Naalimpungatan si Alyana ng makaramdam sya ng kiliti sa bewang nya. Ramdam nyang may humahaplos doon na nagbibigay kilabot sa katawan nya at dinig nya ang mahinang pagtawa ng gumagawa non. Pilit nyang binuksan ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang mukha ni Keane na malapad ang ngiti. Magulo ang buhok nito pero halatang matagal ng gising. Nakatukod ang kamay nito sa ulo bilang suporta. "Good morning,baby.." nakangiting bati nito sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi na nagpainit ng mukha nya. Ramdam nya ang mainit na katawan nito na medyo nakadagan sa kanya at ang binti nitong nakapatong sa binti nya. Nakatagilid sya at nakaharap dito. May naramdaman syang mainit at matigas na bagay na nakapatong sa hita nya kaya binuklat nya ang kumot na tanging tumatakip sa katawan nil