"Kaya ba natin yang ubusin!?" hindi makapaniwalang wika ni Alyana habang nakatingin kay Keane na isa isang nagluluto ng iba't ibang putahe. Pagkagising nya this morning ay nadatnan na nya ito sa kitchen na abala sa pagluluto. At nasa limang putahe ang niluluto nitong ulam at bukod pa ang merienda. "Maghapon kasi tayo don, Baby. Kaya kasya to sa'tin maghapon. At mas masarap kumain pagkatapos magswimming." wika nito ng hindi sya tinitingnan. Sa halip na abalahin ito ay umupo na lang sya sa harap ng mga luto ng pagkain. Ayaw naman sya nitong tumulong sya ng magkusa sya kanina. Kumuha sya ng isang pirasong lumpia at inumpisahan itong kainin. Mukhang masasarap ang mga niluto nito kaya hindi nya napigilan ang sarili na tikman ito isa-isa. "Masarap ba?" napatigil sya sa pagnguya ng makita nya