Chapter Forty Eight “SIR TYMON, thank you po sa regalo na binigay mo,” natutuwang wika ko at matamis na ngumiti. “Huwag mo namang ipakita na masayang-masaya ka, Aina,” sabi ko sa sarili at mahinang sinampal-sampal ang mukha ko. Kanina pa ako nagpa-practice sa harapan ng salamin sa loob ng bathroom na nililinis ko para magpasalamat kay Sir Tymon. Sobra talaga akong natuwa sa ibinigay niya. Hindi ko rin inaasahan na maiisip niya ang gano’ng klaseng regalo lalo na’t sinabi niya noon sa akin na masyado siyang tamad para magsulat. “Normal na pagpapasalamat lang dapat.” Umayos ako ng tayo at napatikhim. “Sir Tymon, salamat,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa salamin. Nang matapos sa paglilinis ng bathroom ay lumabas na ako at dumiretso sa susunod na area na aking lilinisin. N