Chapter Thirty Five Naagaw ang atensyon namin nang marinig ang malakas na tawa ni Sir Tymon na hindi malaman kung pilit o sarkastiko. “Nice joke, Dad!” aniya. Humagalpak ulit siya at sinamahan niya pa ng palakpak. “It’s funny, right? Tumawa rin kayo,” mariing bulong niya sa mga kapatid habang pilit na nakangiti at siniko-siko pa ang katabing si Sir Tyger para makisabay. “Hindi pa nagbibiro si Dad, Tymon,” dismayadong sagot naman ni Sir Tyger na nagpatigil sa kanya. “A-are you serious, Dad?” hindi makapaniwalang tanong ni Sir Tyran. “Isa pa ’tong tanga,” wika ulit ni Sir Tyger at napasapo na ng noo. Binigyan naman siya nang matalim na tingin ni Sir Tyran. “Do you want me to put you to bed, Mr. Sleepyhead?” pikon na tanong niya sabay hawak sa nakakuyom na kamao. Napalingon ako sa dir