Bagot na bagot si Alyana habang nakaupo sa sofa sa living room. Nag-iisa lang siya dahil iniwan siya ni Keane at hindi siya nito isinama sa pupuntahan nito. Kahit anong pilit niya ay hindi siya nito isinama dahil mabilis lang daw ito subalit halos dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Ito ang unang araw ng kanilang sem break at ngayon pa lang ay bagot na bagot na siya. Hindi naman siya makauwi sa probinsya nila dahil walang kasama si Keane sa bahay dahil ayaw nitong sa mansion muna nila tumira kasama ang mga magulang habang wala pang pasok. Wala rin naman siyang magawa dahil halos nalinis na niya ang buong bahay. Hindi naman ito ganoon kadumi kaya madali lang siyang natapos. Tumayo lang siya para magluto nang napatingin siya sa wall clock at nakita niyang tanghali