Chapter Sixteen Marahan kong isinarado ang pinto at tumingin-tingin sa buong paligid. Madilim na rito at tahimik. Siguradong wala nang gising sa oras na ito dahil halos mag-aalas dos na rin ng madaling araw. Inangat ko ang tingin sa taas, sa direksyon ng mga kuwarto ng anim. Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti. “Mami-miss ko ang lugar na ’to.” Hindi ko rin maitatanggi na mami-miss ko ang mga nakatira dito. Lalo na ang kakulitan at pagiging wirdo nila. Totoong magugulo sila sa umpisa at medyo may pagkaisip-bata, pero mababait din pala kapag tuluyang nakilala. Hinila ko na ang aking maleta papunta sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay. Kailangan ko nang magmadali dahil baka may lumabas pa sa kanila at makita ako. “Ay!” Nagulat ako na