Chapter Three

1227 Words
Chapter Three Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaki kanina sa bathroom. Mukhang hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung sino siya. Pagkatapos kong ihanda ang pagkain ay napatingin ako sa harapan. Natigil ako nang makita ang isa na papalapit dito. Una kong tiningnan ang buhok niya, basa pa ito. Bigla akong kinabahan nang mapansin na nababahala ang kanyang reaksyon. Nang tuluyan na siyang makalapit, agad kong tiningnan ang kulay ng kanyang mga mata para malaman kung sino siya. Kulay asul ito, siya si Sir Tydeus. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa magkahalong kaba at hiyang nararamdaman ko. Ibig sabihin… siya ’yung nakita ko sa bathroom kanina? Siya ’yung nakakita sa katawan ko? “Miss Aina, may mahalaga akong sasabihin,” bungad niya sa akin. Agad akong napalayo at napayakap sa ’king dibdib. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya kayang harapin at tingnan. Parang gusto kong magpalamon sa lupa kahit alam kong sementado itong kinatatayuan namin, para mawala lang. “Sorry po, Sir. Kalimutan na po natin ’yon. Aksidente po ang nangyari, huwag na lang po nating pag-usapan,” naiilang kong sabi. Pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha dahil sobrang init nito. “Huh?” rinig kong tugon niya. Napansin ko ang pagtataka sa kanyang reaksyon ngayon. “Wow! Ang bango naman! Luto na ba ang pagkain?” Napalingon ako sa nagsalita. Sunod-sunod nang pumunta rito ang mga kapatid niya at pumuwesto na sa table. Naagaw ang atensyon ko ng nakasalamin, si Sir Typhoeus. Natigil ako nang mapansin na basa rin ang buhok niya. Dahan-dahan akong napakunot ng noo. “Huh?” Biglang napuno ng mga tanong ang isip ko sa nakikita ko ngayon. Pahirapan na nga sa akin na alamin kung sino dahil pare-pareho ang mga mukha nila, tapos ngayon, may magkatulad pa na bagong ligo. Siguradong isa sa kanilang dalawa ’yung lalaki. Pero sino? Binalik ko ang tingin kay Sir Tydeus. Naalala ko na may sasabihin nga pala siya. “Sir, ano nga po pala ang sasabihin mo?” nahihiyang tanong ko sa kanya. “I’m sorry, Aina. Katatawag lang ng ibang maid. And they say that they would never come back. Kaya habang wala pa kaming nahahanap, ikaw muna mag-isa ang mag-aasikaso sa lahat.” Natigil ako nang marinig ang sinabi niya. Natulala ako at parang napunta sa kawalan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto kong matuwa dahil hindi tungkol doon ang sinabi niya, pero another stress naman din pala. “Okay lang ba sa ’yo? But don’t worry, we will increase the payment. Huwag ka lang umalis,” sabi ni Sir Tydeus na parang nagpapaawa ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Nothing new. Well, kaya na rin naman natin ang mga sarili natin. Malalaki na tayo. Why do we still rely on so many maids?” sabi ni Sir Antukin. ’Yon na ang bansag ko sa kanya. Nakalimutan ko kasi ’yung pangalan niya. Basta may Ty ’yon sa umpisa. Lahat naman sila ay Ty ang first letters. Ayon, naalala ko na. Siya si Sir Tyger. “Really from the laziest and did nothing but sleep,” sarkastikadong sabi ni Sir Tyran na parang palaging may galit sa mundo. Napatingin ako sa direksyon ni Sir Typhoeus. Tulad ng ginagawa niya kahapon, nakatutok ulit siya sa libro. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari kanina. Bumalik na naman sa isip ko ang lalaki. Kung hindi si Sir Tydeus, siguradong siya na ’yon! Sa hitsura ni Sir Tydeus, mukhang wala siyang kaalam-alam sa tinutukoy ko kanina, kaya malaki ang tsansa na hindi talaga siya ’yon. “Tumigil na kayo. Nasa harap kayo ng pagkain.” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang pagsaway ni Sir Tydeus sa dalawa. Tumigil sila at itinuon ang atensyon sa mga pagkain na nasa hapag. Napangiti naman ako habang tinitingnan sila. Akala ko, may pag-iinitan na namang mangyayari. Buti na lang, nagpaawat na sila agad. Binalik ni Sir Tydeus ang atensyon sa akin. “So, Miss Aina? Is it okay with you?” tanong niya. Mukhang wala na akong ibang choice. Kailangan ko itong trabaho na ito. Baka wala na rin akong makita na ibang trabaho na may ganito kalaking suweldo. Hindi ko dapat ito sayangin. Kaya itutuloy ko na ito. Pero may pag-aalangan pa rin sa akin. Siguradong napakahirap at pangmatandihan ang gagawin ko, kaya kailangan ko itong paghandaan. Napatingin ako sa mga magkakamukhang lalaki na nasa paligid ko. Hindi lang ang malaking mansyon ang kailangan kong asikasuhin, pati na rin sila. Sana kayanin ko ito. Kahit nagdadalawang-isip pa ay unti-unti na akong tumango bilang tugon. Sinabi naman niya na dagdagan ’yung sahod. Kaya wala nang dapat pang ipangamba. Tiis-tiis na lang. “Yes po, Sir,” sagot ko. Napangiti siya. “Thank you, Miss Aina.” Pumuwesto na rin siya sa table at tumabi sa mga kapatid niya. “Let’s ea—” Hindi niya natuloy ang sasabihin at nakasimangot na tumingin sa direksyon ni Sir Tyger. Kumakain na ito. Nagpigil ako ng tawa nang mapansin na para siyang bata kung kumain, ang kalat at may mga mumo pa sa pisngi. Pero ang cute niyang tingnan. “Kaya pala nananahimik,” nagtitimping saad ni Sir Tydeus. “Ang sarap ng luto mo, Miss Aina!” rinig ko namang sabi niya sa akin. “Eat well, brothers,” pagsingit ni Sir Tylor sa usapan. Tumayo siya at nakangising lumapit sa akin. Tiningnan ko siya ng masama dahil mukhang may hindi magandang binabalak na naman ang lalaking ito. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila. “Hoy! Ano’ng gagawin mo?” gulat kong tanong sa kanya. Tumaas ang balahibo ko nang itinapat niya ang kanyang bibig sa aking tainga. Nakikiliti ako ng mainit niyang hininga. “Prepare yourself for my breakfast,” malanding bulong niya. “Sir Tylor, bitiwan mo nga ako!” inis kong sabi sa kanya at pilit na tinatatanggal ang pagkakawak niya sa kamay ko pero masyado itong mahigpit. “Tylor.” Agad kaming napalingon sa table nang marinig ang nagsalita. Walang emosyong nakatitig sa amin si Sir Typhoeus. “Ano? Iistorbohin mo na naman ba ako, Typhoeus?” inis na tanong sa kanya ni Sir Tylor. “Wala pa rito si Tymon, tawagin mo na siya,” seryosong saad niya at binalik na ulit ang tingin sa binabasang libro. Tumingin ako sa kanila at binilang sila sa isip. Lima lang silang nandito. Wala na naman pala ang isa. “Seriously?” nagtatakang tanong ni Sir Tylor sa kanya. “I agree. Instead of doing something silly, just look for Tymon,” pagsang-ayon naman ni Sir Tydeus. Kahit bakas sa mukha ang inis, wala nang nagawa si Sir Tylor kundi sundin ’yon. Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko. Marahas ko naman itong tinanggal. Ibinalik niya ang tingin sa akin at hinaplos ang mukha ko na agad kong iniwas. “I’ll be back, Baby,” sabi niya at tuluyan nang umalis. “When did you ever care about Tymon?” Napatingin ako sa direksyon nila. Nakakunot ang noo ni Sir Tyran habang hinihintay ang sagot ni Sir Typhoeus. “Sus! Typhoeus, interested ka sa maid, right?” panunukso ni Sir Tyger at mahina itong siniko-siko. Inilipat ko ang atensyon sa ibang direksyon nang tumingin sila sa akin at nagpatay-malisya. Pasimple kong sinilip ng tingin si Sir Typhoeus. Seryoso na siyang nakatitig sa binabasa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD