Chapter Thirty Six “So what do you think?” Nanatiling namimilog ang aking mga mata at nakabuka ang bibig. Tila ayaw magproseso sa isip ko ng mga sinabi niya. Mom? Partner? Ano ’yon? “Mr. Montero, ano po ba’ng pinagsasabi mo?” kunot-noo na tanong ko. “Sagot ang kailangan kong marinig. Hindi isa pang tanong, Aina. Alam kong malinaw sa ’yo ang inaalok ko kaya hindi ko na kailangan pang ulitin,” malamig na saad niya na mas lalo pang nagpangiwi sa akin. “Ikaklaro ko lang po, gusto mo akong maging Nanay ng anim na mas matanda pa sa akin?” naguguluhan na tanong ko. “Yes,” tipid na sagot niya. “I don’t see anything wrong with it.” Jusko! Kung wala siyang nakikitang mali, ako, marami. Ang weird din at ang sobrang awkward nito. “Hindi lang po basta Nanay, partner mo rin, tama po ba ako