Chapter 7
Nakaramdam ng kaunting lungkot si Jaira nang bitawan ni Jacob ang kanyang kamay. Magkahawak kamay kasi silang lumayo mula kila Mayla at Bianca.
Nag-paalam na kasi si Bianca na susunduin na daw ito nang mapapangasawa nito. Nalaman niyang ikakasal na pala ito sa susunod na buwan.
Samantalang nag-paalam rin agad si Mayla na may aasikasuhin pa daw ito kaya't iiwanan na siya sa piling ni Jacob.
Alam niyang gumawa lang ng paraan ang kaibigan niya upang masolo niya na si Jacob.
"Sorry about that." Hingi nito ng paumanhin
"Para saan?" Nagtatakang tanong niya. Medyo nanghihinayang siya dahil binitawan na nito ang kamay niya. Kilig na kilig pa naman siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya kanina sa harap mismo nila Bianca. Ngunit nang makalayo sila ay binitawan rin nito ang kamay niya.
"For taking advantage of our situation." Tila nahihiya pa ito ng kaunti sakanya. Hindi nanaman ito makatingin ng deretso sakanyang mga mata. Napansin niyang titingin ito ng ilang segundo sakanya pagkatapos ay hindi rin nakakatagal sa pakikipagtitigan.
Naiilang nanaman ba ito?
"Wala yun. Trabaho ko naman maging rented girlfriend mo."
"Yeah i know. But i think napasobra ako. Naakbayan kita kanina--"
Natigil ito sa pagsasalita nang matawa siya ng mahina.
"Parang akbay lang eh! Kasama naman iyon sa work service ko bilang girlfriend mo. Pwede tayong mag-holding hands, Pwede mo ko akbayan at pwede mo rin akong yakapin. K-Kiss lang naman yung may extrang bayad"
Medyo nailang rin siya sa huling salitang binitiwan niya. Napasulyal kasi siya sa namumulang labi nito na para bang kay tamis tamis at masarap kagatin
For real Jaira? Pinagpapantasyahan mo naman yata ngayon ang labi ni Jacob? Paaalala ko lang sayo trabaho lang ito ha?---Sita niya sa kanyang sariling kalandian.
He just smiled a little.
"If thats the case gusto ko parin mag sorry." Hingi parin nito ng despensa sa nagawa sakanya
"Chicks mo yun no?" Pag-iiba nalang niya ng topic. Sayang kasi ang magandang view sa paligid kung hihingi lang ito ng tawad sa paghawak sa kanyang kamay. Naroon sila malapit sa isang golden fountain sa loob mismo ng malaking mall. May mga taong napapatingin ang ibang mga tao sakanila dahil agaw pansin ang kagwapuhang taglay ni Jacob
Ang iba pa nga ay parang gustong lumapit upang magpa-picture sa binata. Ngunit nag-aalangan dahil mukha itong suplado gawa nang hindi nito pag-ngiti madalas at palaging seryoso ang facial expression nito. Higit sa lahat kasama siya nito kaya't siguro iniisip ng mga tao roon na nobya siya ng binata
"Chicks?" Balik tanong nito sakanya. Sa golden fountain na ito nakatingin
"Iyon yung sinasabi ko sayong crush mo noong bata pa tayo. Natatandaan ko pa ang mukha niya eh. Siya yung babaeng palagi mong kasama noon sa tuwing sinasama ako ni nanay sa mansyon niyo. Siya yung babaeng naka-brace noon. Mahal mo siya no? Siguro siya ang dahilan kung bakit hindi kana nakahanap ng ibang girlfriend?" Nang-iintrigang tanong niya
Agad naman itong lumingon sakanya. Pinamulahan ito nang mga tenga dahil tila nahulaan niya ang tunay na dahilan sa pagiging NGSB nito o No girlfriend since birth
"P-Paano mo nalaman? Manghuhula ka pala" Ackward itong ngumiti sakanya bago ito napabuntong hininga
"Siyempre. Magaling ako eh! Bakit hindi mo niligawan?" Tanong niya.
"She's taken" Maiksing sagot nito at bakas sa mga mata nito ang kalungkutan
Napanguso siya.
Hindi niya napansin na dumako sa kanyang labi ang paningin ni Jacob dahil sa ginawa niyang pag-nguso. Nag-iwas lang agad ito ng paningin sa labi niya.
"Taken? Purkit taken hindi mo na niligawan?"
"It's not my thing. Ayokong manira ng relasyon ng ibang tao. And i know she love's Ali so much kaya pinabayaan ko nalang sila."
"Kung ako ganyan kagwapo? Nako panigurado kahit may asawa na maaagaw ko pa!"
Napangiti ito sa sinabi niya bago nito ginulo ang kanyang buhok na para bang isa siyang makulit na bata
"Bad yun" Biro nito sakanya
Kyimi naman siyang napangiti. Nagustuhan niya ang pag-gulo nito sa ibabaw ng buhok niya. Nalalambingan siya sa ganoong aksyon nito.
"Ikakasal na sila diba? Kaya ba pumayag kana sa mga pinsan mong mag-rent ng nobya?"
Saglit na sumeryoso muli ang gwapong mukha nito.
"Yeah. Maybe?"
"Ayaw mo ba siyang ilaban?"
"Wala namang laban"
Napaikot ang kanyang mga mata sa ere.
"Kung mahal mo ipaglaban mo. Sabihin mo sakanya na mahal mo siya. Sa tingin ko naman crush ka rin niya kasi hindi siya masaya nung nalaman niya na may maganda kang nobya"
Napangiti ito sa kanyang sinabi bago nito tinitigan ang kanyang mukha
"Maganda lang ba? Sobrang ganda eh" Pambobola nito sakanya na hindi niya inaasahan kaya naman namula ang mga pisngi niya at nag-init agad ang mga iyon
"A-Alam ko." Kunwari napa-irap siya ngunit ang totoo ay kilig na kilig siya. Sinabihan ba talaga siya nito na sobrang ganda niya? Ah grabe! Kinikilig siya kahit hindi siya pwedeng kiligin. Napakabilis ng t***k ng puso niya at hindi niya mawari kung paano pakakalmahin ang sarili
Tumawa ito ng mahina.
"Nagulat lang siguro siya. First time ko mag-girlfriend eh"
"So a-ayaw mo na talaga siyang ipaglaban?"
Saglit itong natigilan bago tila nag-isip.
"Ayokong saktan si Ali. Kaibigan ko rin kasi yung fiance niya."
"Kung ganon ayaw mo na talagang tutulan ang kasal nila? Dapat ipaglaban mo siya habang maaga pa. Habang hindi pa sila kasal"
Umiling ito.
"I don't want to do that. Masaya nako para sakanilang dalawa ni Ali. Besides nagmomove on na nga ako eh. Diba tutulungan mo ko?"
Pinigilan niyang kiligin muli nang titigan siya nito. Nakaka-fall naman kasi ang mga pag-titig nito sakanya. Pero naiilang ito sa tuwing mapapadako ang paningin sa kanyang hinaharap. Medyo revealing nanaman kasi ang damit niya. Ang lusog lusog nanaman ng kanyang dibdib sa suot niyang damit na medyo hapit sa kanyang katawan
"P-Paano naman kita matutulungan aber?"
"Turuan mo lang ako paano maging boyfriend para kapag may babae nakong gustong ligawan ready na ako."
Medyo nasaktan siya ng kaunti sa sinabi nito. Muntik na niyang makalimutan na rented girlfriend nga lang pala siya ng binata.
"G-Ganoon? Wala ka bang ideya kung paano maging boyfriend? Eh kahit nga elementary alam na kung paano makipaglambingan"
Natawa ito sa sinabi niya.
"I just want to divert my attention."
Pabiro niya itong pinalo sa braso nito.
"Gagawin mo pa akong panakip butas ha?"
Sumeryoso naman ang mukha ng binata.
"Ofcourse not. I will not do such thing. Gusto ko lang mawala ang atensyon ko kay Bianca by learning few things from you. Turuan mo ko maging perfect boyfriend, It's quite exciting"
"Gusto mo turuan pa kitang magmahal eh?" Pagbibiro niya.
Agad naman itong napalunok at ackward na ngumiti.
"H-Huwag naman baka saktan mo lang ako eh" Dinaan nalang nito sa biro ang pagiging aloof nito. Nailang yata ito sa sinabi niya.
"Gusto mong turuan kita maging perfect boyfriend diba? Eh paano kung mafall ka sakin?" Mas kinikilig pa yata siya sa mga naitatanong niya.
"That will never happen. Alam ko naman kung anong sitwasyon natin" Nag-iwas ito ng tingin sakanya
Napataas ang kilay niya
"Sure ka? Sabi mo kanina sobrang ganda ko? Ingat ka ha baka maging crush mo nako niyan?" Pang-aasar niya pa kay Jacob dahil namumula nanaman ang mga tenga nito
"D-Don't worry that will never happen."
Napanguso siyang muli.
"Fine. Edi don't fall for me okay?"
Tumango ito.
"Yeah ofcourse."
"Madali pa naman akong mahalin? Huggable rin ako at kissable. Paano mo malalaban ang tukso? Kapag niyakap mo nako at nahalikan?" Panunukso niya. Natutuwa kasi siya sa pamumula ng pisngi nito
Napalunok ito at parang nasabik sa mga sinabi niya. May pananabik kasi siyang nakikita sa mga mata nito
"C-Can we do that? I mean gusto ko sana masubukan yung ganon." Saglit itong sumulyap sa kanyang labi
Siya naman ang natigilan. Tila nasabik rin siyang mayakap at matikman ang malalambot na labi nito
"O-Oo naman basta magbabayad ka kung ilang halik magagawa mo" Dinaan niya nalang sa biro ang ackward na sitwasyon
Saglit nitong binasa ang sariling labi bago ito nag-iwas ng tingin sakanya
"Some other day pag handa nakong magkaroon ng first kiss" Bawi nito sa sinabi nito kanina na gusto nitong masubukan ang mayakap at mahalikan siya
"Gusto mo mamaya na eh." Biro nalang rin niya
Tumingin agad ito sakanya.
"Are you sure?"
Napakurap kurap siya. Bakit ba parang nag-iinit ang katawan niya sa pananabik.
"O-Oo ba. Five thousand rin yun eh"
"Tuwing kelan ba naghahalikan ang magkarelasyon?" Inosenteng tanong ni Jacob
Natawa tuloy siya.
"Sa tuwing gusto nila? Depende. Minsan may magkarelasyon na panay ang paghahalikan. Meron naman na minsan lang"
"I want to know how it feels. For sure pinagtatawanan ako ng mga pinsan ko dahil hindi ko pa yun naranasan"
"E-Edi subukan natin" Gustong sabunutan ni Jaira ang kanyang sarili dahil sa kalandian niya. Nakakaramdam rin siya ng konsenysa sa kanyang nobyo ngunit iniisip nalang niyang trabaho lang itong ginagawa niya
"When?" May kasabikan nitong tanong
"Kung g-gusto mo ngayon na?"
Tumingin ito sa paligid. Maraming tao ang napapatingin sakanila.
"Ayoko sana sa maraming tao ang makakita na hindi ako marunong humalik. Let's go somewhere private i guess?"
Para siyang kinikiliti sa suwesyon nito.
"S-Saan?"
Napalunok naman ito.
"Ikaw mag-isip kung saan. Kinakabahan ako eh" Natawa ito sa sarili dahil para itong teenager na hindi pa nakikipaghalikan kahit isang beses.
Natawa rin tuloy siya sa kabila ng pag-iinit ng kanyang katawan.
"Sa bahay mo nalang?"
"Sa condo ko?"
"S-Sige ba. Basta huwag kang maiinlove sakin kapag natikman mo na ang halik ko?"
Muli itong napatingin sa labi niya ng may halong pananabik.
"Mukhang masarap ngang halikan." Mahina nitong sambit na hindi niya narinig
"Ha?"
"I said let's go. Nagugutom na rin ako hindi pa ako nag-lunch" Nauna na itong maglakad kaya naman sinundan niya nalang ito
Nagulat pa ito nang hawakan niyang muli ang kamay nito. Napansin niyang mas mainit na ang mga palad nito sa mga sandaling iyon kaysa sa palad nito kanina noong magkaholding hands rin sila na medyo malamig pa
"Holding hands tayo para masanay kana. Palaging naka-holding hands ang magkarelasyon sa tuwing namamasyal" Sabi niya nang magtaka ito sa ginawa niyang pakikipagholding hands
"O-Okay" Saglit nitong pinisil ang kanyang kamay na naghatid ng libo libong kuryente na dumaloy sa kanyang malalanding ugat
Napahigpit ng kaunti ang paghoholding hands nila kumpara kanina.
"Kotse mo? Ang ganda ah." Puri niya sa kotse nito nang makarating sila sa parking lot. Naroon ang isang itim na kotse na parang luma na. Maganda parin iyon kahit luma na.
Hindi ito sumagot at para bang may iniisip ito. Hawak parin nito ang kamay niya
"Huy?"
"I-I'm sorry. Naiisip ko kasi yung gagawin natin. Nakakakaba pala?" Tensyonado nitong sambit
Natawa siya. Halata ngang kinakabahan ito at nasasabik na.
"Kinakabahan ka agad diyan. Wala pa nga."
Napalunok ito at napapatingin sa kanyang labi.
"C-Can we kiss now? Hindi ko yata kayang mag-drive sa kasabikan" Pag-amin nito at bahagya pa nitong napisil muli ang kanyang kamay
"D-Dito sa parking lot?"
Napalunok ito.
"S-Sa loob ng kotse"
Parang may kumiliti sa puson ni Jaira nang sabihin iyon ni Jacob. Sabik na sabik na rin siyang makahalikan ito.
"O sige" Napakagat labi tuloy siya
Binuksan agad ni Jacob ang pinto ng kotse nito. Upang papasukin siya sa loob. Hindi muna siya pumasok sa loob nang may maisip siya
"S-Sa likod tayo ng kotse mo"
Napalunok ito at tila lalong nasabik.
"O-Okay"