Saturday Blossom

2353 Words
Chapter 6 "M-Mark?" Nauutal niyang sagot sa kanyang cellphone. Tinatawagan kasi siya ni Mark sa kanyang f*******: messenger. Naghanap pa muna siya ng magandang spot sa bandang banyo upang doon sagutin ang tawag ni Mark "Love! I miss you! Kanina pa kita gustong tawagan pero offline ka" Sagot nito sa kabilang linya. Napahagod siya sa kanyang buhok dahil sa tensyon. Peke siyang ngumiti sa kanyang nobyo. Nakokonsensya tuloy siya dahil kakatapos niya lang kiligin sa first dinner date nila ni Jacob. Hindi niya naman kasi masabi sa kanyang nobyo ang sitwasyon niya. "B-Bakit ngayon ka lang tumawag? Isang linggo kang hindi man lang nagchat sakin Mark. Nag-aalala nga ako sayo--" "Eh kasi love nagkaroon ako ng problema. Pwede ba akong makahingi ulit ng tulong sayo? Maliit na halaga lang Love" Napalunok siya. Gusto niyang sabihin "nanaman?" Pero ayaw niyang maging bastos sa kanyang nobyo. Simula kasi ng magpangap siyang nasa America nagtatrabaho ay panay na ang paghingi ni Mark sakanya ng pera. Dagdag pa tuloy ito sa gastusin niya. "M-Magkano?" Imbis na magalit ay iyon pa ang naitanong niya. "Twenty thousand lang Love. Babayaran ko rin sayo kapag nakaluwang ako" Nanlaki ang kanyang mga mata sa laki ng halagang hinihingi ni Mark. Noong nakaraang buwan lang hiningan siya nito ng sampung libo. Napansin nito ang pagbabago ng kanyang mukha. Kinagulat niya kasi ang halagang hinihingi nito "Nagkasakit kasi si nanay. Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-chat sayo lately eh. Pasensya kana Love ha?" Napabuntong hininga siya. Mayroon naman siyang kaunting ipon sa kanyang savings account ngunit para iyon sa pamilya niya. Palagi nalang niyang binabawasan ang savings account niyang pinag-iipunan dahil lamang sa mga paghingi ng tulong ni Mark "G-Ganoon ba? S-Sige papadala ko nalang sa account mo" Naawa naman kasi siya sa nanay nito. Gusto niya tuloy itanong kung bakit buwan buwan nalang nagkakasakit ang pamilya nito? Noong nakaraang buwan kasi nagkasakit daw ang kapatid nito. Kaya nga nagpadala siya ng sampung libo kay Mark. Ngunit ngayon naman ay ang nanay naman nito ang may sakit Napangiti ito ng husto. Halatang masaya ito. "Thanks Love! The best ka talaga!" Todo ngisi nitong pasasalamat sakanya Nanghina siya nang magpaalam na agad ito sakanya dahil kailangan pa daw nitong alagaan ang nanay nitong may sakit. Naintindihan naman niya iyon. Paglabas niya ng banyo ang nakataas kilay na roomate niya ang sumalubong sakanya "Humihingi nanaman ng pera sayo yung jowa mong lulubog lilitaw? Aba Jaira mag-isip isip kana friend! Ginagatasan ka na yata ng lalakeng yan--" "May sakit yung nanay niya. Baka nagkataon lang." Malungkot niyang sabi kay Mayla upang ipagtangol si Mark Mahal niya si Mark. Hindi naman tatagal ng tatlong taon ang relasyon nila kung hindi niya ito mahal. Ngunit napapansin nga lang niya na panay na ang paghingi nito ng pera sakanya "Ay ewan ko sayo ha? Kung ako sayo makikipaghiwalay nako sa asungot na yan. Lalo na ngayon may client boyfriend ka na sobrang gwapo!" "Trabaho lang naman yun eh. Mahal ko naman ang nobyo ko Mayla." Walang gana niyang sagot kay Mayla "Hay naku! Sabi mo eh!" Iniwan na siya nito at lumakad na ito patungo sa lamesa upang ipagpatuloy ang pagkain ng takehome food mula sa date nila ni Jacob Nalulungkot lang siya dahil hindi man lang siya kinamusta ni Mark at para bang nagmamadali pa ito. Bago siya natulog, nagshower muna siya at nagsipilyo. Ang dumi dumi kasi ng kanyang paa. "Hello ate! Kamusta ka diyan?" Bati sakanya ng kanyang kapatid na si Dana. Tinawagan siya nito sa f*******: messenger via video call. Ngunit naka-turn off ang camera niya upang hindi nito makita na nasa bahay lamang siya at nakahiga sa kama "Heto nasa trabaho. Bakit ka napatawag? Hating gabi na diyan sa pinas ha?" "Wala naman ate namimiss lang kita." "Asus. Kilala kita no. Hindi ka tatawag ng ganitong oras kung walang importante o chismis o balita kang sasabihin sakin" Napabuntong hininga ito sa kabilang linya. Kilalang kilala na niya ang kapatid niya "Huwag ka sana magagalit ate ha? Hindi naman sa pinagbibintangan ko si Kuya Mark. Nakita ko kasi siya kagabi sa bagong peryahan sa bayan? Parang nagwawaldas siya ng pera doon sa sugalan." Napabalikwas siya sa ibinalita ni Dana. "Sigurado ka ba?" "Oo ate. Dalawa kami ni nanay nakakita sakanya eh. Sabi ni nanay ibalita ko daw sayo baka daw kasi pinapadalahan mo ng remitance si kuya Mark itigil mo na daw dahil ipinang-susugal lang" Napakuyom siya sa kanyang kamao. Ang lokong yun! Akala ko pa naman may sakit ang nanay niya?-- Sigaw ng kanyang isip. "Salamat. Hamo pagsasabihan ko si Mark" Iyon nalang ang sinagot niya kay Dana. Nagkamustahan pa sila ng kaunti bago ito nagpaalam sakanya. Hindi tuloy siya makatulog ng gabing iyon. Nanghihinayang kasi siya sa twenty thousand na kakapadala lang niya kay Mark. Kung nauna lang sana tumawag ang kapatid niya, hindi na sana niya binigyan ng malaking halaga ng pera ang nobyo niya Ang nagpakalma lang sa gabi ni Jaira ay ang business coat ni Jacob na ipinahiram sakanya. Nakalimutan niya iyon ibalik kagabi sa binata. Ginawa niya tuloy kumot ang business coat nito dahil masarap iyon amoy amoyin. Ang bango bango ng perfume ni Jacob. Dumikit na ng husto ang perfume sa business coat nito kaya't hangang magising siya ng umaga ay mabango parin iyon. Kahit stress siya sa kanyang nobyo ay nakatulog parin siya ng mahimbing. Kinaumagahan maaga siyang naligo at nag-almusal. Balak niyang dalhin sa laundry shop ang business coat ni Jacob. Palalabahan muna niya iyon bago niya isauli sa binata Nang matapos siyang magpa-laundry mag-aalas diyes na ng umaga. Nagtataka siya dahil hangang sa mga oras na iyon ay hindi parin nagtetext o tumatawag si Jacob sakanya Mayroon naman itong cellphone number niya dahil naroon sa kontrata nila ang number niya Napabuntong hininga siya. May balak pa ba itong makipag second date sakanya o wala? Baka naman tulog pa ito? Bumalik nalang siya sa kanilang apartment habang bitbit niya ang bagong laba na business coat ni Jacob. Sinampay muna niya iyon sa cabinet niya. Naabutan niya si Mayla na nag-gagayak na. Mukhang may lakad rin ito. "O akala ko ba may date kayo ni pogi kapag sabado at linggo?" Nagtatakang tanong ni Mayla sakanya nang bumalik siya sa kanilang apartment Nagkibit balikat siya "Ewan ko ba kay Jacob. Hindi pa nagtetext eh?" "Sayang naman yang outfit mo? Ang ganda ganda mo pa namang ngayong umaga" Pagpuri sakanya ni Mayla She's wearing a simple light purple dress. Hangang hita niya lang ang haba niyon. Kaya naman nakalitaw ang kanyang bilugan hita at makikinis na mga binti. Medyo revealing lang ng kaunti ang tabas ng desenyo ng damit na iyon sa likod niya dahil may pabilog na back-less design iyon. Pinahiram iyon sakanya ni Mayla. "Kaya nga eh. Ibabalik ko nalang to sayo-" "Huwag na. Nasuot mo eh." "Gaga siyempre lalabahan ko" "I mean isuot mo na yan. Malay mo maya maya lang tatawag na yan si pogi sayo--Opps speaking of the handsome boyfriend. Ayan na tumatawag na!" Sabay pa silang nagulat ni Mayla ng tumunog ang kanyang cellphone Unknown caller nag tumatawag sakanya. Sa tingin niya si Jacob na nga iyon. Wala naman kasi siyang ibang taong inaasahan na tatawag sakanya "H-Hello?" Sagot niya. Hindi niya ipinahalata na nasasabik siyang sagutin ang tawag nito "Hello chuchay. Can we reschedule our date? Something came up." Napaawang ang kanyang bibig at nadismaya siya sa sinabi ni Jacob. Excited pa naman siyang makasama itong muli. Ewan ba niya kung bakit siya excited "G-Ganon ba? Sige no problem. Sa sunday nalang" "No i mean mayble later tonight nalang?" "T-Tonight?" "Yeah. I'll pick you up later." Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita nito. "O-Okay sure sige. Ayos lang naman Jacob" "Good then. See you later" Napalunok siya. Hindi na siya nakasagot hangang sa nawala na ito sa kabilang linya. "O ano daw sabi?" Tanong ni Mayla sakanya na para bang hinihintay talagang matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Jacob "Mamayang gabi nalang daw kami magkita eh. Hindi naman niya sinabi kung bakit" "Ay ganern? O tara samahan mo nalang ako sa mall. Mamimili ako ng ireregalo ko sa anak ni Cindy eh. Bibinyagan sa susunod na linggo" "Osige sasama nalang ako sayo" Isang oras silang nag-shopping sa loob ng department store ng mall. Napapagod na nga si Jaira kakasunod kay Mayla. Hindi na siya nagreklamo dahil nilibre naman siya nito ng tanghalian. Ngunit habang nag-lalakad sila sa mall ay isang pamilyar na lalake ang natanaw niya sa loob ng isang botique shop. "Si Jacob iyon ha?" Sambit niya habang nakatingin sa napakagwapong lalakeng nasa di kalayuan Napangiti agad siya. "Oo nga si pogi nga yun! Ay teka may kasamang babae!" Pinigilan siya ni Mayla sa kanyang braso ng akmang pupuntahan na sana niya si Jacob Natigilan tuloy siya. Hindi niya agad napansin na mayroon nga itong kasamang babae sa loob ng botique. Mukhang masaya ang mga ito habang namimili ang babae ng kung ano sa loob ng botique na iyon Namukhaan niya ang babaeng kasama nito! Iyon yung babaeng kaibigan nito na crush na crush nito noon "Kaya pala hindi nakipag-date sayo ngayong umaga, may sinamahan palang ibang babae eh. Akala ko ba single yan si pogi?" "K-Kaibigan niya lang siguro yan." "Siguro? Hindi naman sila sweet oh? For sure friends lang yan. Mukhang sinasamahan lang talaga siya ni Jacob mamili ng kung ano ano sa accessories shop. Siguro bumibili lang sila ng mga souveniers?" "S-Siguro nga. Hayaan na natin--" "Pogi!" Bago pa man mapigilan ni Jaira si Mayla ay mahadera na itong sumigaw upang kuhain ang atensyon ni Jacob Nanlaki ang mata ni Jaira nang lumingon sa kanilang kinaroroonan ang binata Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Parang gusto na tuloy ni Jaira na lumubog sa lupa. Napaka-papansin naman kasi nitong kaibigan niya Kumaway pa si Mayla kay Jacob. Saglit lang itong natigilan bago ito ngumiti at kumaway rin sakanila. Napatingin rin tuloy ang babaeng kasama nito "Tara lapitan natin sila." Bulong ni Mayla sakanya bago siya hilahin patungo sa kinaroroonan ni Jacob at ng babaeng kasama nito "Napakapapansin mo talaga Mayla kinahihiya kitang bruha ka" Pasimpleng kurot sa tagiliran nito ang ginanti niya dahil sa pagiging papansin nito kay Jacob "Hello Jacob!" Feeling close na pagbati ni Mayla kay Jacob nang makapasok sila sa loob ng botique. Hawak hawak ni Mayla ang pulsuhan ng kanyang isang kamay. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti ng ackward sa binata. Nakatingin ito sakanila. "Hi girls. What are you doing here?" Nakangiting tanong ni Jacob sakanilang dalawa ni Mayla ngunit sakanya lang ito nakatingin. Hindi niya alam kung assuming lang ba siya o ano, pero satingin niya paghanga ang nababasa niyang emosyon sa mga mata nito ngayon. "Namamasyal lang kami ni Jaira. Ikaw anong ginagawa mo dito? May kadate ka pala ha?" Walang prenong sabi ng kaibigan niya. Pasimple niyang hinila ang buhok ng kaibigan dahil nagiging feeling close na ito "Gaga ka nakakahiya. Lagot ka sakin talaga mamaya" Bulong niya kay Mayla at binigyan niya pa ito ng isang warning look kahit nakangiti siya kunwari Kinurot naman siya nito sa kanyang braso. Nakangiti rin ito sakanya. "Gaga akong bahala" Pasimpleng bulong rin nito "No this is Bianca my friend--" "Best friend. Friend ka diyan?" Reklamo ng magandang babaeng katabi nito. Mukhang friendly ito at mabait. Bumaling si Bianca sakanilang dalawa habang may matamis itong ngiti. "Hello sainyong dalawa. Hindi ko alam na mayroon palang ibang kaibigan tong si Jacob bukod sa akin? I'm Bianca by the way" Inilahad pa ni Bianca ang kamay nito sakanilang dalawa ni Mayla Si Mayla naman ang unang nakipagkamay dito dahil natulala lang siya. "Ako si Mayla kaibigan nila, Ito naman si Jaira girlfriend ni pareng Jacob" Tinaas baba pa ni Mayla ang kilay nito nang ipakilala siya bilang nobya ni Jacob Samantalang nanlaki naman ang kanyang mga mata. Ipinapahiya talaga siya ng papansin niyang kaibigan kahit kailan! Kung kanina gusto niya lang lumubog sa lupa ngayon gusto na niyang maglaho na parang bula. Gusto na niya kumaripas ng takbo palayo sa mga ito Ang matamis na ngiti ni Bianca ay unti unting nawala dahil sa sinabi ni Mayla Tumingin agad ito kay Jacob. "M-May girlfriend kana bes?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bianca kay Jacob Kabang kaba si Jaira dahil baka magalit si Jacob sakanya. Baka hindi nito magustuhan ang pagpapapansin nila-- Ngunit natigilan siya nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni Jacob "Naunahan mo pa akong ipakilala si Jaira." Sambit ni Jacob kay Mayla. Mukhang kinagiliwan pa nito ang ginawang pagpapapansin ng kaibigan niya Napaawang tuloy ang kanyang bibig. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso nang lumapit sakanyang tabi si Jacob. "I want you to meet my girlfriend. She's Jaira" Pakilala ni Jacob sakanya sa harap mismo ni Bianca. Ikinagulat niya iyon kaya hindi siya nakapag-react agad. Nakatingin lang siya sa ikinikilos ni Jacob. Napalunok siya nang akbayan siya nito. Muli niya tuloy naamoy ang mabangong perfume ng binata na nagpahimbing ng tulog niya kagabi "G-Girlfriend? K-Kailan pa?" Tila binuhusan naman ng malamig na tubig ang itsura ni Bianca. Hindi nito inaasahan na may magiging nobya si Jacob "Actually kagabi lang" Nakangiti at may kumpyansang sagot ni Jacob "O-Oh God. For real? I-I can't believe it. I'm so h-happy for you" Kulang sa siglang pagbati ni Bianca sakanilang dalawa ni Jacob. Hindi maipaliwanag ni Jaira kung bakit pakiramdam niya hindi tunay na masaya si Bianca sa natuklasan nito. Tipid siyang ngumiti. "Thanks Bianca" Napalunok si Jaira nang mapansin niyang tensyonado si Jacob. Nararamdaman niya iyon sa kamay nitong nakapatong sa kanyang balikat Kung pag-aaralan niya ang kinikilos ni Jacob, mukhang sinasadya lang nitong pagselosin ang babaeng kaharap nila ngayon. Nababasa niya kasi sa mga mata nito na may lungkot itong tinatago kahit nakangiti ito Napayuko nalang si Jaira. Mukhang nahuhulaan na niya kung bakit wala parin nagiging nobya si Jacob sa kabila ng kagwapuhang taglay nito. Siguro inlove ito sa babaeng kaharap nila ngayon. Sino ba naman kasing hindi maiinlove kay Bianca? Napakaganda nito at mukhang mabait pa. "Ang sweet niyo naman pogi! Kiss naman diyan!" Pang-aasar pa ni Mayla sakanilang dalawa ni Jacob Pinandilatan nalang niya si Mayla upang tumahimik ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD