Chapter 8 Pagkapasok ni Jaira sa loob ng kotse ni Jacob nakaramdam siya ng matinding pagkasabik. Lalo na nang pumasok rin ito sa loob. Kapwa tensyonado ang kanilang mga katawan. Pareho silang nasasabik. Relax Jaira. Trabaho lang to bakit parang sabik na sabik ka? Relax please? --- pakiusap niya sa kanyang sarili upang kahit papaano ay kumalma siya Sino ba naman kasi ang kakalma? Kung kasing gwapo ni Jacob ang gustong magpaturo sakanya kung paano humalik? Daig niya pa ang nanalo sa lotto! "S-So? How we will start?" Basag ni Jacob sa pananahimik nilang dalawa. Magkatabi sila sa likod na upuan nang kotse nito. "M-Mainit no? Open mo muna kaya yung aircon?" Tensyonadong utos niya kay Jacob. Baka kasi masuffocate pa tayo eh" Napa-awang ng kaunti ang bibig nito na tila nagtataka kung bak