Chapter 30

1348 Words

Chapter 30 "Mare! Halika dito! Dali!" "Saglit at may niluluto pa ako!" Sagot ni Aliah kay Arlene habang hinahalo niya ang ginataang bilo-bilo na kanilang miryenda. Narito sa kanyang bahay si Arlene ang nanay ng kaklase ng kanyang anak na si Jinso. Naging kaibigan niya si Arlene dahil iisang day care center lamang nila pinag-aaral ang kanilang mga anak. Si Chelsea ang anak nito na kasalukuyan nag kukulay ng coloring book kasama ang kanyang anak na si Jinso. Parehong apat na taong gulang ang mga ito Tuwing hapon ay tumatambay ang mag-ina sa kanilang bahay upang maki-miryenda. Paboritong paborito ng anak niya at ng batang si Chelsea ang ginataang bilo-bilo kaya madalas niya iyong lutuin sa tuwing naroon ang batang babaeng bestfriend ng kanyang anak "Bilisan mo mare dali halika dito!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD