Kaagad niyang nilapitan si Alyana na hirap at pilit na inaalalayan ang sarili habang patuloy sa pagluha. Niyakap niya ito na nakapagpasinghap sa lahat ng estudyante. Binuhat niya ang dalaga at pilit na pinaupo sa kabilang side ng hallway at pinasandal sa pader. Hindi maaaring walang paghihiganting magaganap sa gumawa nito kay Alyana kaya iniwan niya muna ito para malaman kung sino ang nagsimula ng pambu-bully sa dalaga. "Sinong gumawa nito sa kanya!?" mapanganib at may diing tanong niya. Walang sumagot sa kanya at nagsiyuko lang ang ilang estudyante na para bang walang balak magsalita. Lalo siyang nakaramdam ng galit dahil sa walang sumagot sa kanya. "Sino ang may gawa nito sa kanya!?" sigaw niya na nag-echo sa buong hallway. Kita niya ang takot sa mukha ng ilan kaya alam niyang may ma