatawan nito. Naaalala pa nga ni Jacob na nais itong ligawan ng pinsan niyang si Liam James noon. One time kasi naroon sa kanilang mansyon ang kanyang mga pinsan nang isama si Jaira ng magulang nito sa mansyon. Doon nakilala ng mga pinsan niya ang anak ng kanilang kusinera.
Anak ito ng kusinera ng mansyon. Napapansin na rin niya noon na maganda ito. Hindi lang niya inaasahan na mas gaganda pa ito ngayon. Idagdag pang naging maganda ang pangangatawan nito.
Nagkaroon ng interest ang pinsan niya sa dalaga ngunit hindi rin natuloy dahil nag-aral na ito sa Canada.
Kung siya naman ang tatanungin, hindi niya type si Jaira. Dahil para sakanya si Bianca lamang ang nag iisang babaeng mamahalin niya.
Ikinagulat niya talaga na ito ang magiging rented girlfriend niya. Medyo nakaramdam siya ng pananabik? Ewan ba niya kung dahil iyon sa tawag ng laman. Sa edad niyang kasing iyon at never pa siyang nakayakap ng isang babae bukod kay Bianca. At Friendly hug lang iyon.
In short, Birhen pa siya. Wala pa nga siyang nahahalikan kahit isa. Kahit si Bianca ay hindi pa niya nahahalikan. Friends don't kiss each other right? Kaya naman nanatiling no kiss no girlfriend since birth siya.
Tama nga siguro si Calix, There's a lot more to experience in life. Masyado na siyang nag-sasayang ng panahon. Panahon na siguro upang maranasan niya naman magkaroon ng nobya.
Libre naman eh. Kaya why not? Lalo na ngayon broken hearted siya. He wanted to divert his attention to other things. Ayaw na niyang isipin ang nalalapit na kasal ni Bianca dahil nasasaktan lang siya
So he wanted to try.
"Ah nabusog ako!" Nakangiting sambit ng dalagang kadate niya
Napangiti rin siya ng kaunti dahil hinihimas pa nito ang sariling sikmura. Kakatapos lamang nilang kumain at kasalukuyan na strawberry cake nalang ang kinakain nila bilang kanilang panghimagas.
Binuksan niya muli ang kanyang laptop. Napatingin ito sa laptop niya.
"Magtatrabaho ka?"
"No. Binabasa ko lang yung rules ng company niyo. Para alam ko kung ano yung mga rules and services niyo" Balewala niyang sagot kay Jaira bago niya ihinarap sa dalaga ang screen ng kanyang laptop.
Namula ang pisngi nito. He found it amusing. Bagay rito ang mahahaba nitong pilik mata na hindi na kailangan pang lagyan ng mascara upang kumapal. Dahil likas na makapal na ang mga pilik mata nito.
"M-Mabuti pala pumayag kang magka-rented girlfriend? Balita ko niregalo lang ako sayo ng mga pinsan mo?"
Muli niyang inayos ang kanyang laptop paharap sakanya.
"I thought it might be a good idea to give it a try. Tumatanda nako eh" Hinaluan niya ng kaunting biro ang kanyang sinabi kaya napangiti ang dalaga
"Hindi ka naman mukhang matanda ha? Fresh na fresh ka pa nga eh. Sobrang gwapo pa" Kinindatan siya nito kaya napangiti siya. Tila binobola yata siya nito
"Really?"
"Oo ah. Tignan mo yung mga babae dito sa loob ng restaurant? Halos lahat nagnanakaw tingin sayo. Naiingit siguro sila sakin dahil ako ang kasama mo at hindi sila.." Ngumiti ng pilya si Jaira. Iginala naman niya ang paninigin sa paligid. May mga babae nga ang nakatingin sakanila o mas tamang sabihin na nakatingin sakanya. Mukhang nagpapa-cute pa ang ilan sa mga ito.
"Kakaunti na nga lang ang customer ng restaurant na ito, nakuha mo pa ang atensyon nilang lahat? Iba talaga ang gwapo ano?"
"Binobola mo pa ako. Hindi naman ako ang magbabayad sayo eh"
Tumawa ito.
"Anyway, Ilang oras lang ba kita makakasama ngayon?" Tanong ni Jacob sa dalaga
"Hmm bakit? Gusto mo hangang bukas na eh!" Biro pa nito kaya siya naman ang napapangiti.
Tumingin nalang siya sa screen ng kanyang laptop upang basahin roon ang kanilang kontrata. Sinend ni Calix sa email niya kaninang umaga ang contract upang basahin daw niya iyon. Buong araw siyang busy sa kanyang kumpanya kaya wala siyang naging oras para basahin iyon.
Naroon sa kontrata ang petsa ng kanilang kontrata sa kumpanya ng RAG.
"Apat na oras mo akong makakasama ngayong gabi. Bale 8pm to 12 midnight lang ang service ko sayo today. Every Friday, Saturday at Sunday lang. Four hours a day kapag friday, Kapag saturday and sunday naman 8 hours a day mo akong makakasama mula 10am to 6pm ng gabi"
Tinignan niya ito
Kabisado pala nito ang schedule nila.
"Bakit tatlong araw lang?" Wala sa sariling tanong niya
Ngumiti naman ng matamis si Jaira
"Iyon lang po kasi ang kinuhang service ng mga pinsan mo. Siguro alam nilang busy ka tuwing lunes hangang biyernes sa business mo"
Napatango-tango siya.
"I see."
May napansin siya sa kontra na may nakasulat na may iba pang bayad ang paghalik sa pisngi at ang paghalik sa labi.
5 thousand pesos kiss (Lips)
1 thousand pesos kiss (cheeks)
"Five thousand ang halik sa labi?" Tanong niya kay Jaira na medyo ikinabigla nito. Hindi kasi agad ito nakasagot sakanya. Mukhang nailang ito.
"O-Oo may extrang bayad yun siyempre" Napainom ito ng tubig sa baso nito at hindi ito makatingin ng deretso sakanya
"Okay"
"P-Pero hindi ako nagpapahalik sa labi"
Tinignan niya ito. Paano niya maeexperience ang makipaghalikan kung hindi ito papayag? Iyon pa naman ang gusto niyang subukan. Dahil ayon kay Calix masarap daw ang pakiramdam na makipaghalikan. Nasasabik na nga siyang subukan iyon. Mukhang malambot pa naman ang labi ni Jaira.
"Bakit?"
"M-May magagalit kasi eh"
Kumunot ang kanyang nuo. Sino? May nobyo ba ito?
"Who? Hindi ba single naman kayong lahat sa RAG? Bakit may magagalit?"
Tila natauhan ito. Naalala nito ang qualifications sa RAG. Kailangan single ang mga babaeng mag-aapply sa trabaho na iyon. Hindi nito masabi sakanya na may nobyo na ito.
Samantalang sa palagay niya may nais itong sabihin sakanya kanina ngunit nagbago ang isip nito. Ngumiti ito ng matamis at nag-pacute pa sa harap niya.
"B-Biro lang. Sila nanay at tatay lang naman ang magagalit kaya huwag mo akong isusumbong. Nga pala, Huwag mo sasabihin sakanila na ganito ang trabaho ko ha? Huwag mo nalang sana mababangit sa parents mo na rented girlfriend mo ako dahil baka makarating kila nanay. Please?"
"Okay"