Chapter Forty Nine Warning: SPG! Ilang minuto rin akong iyak nang iyak hanggang sa wala na akong mailuha. Nanatili namang tahimik si Sir Typhoeus sa tabi ko. Wala sa sarili akong sumandal sa balikat niya dahil sa medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Unti-unti nang tumatalab ang mga beer na ininom ko. “Sher Typhoeus, alam kong hindi naman ako dapat umasa dahil wala naman siyang sinabi na gusto niya ako,” medyo lasing na kuwento ko. “Pero malakas po kasi ang naging tama sa akin ng mga kilos niya… lalo na noong hinalikan niya ako. Kaya ayon, nahulog, tapos bumagsak din.” Napanguso ako habang inaalala ito. “Miss Aina.” Napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang aming mga labi. Hinawakan niya ang mukha ko at nagpatuloy sa paghalik. Nagulat ako sa umpisa pero