Chapter 31 Song-Jin POV "You need to find her" "Kambal hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Aliah--" Lalong dumilim ang kanyang anyo kaya napalunok ang kakambal niyang si Gavin Salvador. Kasalukuyan silang nasa mansyon nito dahil pinaghandaan siya ng isang welcome party ng kanilang buong angkan Masaya siyang makilala ang totoo niyang mga kamag-anak ngunit hindi iyon ang pakay niya sa pakikipagkita kay Gavin Salvador Kung siya lang ang masusunod ay nais niyang pilipitin ang leeg ng kakambal niya sa ginawa nito sa babaeng pinakamamahal niya Sa katunayan isang malupit na suntok ang pinang-welcome niya kay Gavin noong unang beses silang magkita dahil sa sobrang inis niya sa ginawa nito kay Aliah. Awang awa siya kay Aliah ng malaman niya ang buong katotohanan. Alam niyang mabuting ba