Chapter Thirty Nine NANG huminto ang sasakyan, binuksan agad ni Sir Tymon ang pinto at dali-daling lumabas. Kitang-kita talaga sa kanya ang excitement na umuwi matapos ang halos isang linggong pananatili sa hospital. Mabilis siyang tumakbo papunta sa mansyon. “Sir, dahan-dahan lang po! Baka kung ano na naman ang mangyari sa ’yo,” sabi ko sa kanya. “I’m not a kid, Mama,” rinig kong sagot niya. Napasapo na lang ako ng noo. Hindi nga siya bata, pero gano’n naman kumilos. Lumingon ako sa mga kakambal niya, lumabas sila at naglakad na rin papunta ro’n. “Pabayaan mo na lang siya, Miss Aina. Sasakit lang ang ulo mo sa kanya,” inaantok na sabi ni Sir Tyger sabay hikab. Sabagay, tama nga siya. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Napailing na lang ako at sumunod sa kanila. “Wel