Chapter Twenty “W-what the heck are you doing, Son?” dismayadong tanong ni Mr. Montero sa kanya at napasapo ng noo. “Ginagawan kayo ng apo,” nakangiting sagot ni Sir Tylor na mas lalong nagpadagdag ng stress ko. Jusko! Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa para lang makaalis na dito. Hindi ko na kaya pang marinig ang mga pinagsasabi niya. Wala naman itong katotohanan. Siguradong malilintikan din ako kay Mr. Montero. Medyo umiinit pa naman siya kapag napapalapit sa akin ang anim. May usapan kami bago ako bumalik sa mansyon at ayokong lumabag doon, tapos malalaman niya kay Sir Tylor na may nangyari sa amin kahit wala naman. Ang malala ay sa harapan pa mismo ng fiancee niya ito sinabi. Napatingin ako sa likuran nila. Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Sir Typhoeus habang ang iba niyang