Chapter Five

1374 Words
Chapter Five “Sir, ano po’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ko sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Madali ko agad nalaman na si Sir Tymon ang bugbog sarado na nakahandusay sa harapan. Halatang galing siya sa labas. May marka pa ang sahig ng mga yapak mula sa sapatos niya. Siya ’yung nawawala kanina, tapos uuwi siya na ganito ang hitsura. Sabagay, kahapon nga, sinundo pa siya ni Sir Tydeus sa police station. Mukhang lapitin ng trouble si Sir Tymon. Inalalayan ko siya papunta sa couch at marahan na inupo. Pabagsak naman siyang sumandal habang nakahawak pa rin sa kanyang tagiliran. Hinihingal siya at kita sa reaksyon niya na talagang nahihirapan. “Sandali, Sir, hahanap lang po ako ng first aid kit,” natataranta kong sabi. “Wait, take me to my room first,” hinihingal niyang sabi. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Inalalayan ko ulit siyang tumayo at dahan-dahang inakay paakyat ng hagdan. Medyo nahirapan pa ako dahil napakabigat niya. Parang pagkatapos nito ay magkakalas-kalas na ang mga buto ko. Nang makarating kami sa kanyang kuwarto ay agad siyang umupo sa kama. “May first aid kit ka ba rito, Sir?” tanong ko at tumingin-tingin sa paligid ng buong kuwarto. “No,” tipid niyang sagot. “Sige po, Sir, wait lang. Hahanapin ko na po ’yung kit,” nagmamadali kong sabi at lumabas ng kuwarto. “Ay!” Sa sobrang aligaga ko, hindi ko namamalayang may nabangga na pala ako. Napaangat ako ng tingin sa nasa harapan. Inayos niya ang suot na eye glasses at walang emosyong tumingin sa akin. Si Sir Typhoeus ito. “S-sorry po, Sir Typhoeus,” kinakabahan na sabi ko. Bahagya naman siyang tumango at tumuloy na sa paglalakad. Napansin kong huminto siya sa tapat ng pinto ni Sir Tymon. “Miss Aina,” rinig kong sabi niya. “Sir?” tugon ko. “There’s a first aid in my room, get it,” wika niya. “Sige po, Sir,” sagot ko. Dumiretso na siya pababa ng hagdan. Ibinaling ko ang tingin sa mga room na nandito at sinimulang hanapin ang kuwarto niya. Habang tinitingnan ang bawat pinto, biglang sumagi sa isip ko ang hitsura ng room ni Sir Typhoeus. Napansin ko kasi na palagi siyang nakatutok sa libro. Napakapropesyonal ng dating niya at kagalang-galang talaga. Siguro, mayroon siyang library sa kuwarto niya at wala siyang ibang inaatupag kundi mag-aral. Napahinto ako nang makita ang room niya. “Hindi na ako magugulat kung puro makakapal na libro ang makikita ko sa loob,” sabi ko sa sarili at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gamit na nandito. Ang una agad na bumungad ay ang mga sexy anime girls na halos wala nang saplot. Ibang-iba sa inaaasahan kong bookshelf. Hindi ko rin inaaakala na ang serious type na katulad niya ay may side pala na mahilig sa ganitong klase ng image. May collection din siya sa taas ng mga limited action figure. Sa kabilang part naman ng kuwarto, naroon ang isang gaming setup. “Mahilig pala sa anime si Sir Typhoeus, pero mukhang mas interested siya sa wild,” sabi ko habang nililibot ang tingin sa buong kuwarto niya. Mahilig din ako sa anime. Naging cosplayer pa ako noon sa mga anime convention bilang raket. Maganda naman ang kita pero bilang lang ang event kaya hindi rin sapat. Pumasok ako sa loob. Napansin ko na mayroon din siyang bookshelf sa gilid. Nasa tabi naman nito ang isang mini table kung saan nakapatong ang first aid kit. Agad ko na itong pinuntahan para kunin. Nang makuha ang kit, tiningnan ko muna ang mga libro na nasa shelf. Mabilis akong napaiwas ng tingin nang malaman na mga adult manga pala ang mga ito. “Anime p*rn pala ang binabasa niya,” gulat kong sabi sa sarili. “Tama na, Aina. Marami ka nang nakikita na hindi dapat tingnan.” Napailing na lang ako at mariing napapikit. Napunta ang atensyon ko sa nakapatong na book sa table. May nakaipit ditong isang picture. Hindi ko alam pero bigla akong na-curious kung ano ang nakaipit na litrato. “Nakuha mo na ba?” Gulat akong napalingon sa nagsalita. Pumasok sa loob si Sir Typhoeus at agad na kinuha ang libro. “You can leave now,” malamig na sabi niya. “Ay! Opo, Sir.” Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto ni at bumalik sa room ni Sir Tymon. “Sir, ito na po.” Umupo ako sa tabi niya at hinanda ang kit para tulungan siyang gamutin ang kanyang mga sugat. Napatingin ako sa tagiliran na kanina niya pa hawak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pulang mantsa ng dugo mula roon. “Sir, nagdurugo ang tagiliran n’yo! Dalhin ko na po kayo sa hospital,” nag-aalala kong sabi. “No, I’m okay. It’s just a scratch,” sagot niya at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya. Sinimulan niya nang hubarin ang kanyang damit. “Help me.” Tinulungan ko naman siyang tanggalin ito. Hindi ko maiwasang mapakagat-labi nang unti-unting makita ang kanyang katawan. Ang ganda nito, katamtaman ang laki pero kitang-kita ang hubog ng kanyang muscles. Natigil ako nang makita ang peklat na parang malaking hiwa sa gitna ng kanyang dibdib. Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko sa bathroom kanina. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kanya. “S-Sir… ikaw?” putol na sabi ko. Napatingin naman siya sa akin. Napalunok ako nang mapansin na medyo malapit ang distansya namin sa isa’t isa. Kitang-kita ko ngayon ang kabuuan ng mukha niya. Makapal ang kanyang kilay, mahahabang pilik-mata at matangos na ilong. Mas agaw pansin ang kulay ng kanyang mga mata, napakaganda ng pagiging luntian nito. Parang nang-aakit kahit namamaga pa ang kaliwa. Nakadagdag pa ng appeal ang maliit na nunal sa gilid ng kanyang kanang mata. “Ow! Ikaw nga pala,” gulat niyang sabi pero agad ding nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Tungkol sa nangyari kanina. Don’t worry nakalimutan ko na ang nakita ko,” sabi niya. Ibig sabihin, siya nga ’yung lalaki na nasa bathroom! Pinaghinalaan ko pa sina Sir Tydeus at Sir Typhoeus. “Sorry po, Sir. Hindi ko alam na may tao pala sa loob,” sagot ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Nahihiya ako sa nangyari. “I saw nothing, but pink.” Agad akong napalingon sa kanya at napayakap sa aking dibdib. Mabilis din akong lumayo. Pakiramdam ko, pulang-pula ang mukha ko dahil sobrang init nito. “Bastos!” singhal ko at pinigilan ang sarili na hampasin siya. “I’m not, it’s an accident. Walang may gusto sa nangyari. At patas na tayo dahil nakita mo rin ang akin,” natatawa niyang sabi at tumingin na sa ibang direksyon. “Anyway, you’re not my type. Hindi kita papatulan,” mayabang na saad niya. Nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Parang biglang naging awkward. Nabasag naman ito agad nang tumikhim siya. “Gamutin mo na ang sugat ko,” sabi niya. Tumango naman ako bilang tugon. Kumuha na ako ng bulak at alcohol para gamutin siya. “Sir, humiga na po kayo,” sabi ko sa kanya. “Huh? Bakit?” gulat na tanong niya. “’Di ba, gagamutin ko po ang sugat n’yo? Pagkatapos ay babalik na po ako sa ginagawa ko,” sagot ko. “Ano po ba’ng nasa isip mo?” Bahagya naman siyang natawa at napailing. “Nothing,” sabi niya. Umayos na siya ng higa. Pumuwesto naman ako sa sahig sa tabi ng kanyang tagiliran para madali ko na lang itong malinis. Tiningnan kong mabuti ang sugat. Malaki ang hiwa pero hindi naman malalim. Medyo tumigil na rin ang pagdurugo nito. “Tiis lang, Sir, medyo masakit ang gagawin ko,” mahinahon kong sabi at yumuko para simulan na itong gamutin. “Ah!” Natigil ako nang marinig ang daing niya matapos kong idampi ang bulak. “Be gentle,” nahihirapang sabi niya. “Ay, sorry po, Sir,” sabi ko at marahan ulit itong idinampi. “F*ck! Ah!” mahinang mura at napadaing ulit. “What the heck are you doing?!” Agad kaming napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mr. Montero na gulat reaksyon habang nakatingin sa posisyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD