Alyana's POV Tatlong linggo na ang lumipas mula nang pumunta kami sa "Hacienda Valiente" pero hindi pa rin kami ulit bumabalik doon mula nang lisanin namin ang lugar na 'yon. Sayang lang dahil hindi man lang ako nakapamasyal sa magandang lugar na 'yon. Pag free naman ako at pag inaaya ko si Matthew ay siya naman ang busy. Tapos pag siya naman ang hindi busy ay ako naman ang may schedule kaya hindi kami magkaroon ng time para bumalik doon dahil sa lagi kaming hindi pareho ang libreng araw at oras.Hayy.. Nami-miss ko na ang maganda— "Hoy, babae!" Susmaryosep naman itong babaeng ito. Balak pa yata akong patayin sa nerbiyos, basta na lang nagsasalita. "Bakit ba?" tanong ko kay Allyson sabay tingin ng masama dahil sa nagulat ako sa ginawa niya. "Anong bakit ba ka d'yan? Kanina pa ako dit