Chapter 5
"Why aren't you wearing shoes?"
Napakamot si Jaira sa gilid ng kanyang tenga nang sa wakas mapansin na rin ni Jacob na wala siyang suot suot na kahit anong sapin sa kanyang paa.
Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa kanilang apartment. Nais daw siyang ihatid nito. Dahil walking distance lang naman mula sa restaurant na kinainan nila ang kanyang apartment kaya't inaya nalang niya itong maglakad. Hindi rin naman kasi kasya ang sasakyan nito sa eskinita ng lugar nila.
"Kanina pa tayo naglalakad, Ngayon mo lang napansin?" Biro niya habang may matamis siyang ngiti sa kanyang labi.
Panay ang pagpapa-cute mo Jaira ha? Tandaan mo may nobyo ka na ha?!-- Sita ng kanyang sarili sa kanyang sariling isip mismo.
Napapansin niya kasi na hindi normal ang kinikilos niya habang kasama niya si Jacob. Panay ang pagbibigay niya ng matatamis na ngiti na para bang nais niyang makita nito ang simpleng kagandahang taglay niya. Sabi kasi sakanya noon ng nobyo niyang si Mark, Kapag nakangiti daw siya ay natutunaw ang puso nito sa kakaibang ganda niya.
"Yeah?" Kunot nuo parin ito at napatigil pa sa paglalakad. Tinitignan nito ngayon ang kanyang paa na medyo marumi na dahil sa pagyayapak niya.
"Nagmamadali kasi ako kanina, hindi ko napansin naka-medyas lang pala ako. Ayoko naman kasing ma-late sa unang date natin, Hindi na nga ako naka-attend sa birthday party ng pinsan mo, diba doon tayo dapat unang magkikita?"
Nakatingin lang ito sakanyang mukha habang nagsasalita siya. Tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang magandang mukha.
Hindi niya tuloy maiwasan hilingin na sana ay nagagandahan ito sakanya sa mga oras na iyon. Feel na feel niya pa naman ang pag-tangay ng hangin sa kanyang kulay itim na itim at mahabang na buhok na hangang sa kanyang bewang. Straight ang buhok niya kahit hindi iyon unatin dahil natural na bagsak ang buhok niya.
"Tititigan mo nalang ba ako?" Untag niya sa binata dahil seryoso lang itong nakatingin sakanya
Tila doon palang nito napansin na napatitig ito sakanyang mukha. Nag-iwas ito ng tingin sakanya at nagsimula na ulit maglakad
"Iniisip ko lang kung bakit hindi ka nag-me-makeup? O baka nagmamadali ka lang kanina kaya hindi kana rin nakapag-ayos?"
Ang matamis niyang ngiti ay nauwi sa pagkangiwi.
Nyek! Napansin pala nitong wala siyang makeup? Akala pa naman niya napapansin nito ang simpleng kagandahan niya na madalas purihin ng ibang tao.
Kaya nga siya natangap sa RAG dahil unang una sa qualities ng mga matatangap sa kumpanya na iyon ay ang natural na kagandahan. Sino ba namang sira ang magbabayad upang magkaroon ng hindi magandang nobya hindi ba?
Ngunit wala yata talab ang kagandahan niya kay Jacob. Dedma lang ito sa beauty niya!
"Hindi talaga ako nagmemakeup. Unang una wala akong time maglagay ng ganoon. Wala rin naman akong pambili. Sayang ang pera ko kung doon ko lang gagamitin. Kung pagkain ang bibilhin ko mabubusog pa ako"
Sinabayan niya itong maglakad muli. Dahan dahan lang silang naglalakad dahil kapwa busog na busog sila. Bitbit nito ang dalawang paper bag na naglalaman ng mga takeout foods nila. Paniguradong matutuwa si Mayla pag nalaman nitong may mga takehome foods siya mula sa kanilang date ni Jacob.
Matakaw pa naman yun!
"Next time, huwag kana magmamadali, baka magsugat pa yang paa mo."
"Oo sa susunod paghahandaan ko na ang date natin. Akala ko kasi matandang lalake ang kliyente ko ngayon, sino ba naman kasi mag-aakala na ang isang kasing gwapo mo ang magiging kliyente ko di'ba? Kayang kaya mo nga magkaroon ng totoong nobya sa isang iglap eh, Hindi mo na kailangan pa magbayad ng rented girlfriend"
Ngumiti ito ng kaunti.
"I lost the game with my cousins so I have to follow their orders. Gusto nilang mag-girlfriend nako. Kaso hindi ko naman kayang gawin iyon. I don't want to use people. Kaso makulit sila."
"Bakit nga ba hindi ka nalang mag-girlfriend ng tunay?"
Umiling ito.
"I'm not yet ready."
Napakunot ang kanyang nuo. Bakit kaya? Baka bakla talaga ito? Diyos ko sayang naman! Ang hot hot pa naman nito. Sayang ang lahi nito kung magiging bakla ito!
"Pwede bang itanong kung bakit?"
Umiling ito ngunit nakangiti. Kaya naman napangiti rin siya.
"Next time nalang pag close na tayo" Anito habang nakangiti.
"Ang damot naman. Sige na nga." Napapangiti rin siya. Medyo nakakaramdam siya ng kilig ngunit pilit niyang binabalewala ang damdamin na iyon. Hindi siya pwedeng kiligin dahil trabaho lang ito. May nobyo siya at wala siyang ibang dapat maramdaman kay Jacob. Lalo na ito palang ang unang date nila! Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Kaya kailangan niyang pigilan ang pag usbong ng pinagbabawal na damdamin.
Crush lang siguro pwede? --Hirit pa ng isang bahagi ng kanyang isip
"Dito na ang apartment namin" Huminto siya sa tapat ng kanilang apartment. Itinuro niya pa kay Jacob ang lumang gusali na kanilang tinutuluyan ni Mayla
Kumunot ang nuo ni Jacob. Kanina pa nga nakakunot ang nuo nito simula ng lumiko sila sa isang shortcut patungo sa eskenita ng kanilang apartment.
"This is where you stay?" Palingon lingon si Jacob sa paligid. Hindi yata nito nagugustuhan ang lugar nila. May mga tambay pa naman sa bandang dulo ng eskenita. Mukhang nag-iinuman ang mga kapitbahay nila.
"Best friend kong magandaaaaa! Siya ba ang boyfriend mo?!"
Sabay silang napatingala ni Jacob nang tumili ang kaibigan niyang si Mayla mula sa bintana ng kanilang apartment. Kumaway pa ito ng todo sakanila
"Si Mayla iyan, Roommate ko. Naghahati kami sa iisang kwarto"
Napangiwi si Jacob dahil puting puti ang buong mukha ni Mayla. Night cream iyon na palagi nitong inilalagay sa mukha bago ito matulog sa gabi.
Natatawa tuloy si Jaira habang nakatingin kay Mayla.
"Jackpot ka gurl! Ang gwapo ng boyfriend moo!!" Tili parin ni Mayla.
"Huwag mo nalang yan pansinin." Napapailing na sambit niya kay Jacob habang natatawa siya sa pagtili-tili ni Mayla
"Are you sure you're okay here? Medyo delikado para sa isang babae ang lugar na ito--"
"Six months na ako dito. Huwag kang mag-alala Jacob safe naman dito. Mababait yang mga kapitbahay namin na yan" Pagmamalaki niya pa sa lasengo ngunit mababait naman na kapitbahay nila
"Where's your parents? Nasan na yung pamilya mo? Bakit mag-isa ka lang dito?" Nagtatakang tanong ni Jacob sakanya
"Next time ko na ikukwento sayo pag close na tayo" Pang-gagaya niya sa linya nito kanina kaya binigyan siya nito ng isang seryosong tingin na para bang naniningkit pa ang mga mata nito.
Ngumiti siya ng matamis.
"Ito lang kasi ang afford ko no. Kapag yumaman nako lilipat ako ng apartment. Pasensya kana kung hindi na kita mayayaya sa itaas ng kwarto namin ha? Medyo masikip kasi doon, wala rin akong maaalok na kape sayo, wala rin mineral water kaya wala talaga akong ma-ooffer sayo Jacob. Salamat sa pag-hatid sakin ha? Ingat ka sa paglalakad mo pabalik sa kotse mo okay?" Mahaba niyang pagtataboy kay Jacob.
Akmang kukunin na niya ang dalawang paper bag na bitbit nito nang ilayo nito iyon sakanya
"Ako na. Mabigat to eh. Iaakyat ko nalang muna ito sa kwarto niyo."
"Ah sige?" Napakamot nalang siya sa gilid ng kanyang tenga. Nauna na siyang pumasok sa lumang gusali. Nakasunod naman ito sakanya. Hindi nalang niya pinagpilitan na bitbitin ang mga paper bags dahil siguradong hindi rin naman ito papayag
Ipinasok pa ni Jacob ang dalawang paper bag hangang sa loob ng kanilang kwarto. Naghubad pa nga ito ng sapatos bago ito pumasok sa loob.
"Huwag kana maghubad ng sapatos pogi. Marumi naman yung sahig eh" Kontra ni Mayla
"It's fine." Magalang itong naghubad ng sapatos bago ito pumasok sa loob at ipinatong ang mga bitbit na paper bags sa maliit na lamesa nila
"Uy pogi pinag-shopping mo agad tong friendship ko ha?" Nag-usisa agad ang kaibigan niya sa mga paper bags na nasa lamesa.
"Gaga pagkain yan" Pasimple niyang kinurot si Mayla.
"Ay! Akala ko shopping bag. Sakto gutom na ako eh!" Hindi na nahiya si Mayla, binuksan na agad nito ang mga dala nila
"Pasenya kana diyan. Ganyan talaga yan eh" Nahihiya niyang pag hingi ng pasensya kay Jacob.
Seryoso naman nitong nililibot ng paningin ang maliit na kwarto nilang dalawa ni Mayla
Masikip iyon at medyo magulo. Hindi pa kasi sila nakakapaglinis ni Mayla dahil busy rin ito. Samantalang pagod na pagod naman siya sa araw-araw kaya't pagdating niya sa apartment nila ay natutulog na agad siya
"That's your bed?" Turo nito sa kama niya
Napangiwi siya. Medyo magulo kasi ang kama niya. Naroon pa ang grab uniform niyang hinubad. Nanlaki ang kanyang mata ng makita niya ang kanyang itim na bra na nakasampay sa electricfan sa gilid ng kanyang kama
Tumakbo agad siya upang itago ang bra niya.
"P-Pasensya na hindi ko kasi inaasahan na ihahatid mo ko hangang dito eh." Nahihiya at napapanguso niyang sambit.
Nag-iwas nalang ng tingin si Jacob mula sa bra niya.
"I gotta go. Para makapagpahinga kana rin"
"Teka ihahatid na kita sa baba."
"Bye pogi! Salamat sa food!" Nakangising paalam ni Mayla kay Jacob.
Ngumiti naman ng formal si Jacob kay Mayla.
"Bye." Maiksing paalam nito kay Mayla bago ito nagsuot mula ng sapatos nito.
"Pasensya kana Jacob kung maliit tong apartment ko ha? Ikaw kasi eh hinatid mo pa ako" Sabi niya habang pababa sila ng hagdanan.
"Ihahanap kita ng aparment na mas okay ng kaunti kaysa dito. Don't worry ako naman magbabayad ng monthly payment mo. Think of it as your bonus from me."
"Sus! Ayos lang no! Huwag mo nako bigyan ng bonus!"
Pinalo niya ng pabiro ang balikat nito. Palibhasa nauuna itong bumaba kaya nasa itaas pa siya na baitang. Napahinto ito sa pagbaba ng hagdanan at napalingon sakanya.
Magkapantay ang kanilang mga mukha nang lumingon ito.
Hindi niya napaghandaan ang paglingon nito. Kamuntikan na tuloy maglapat ang kanilang mga labi. Nanlaki ang kanyang mata at parang nanuyo ang lalamunan niya.
Nararamdaman niya rin ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Tila natigilan rin ito.
Sabay silang napalayo sa isat isa.
"G-Gosh muntik na yun ah? Mapapabayad ka pa tuloy ng five thousand pesos ng wala sa oras" Dinaan nalang niya sa biro ang ackwardness na namagitan sakanilang dalawa
He cleared his throat.
"Y-Yeah. Ayoko pa rin magkaroon ng first kiss"
Namula ang tenga nito ng marealize kung anong sinabi nito. Nanlaki rin ang mata ni Jaira. Ibig bang sabihin never been kiss pa ang isang Jacob Riel Hoffman?! My God! Unbelievable!
"What i mean is--"
"Never been kiss ka pa Jacob? For real? Seryoso?" Sunod sunod na tanong niya
Nais sana nitong magsinungaling. Ngunit nabuko na niya ito dahil nadulas na ang sariling dila nito. Kaya naman napabuntong hininga nalang ang binata
"Fine. Yeah. Wala pa. I'm just saving my first kiss to someone else."
"Sino? Doon ba sa babaeng crush mo noon? Yung naka-brace?" Tanong niya. Naalala niya kasi noon may crush itong babae na malapit na kaibigan nito. Nakalimutan niya lang ang pangalan
Napakunot ang nuo nito.
"Y-You know her?"
"Oo naman. Nakalimutan ko lang ang pangalan. Naalala ko noon may babae kang palaging kasama noon eh? Yung naka-brace na magandang babae?"
Napabuntong hininga ito.
"Just don't mind it. Next time ko na sasabihin sayo kapag close na tayo"
"Kapag close na tayo" Sabay niya sa pagsasalita nito kaya pareho silang napangiti sa isat-isa
"Ikaw talaga Jacob oh! Sige na umuwi kana nga.." Pabiro niya itong itinulak palabas ng apartment nila nang makarating sila sa ibaba
"I'll call you tomorrow."
Kumaway siya.
"Bye boyfriend" Biro niya
Ngumiti ito bago ito lumakad palayo sakanya. Hinatid nalang niya ito ng tingin hangang sa lumiko na ito. Nang umakyat siyang muli sa kanilang kwarto ni Mayla ay sinalubong siya ng pabirong sabunot nito
"Bruha ang swerte swerteee moo! Pigil na pigil ang kilig ko kanina! Naknamputcha napakagwapo non! Nakakalaglag ng panty inday!"
Natawa siya sa reaction ni Mayla. Kinikilig tuloy siya. Nawala lang ang ngiti niya nang tumunog ang kanyang cellphone.
Pangalan ni Mark ang nakarehistro doon.
"Ay panira naman ng kilig moment yang boyfriend mong lulubog lilitaw!" Nakasimangot na sabi ni Mayla ng mapatingin rin ito sa screen ng cellphone niya