TWELVE: "I've got my first ever crush." ITINULOY ni ate Gia ang pagsampa ng kaso. Sinuportahan siya namin nina sister Dayana. Nasampahan ng kaso si tiyo Jos at naaresto, nakulong pero makalipas ang ilang araw ay nakahanap din ng abogado kaya umakyat hanggang sa husgado ang kaso. May kaibigang abogada si sister Dayana pero libre ang serbisyo dahil isa itong University lawyer at intern pa. Sa unang araw ng hearing, hindi ako nakasama dahil ayaw akong pasamahin nina sister at ni ate Gia. Pero ayos lang dahil pagkauwi nila sa hapon, magandang balita naman ang sinalubong nila sa akin. "Nicole! Nicole!" excited na tawag ni ate sa akin pagkauwi nila kasama ni sister Dayana at ng batang abogada. Excited din akong lumabas para yakapin siya. "Kumusta, ate?" "Nicole, malaki ang chance na maipan