Chapter Six

1140 Words
Chapter Six “Sir Mon—” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang kinuha ni Sir Tymon ang kamay ko at hinila pabagsak sa kanya. Mahina naman siyang napadaing nang matamaan ko ang kanyang sugat. “Ugh! Private stuff, Dad. Sorry, she forgot to close the door,” rinig kong sabi niya. Gulat ko siyang tiningnan pero sumenyas lang siya na tumahimik ako. Nagbalak pa akong bumangon pero hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. Sinubsob niya rin ang mukha ko sa kanyang malalapad niyang dibdib para hindi na talaga ako makapanglaban. Amoy na amoy ko ang katawan niya, ang bango nito. “Please… diyan ka lang,” nanghihinang sabi niya. Inangat ko ang tingin sa kanya. Natigil ako nang makita ang ekspresyon ng kanyang mukha, tila ba nagmamakaawa talaga ito. Wala na ako nagawa kundi sundin na lang siya. Mayamaya ay narinig ko na ang unti-unting pagsarado ng pinto. Inalis niya na ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin. Tumayo naman ako at inayos ang sarili. “Bakit hindi mo po sinabi na ginagamot ko ang mga sugat mo, Sir?” Sumandal siya sa headboard ng kama at nakangising tumingin sa akin. “Dadagdagan lang ’to ni Dad,” sagot niya. Dismayado ko siyang tiningnan. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. “By the way, sana hindi na makarating pa sa iba itong nangyari sa ’kin,” sabi niya. Bigla kong naalala si Sir Typhoeus. Nakita niya si Sir Tymon sa ganyang sitwasyon kanina kaya sinabi niya sa akin kung nasaan ang first aid kit. “Sir, nakita ka po pala kanina ni Sir Typhoeus,” sabi ko. Napangiti naman siya. “Ayos lang, wala naman siyang pakialam sa lahat.” Hindi na ako nagsalita at bahagyang pagtango na lang ang sinagot ko sa kanya. “Sige, Sir. Babalik na po ako sa ginagawa ko,” paalam ko. Tumango siya bilang tugon. Lumabas na ako ng room niya at isinarado ang pinto. Tumuloy ulit ako sa paglilinis ng mansyon. Ilang oras ang lumipas. Natapos na ako sa loob kaya labas naman ang aayusin ko. Sa garden na ako pupunta. Habang papalapit sa hardin, hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng tanawin na nakikita ko. Ang payapa ng kapaligiran, ang daming magagandang bulaklak at mayroon pang malaking fountain na madaraanan. “Ang ganda talaga rito,” natutuwang sabi ko. Napatingin ako sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malaking liyon na paparating, papunta ito sa akin. Natigil ako sa paglalakad at gulat na napatitig doon. Hindi ako makagalaw, hindi ko rin alam ang una kong gagawin. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Magkahalong takot at kaba ang naramdaman ko. Mukhang aatakihin ako sa puso. “Miss Aina!” Agad akong napalingon sa likuran. Nakita ko si Sir Tyran na maluwag na nakabukas ang dalawang braso at sumenyas na pumunta sa kanya. “Come here!” sigaw niya. Narinig ko ang malakas na pag-angil ng liyon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at walang pagdadalawang-isip na tumakbo papunta sa direksyon ni Sir Tyran. “Sir!” Hinanda ko ang sarili para yumakap sa kanya. Nang tuluyan na akong makalapit, nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umiwas sa akin kaya nalagpasan ko siya. “Ah!” Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa damuhan. “Aray!” daing ko dahil medyo napasama ang pagbagsak ko. “Oh, my little kitty,” rinig kong boses ni Sir Tyran na parang naglalambing. Agad akong napalingon sa kanya. Nakayakap siya ngayon sa liyon, tila inaamo rin siya nito. Mabilis akong bumangon at lumayo sa kanila. Napahawak ako sa ’king dibdib dahil sa sobrang takot at kaba na naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko, muntik na akong mamatay. “Didn’t Tydeus tell you that we have pets?” tanong ni Sir Tyran habang hinihimas ang liyon. Humiga naman ito at pinakita ang tiyan. Nagpapaamo talaga ito kay Sir. Napakunot ako ng noo nang mapagtanto ang sinabi niya. “Pets?” nagtatakang tanong ko. Bigla akong kinabahan nang maramdaman ang isang bagay na tila umaamoy sa akin. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Unti-unti ko itong sinilip ng tingin. “Ah!” sigaw ko nang makita ang isa pang liyon sa gilid ko. Kitang-kita ko ang malalaki nitong pangil dahil sa sobrang lapit sa akin. “Aina, just calm. Mababait sila,” rinig kong sabi ni Sir Tyran. Dahan-dahan akong umatras palayo. Nanginginig pa ang mga paa at kamay ko habang humahakbang. “S-sir, paanong kalma? Bakit ganyan siya ngumiti, parang nakakita siya ng pagkain?” kinakabahang tanong ko. Tumindi ang kaba ko nang umangil ang liyon at binuka ang malaking bibig na para bang sisimulan na akong lamunin. “Ah!” Agad akong tumayo at mabilis na tumakbo pabalik sa mansion. Nang tuluyan nang makalayo, tumigil ako at hinihingal na sumandal sa pader. “Bukod sa magugulong sextuplets, mayroon din palang dalawang liyon dito. Parang hindi ko na kayang magtagal pa, ayoko na! Kung hindi pa ako aalis, mamamatay ako rito!” Napatingin ako sa itaas sa direksyon ng kuwarto ni Sir Tydeus. Sa kanya na lang ako magpapaalam. Hindi ko kayang harapin si Mr. Montero dahil sa nangyari kanina kaya mabuting si Sir Tydeus na lang ang kausapin ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at dali-daling umakyat ng hagdan papunta sa room niya. “Aalis na ako rito.” Hinihingal akong huminto sa tapat ng kuwarto niya. Sa sobrang pagmamadali, hindi na ako kumatok at binuksan agad ang pinto. “Sir Tydeus—” Hindi ko natuloy ang sasabihin at napanganga nang makita ang loob nito. Tila ba isa itong play room mula sa isang erotic movie na napanood ko. Pinagsamang pula at itim ang motif ng kanyang kuwarto. Mayroon din adult sofa sa loob at mga bagay na hindi pamilyar sa akin. Nagulat ako nang mapalingon sa direksyon ko si Sir Tydeus. Wala siyang suot na pang itaas. Napansin ko na may kasama siyang babae na nakapiring at halos wala nang suot na damit. Tinatali niya ito sa kama. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa init ng eksenang nadatnan ko. Mukhang mali ang timing ko ngayon. Naistorbo ko ang ginagawa nila. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang bigyan ako ni Sir Tydeus ng matalim na tingin. Nakakatakot siya. Ibang-iba ang awra niya ngayon kaysa sa hitsura niya kanina. “Lock the door,” malamig niyang sabi. Agad ko namang siyang sinunod. Sinarado ko ang pinto at siniguradong naka-lock talaga ito. Napasandal na lang ako sa pader. Bakas pa rin sa mukha ko ang gulat sa nakita mula sa kanyang room. Hindi ko inaasahan na mayroon pala siyang gano’ng side na ibang-iba sa pagkakakilala ko. Dismayado akong napasapo ng noo at napailing. “Jusko! Hindi pa ako nakakaisang linggo dito, kung ano-ano na agad ang nakita ko.” Napatingala na lang ako at napahilamos ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD