Chapter Fifteen Tila nag-slow motion pa ang bibig niya nang sabihin ito at naging ugong sa pandinig ko kahit klaro niyang binigkas ang mga salitang ’yon. Fired? Tama ba ang narinig ko? “B-bakit po, Sir?” nauutal kong tanong dahil sa pagkabigla. Hindi ko maintindihan. Pinagbubutihan ko naman ang ginagawa ko kahit mahirap magtrabaho rito sa mansyon nang mag-isa. Mukha ring komportable na sa akin ang anim. Sinabi niya noong nakaraan na manatili ako. Tapos ngayon, bigla niya akong sisisantehin? Ilang beses kong inalala ang mga ginawa ko mula nang dumating ako rito para alamin kung may nagawa ba akong mali o may mga bagay akong nalabag. Pero wala talaga akong maisip. “Don’t worry, gaya ng napag-usapan, ako na ang bahala sa scholarship mo. Makakapag-aral ka na, Aina. And I will also giv