Chapter Four
Lumipas ang ilang minuto. Natapos na rin silang kumain. Inayos ko na ang kanilang pinagkain habang sila naman ay bumalik sa kanya-kanyang mundo.
Napansin kong nagpaiwan si Sir Tydeus dito. Bigla akong kinabahan dahil baka sabihin niya ’yung tungkol sa nangyari sa bathroom. Kung siya nga talaga ang nakita ko roon.
“Sir, may kailangan ka po ba?” tanong ko sa kanya.
Bahagya siyang tumango at bumuntong-hininga muna bago magsalita.
“Nothing. I just want to apologize for Tylor’s behavior,” saad niya.
Bahagya akong napangiwi nang maalala ang ginawa ni Sir Tylor. Medyo namumuro na siya sa akin.
“Sir, sa totoo lang, umiikli na ang pasensya ko sa kanya. At hindi po kayo ang dapat mag-sorry sa ginagawa niya,” sagot ko.
“Yeah, I understand. Sana huwag kang matakot na labanan siya. Teach him a lesson para magtanda, ayos lang sa amin na gawin mo ’yon,” sabi niya at tipid na ngumiti.
“Totoo po ba, Sir? Baka masisante po ako dahil diyan?” tanong ko.
Mabilis siyang umiling. “No, it’s really okay with us. Don’t consider him a boss if he doesn't respect you,” sagot niya.
Dahan-dahan akong napatango bilang tugon na may kaunting bakas ng gulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na napakabait talaga ni Sir Tydeus.
“So, Miss Aina, incase na may problema or may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin,” dagdag niya.
Nakangiti akong tumango sa kanya. Tinalikuran niya na ako at naglakad papunta sa sala. Tumuloy na ako sa paglilinis dito sa kusina.
Pagkatapos kong magligpit, naghanda na ako ng mga gamit at bumuwelo sa paglilinis ng mansyon. Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Tinitingnan ko pa lang ang kabuuan nito, parang napapagod na ako. Napakalaki kasi, hindi ko malaman kung ano ang uunahin.
“Wala kang matatapos kung tititigan mo lang ’yan, Aina,” sabi ko sa sarili.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula ulit maglinis. Nang matapos sa pagba-vacum, pumunta ako sa picture frame area para punasan ito.
Umagaw ng atensyon ko ang family picture nila. Pito silang lahat na nasa litrato kasama si Mr. Montero. Pinagmasdan kong mabuti ang mga hitsura nila. Magkakamukha talaga sila pero nagkakaiba lang ang kulay ng kanilang mga mata. May blue, gray, turquoise, brown, amber, at green. Turquoise din ang kulay ng mata ni Mr. Montero.
“Ang galing, puwede palang mangyari ’yon?”
Sa totoo lang, nakakalito talaga silang anim. Mukhang ang pagbabasehan ko na lang talaga para makilala sila ay tingnan kung ano ang eye color nila.
Napatingin ako sa picture frame ng isang napakagandang babae na katabi nito. Mukhang siya ang nanay nila. Tiningnan ko rin ang kanyang mga mata, kulay luntian ito. Hindi ko maiwasang mapahanga dahil sobrang ganda nito.
“Miss Aina.”
Napalingon ako sa tumawag.
“Yes po, Sir?” tugon ko agad. Tiningnan kong mabuti ang mga mata niya para malaman kung sino siya.
Kulay brown ito at mapupungay. Napansin ko ang buhok niya na medyo magulo kumpara sa iba. Mukhang si Sir Tyger ang kausap ko dahil siya ’yung madalas antukin sa kanilang anim.
“Sir Tyger?” tanong ko para kumpirmahin.
“Yes?”
Napangiti ako dahil medyo nakikilala ko na sila kahit pangalawang araw ko pa lang dito.
“Ano po ’yon?” tanong ko ulit.
“Tinatawag ka ni Tylor. May ipagagawa yata,” sabi niya at naglakad na papunta sa hagdanan.
“He’s in the bathroom,” dagdag niya bago tuluyang umakyat.
Dahan-dahan akong napakunot ng noo. Parang may something fishy na namang gagawin si Sir Tylor.
Tumigil muna ako sa ginagawa at pinuntahan si Sir. Kinatok ko ang pinto.
“Sir, may ipagagawa raw po kayo sa akin?” tanong ko mula rito sa labas.
“It’s boring kapag mag-isa sa shower, wanna join me?”
Napangiwi naman ako nang marinig ang sinabi niya at napairap sa hangin. Tulad ng inaasahan, puro kabastusan na lang ang lumalabas sa bibig niya.
“Seryoso po ako, Sir. Kung wala kayong matinong sasabihin, aalis na ako,” sabi ko.
“No! Wait, Baby Aina. I forgot my towel and underwear. Puwede mo bang dalhin sa ’kin? Please,” naglalambing na sabi niya mula sa bathroom.
Napangisi ako habang pinapakinggan siya. Mukhang may balak na naman itong bagong pakulo.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sir Tydeus tungkol sa kanya. Binigyan niya ako ng pahintulot na turuan ng leksyon itong bastos na ’to.
Napangiti ako nang makaisip ng magandang ideya.
“Sure, Sir,” tugon ko at nagmadaling pumunta sa kuwarto niya. Hindi na ako nahirapan dahil bawat pinto ay may pangalan nila.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa cabinet niya para kumuha ng underwear, pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para gawin ang magandang plano.
Kumuha ako sa ref ng sili at sinimulan na itong tadtarin. Pinahid ko ito sa buong brief niya. Kiniskis ko rin para damang-dama talaga.
“Tingnan na lang natin kung hindi ka pa magtanda, Sir,” sabi ko.
Niligpit ko na ang mga gamit. Pumunta ako sa direksyon ng bathroom para iabot kay Sir Tylor ang kanyang underwear. Kinatok ko ang pinto.
“Sir, nandito na po,” sabi ko mula rito sa labas.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Umiwas ako ng tingin nang bumungad siya sa harapan ko.
“You’re so cute,” rinig kong sabi niya.
Lumingon ako sa kanya. Kalahati lang ng katawan niya ang nakalitaw at basang-basa pa siya. Hindi na ako tumingin sa ibabang bahagi dahil baka kung ano pang makita ko.
“I’m so hot, right?” mahangin niyang tanong at napakagat-labi pa habang mapang-akit na nakatingin sa akin.
Peke naman akong ngumiti. Mas lumapad ang ngiti ko nang mapatingin sa kanyang under.
Inabot ko na sa kanya ang towel at ang brief niya.
“Stay hot, Sir,” nakangiti kong sabi.
Mas madagdagan pa ang hotness mo, Sir, kapag sinuot mo na ang underwear.
Tinalikuran ko na siya at bumalik na sa puwesto kung saan ako naglilinis.
Makalipas ang ilang minuto.
“F*ck! Ang init!”
Nagulat ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Sir Tylor. Agad akong napalingon sa direksyon niya.
“F*ck! F*ck! F*ck!” malulutong niyang mura. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa direksyon ng CR habang nakahawak sa kanyang alaga. Pulang-pula naman ang mukha niya at halatang nahihirapan na.
Nagpigil na lang ako ng tawa at napailing.
“‘Yan tu—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may bumangga sa likod ko.
“Aray!”
Agad akong napalingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sir Tymon na nakahandusay sa sahig. May ilang pasa siya sa mukha at putok din ang gilid ng labi niya. Nakahawak siya sa kanyang tagiliran at kita sa hitsura na namimilipit siya sa sakit.