Chapter Thirty Eight KINABUKASAN, nagpaalam sa amin si Sir Typhoeus na aalis at sinabi niyang babalik ulit siya mamayang gabi. Nagsabi naman ang apat na baka tanghali pa sila makapunta dahil sa magkakaibang aasikasuhin ngayong umaga. Bumisita rito sina Manang Laura at Mikay, nagdala sila ng mga pagkain para kay Sir Tymon, pero hindi na sila nagtagal dahil may mga gagawin pa sila sa mansyon. “Darating ba si Dad?” tanong ni Sir Tymon habang kumakain. “Wala pong sinabi si Mr. Montero, pero baka mamaya dumating po siya,” sagot ko at binigyan siya ng tubig. Napalingon kami sa pintuan nang may kumatok. Nagbukas ito at bumungad ang isang babaeng staff na mayroong dalang tray ng pagkain. Nakangiti siyang pumasok at inilagay ito sa table katabi ng mga pagkaing dinala ni Manang Laura. “Thank