Chapter 5

1974 Words
Chapter 5 Ang pawis at pagod ay hindi alintana ni Aliah sa mga oras na iyon. She's wearing a big teddy bear mascot costume in the middle of the street. Maraming koreano o koreanang mga studyante ang nagpapa-litrato sakanya. Simula ng mamatay si donya florentina six months ago ay nawalan na rin siya ng trabaho. Hindi na niya nakausap ang anak nitong si Song Jin dahil hindi na niya ito nakita pang muli. "annyeonghaseyo sajin-eul jjig-eodo doelkkayo?" Tanong ng isang babaeng korean na ang ibig sabihin ay ( Hello can we take a picture?) Ginalaw galaw ni Aliah ang kanyang ulo upang tumango ang teddy bear na kanyang suot suot. Napakabigat ng costume niyang iyon at pawis na pawis na siya. Nararamdaman nga niya ang pagtagak-tak ng kanyang pawis sa kanyang buong mukha. Ganito ang kanyang trabaho simula ng umalis siya sa mansiyon. Pinagtyagaan na niya ang pagiging mascot ng isang toy store sa south korea kaysa naman umuwi siyang muli sa Pilipinas. Wala naman siyang pamilya o kaibigan na uuwian sa bansang iyon. Labis ang kanyang naging kalungkutan ng mamatay si donya florentina. Pakiramdam niya namatayan rin siyang muli ng kanyang magulang. Naging malapit kasi ang matanda sakanyang puso. Minahal niya ito ng husto. Ilang linggo rin siyang nagluksa sa pagkawala nito. Lumapit ang mga koreanang babae at nagpalitrato sakanya. Hindi naman niya kailangan ngumiti dahil hindi naman siya nakikita ng mga ito. Nasa loob lamang siya ng napaka-laking cute na teddy bear "gamsahabnida!" Pasasalamat ng mga ito sakanya bago lumakad palayo sakanya Sa halos araw araw na pagtrabaho niya doon ay natuto na rin siyang magsalita ng kaunting korean language. Napapagod na si Aliah at uhaw na uhaw na siya. Hindi pa rin siya kumakain ng kanyang tanghalian. Ngunit masungit ang amo niyang koreano. Kailangan niyang tumayo sa tapat ng toy store nito hangat wala pa ang mascot na kapalitan niya Napatingin si Aliah sa pares ng sapatos sa kanyang harapan dahil may isang lalake ang tumayo sa harap niya. Hindi na niya pinag-aksayahan tignan ang mukha nito dahil alam niyang magpapa-picture lang rin ito. Akmang pupwesto na siya upang makapag-picture ito ng mapatigil siya sa pag-galaw dahil nagsalita ito "Mikaela Santos" Anito sa baritonong boses Pakiramdam ni Aliah nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan ng marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking iyon! It's been six months since she last heard his voice! Ngunit hindi niya iyon makakalimutan dahil ito lamang ang may boses na nakaka-pang-nginig ng kanyang tuhod Agad niyang tiningala ito kung tama ang kanyang hinala. "S-Song Jin" Nanlalaki ang kanyang mata ng makumpirma niyang ito nga ang kanyang kaharap! Anong ginagawa nito dito sa trabaho niya?! Automatikong napabilis agad nito ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na makikita niya itong muli! Nakakunot man ang nuo nito ay hindi parin nababawasan ang kagwapuhan nito! Kahawig na kahawig talaga ito ng dating amo niya. Parang pinag-biyak na bunga ang mga ito. Walang nagawa si Aliah ng tangalin ni Song-jin ang ulo ng teddy bear upang makausap siya nito ng maayos. Naka-business suit ito at halatang galing pa ito sa trabaho nito o baka may business meeting itong pinangalingan "Damn. Nandito ka lang pala" Nakasimangot nitong sambit pagkakita nito sa kanyang pawisang mukha. Napakurap kurap siya ng makasalubong niya ang mga tingin nito. Bigla siyang nahiya sa kanyang itsura! Alam niyang pawis na pawis siya. Napa-atras siya dahil nasisigurado niyang mag-aamoy pawis na siya sa mga oras na iyon! Samantalang napakabango nito! "A-Anong kailangan mo sakin? Bakit ka nandito?" Sunod sunod na tanong niya kay Song-Jin "We need to talk" Ma-autoridad nitong sabi sakanya habang nakatingin parin ito sa pawisan at pagod niyang mukha Kahit naman pawisan siya ay maganda parin siya. Kahit walang bahid ng makeup ang kanyang mukha ay natural na namumula naman ang mga pisngi niya at bahagyang pinkish ang kanyang malalambot na labi. "T-Tungkol saan?" Kinakabahan niyang tanong Baka sisingilin siya nito? Hindi na kasi siya nakapagbayad sa pananakal niyang ginawa dito noon! "About our marriage" Walang ka-ano anong sagot ni Song-jin na para bang balewala lang dito ang sinasabi nito "Ha??" "You're wasting my time. Let's talk about this in my office--" "Hindi kita maintindihan sir! A-Anong marriage? At hindi mo ba nakikita nagtatrabaho ako ngayon! Hindi ako pwedeng makipag-usap sayo sa mga walang kwentang bagay!" Inagaw niya ang ulo ng teddy bear na hawak hawak parin nito. Natigilan ito sa kanyang pagtataray kaya saglit itong hindi nakasagot sakanya. Muli niyang isi-nuot ang ulo ng teddy bear. Ngunit wala pang ilang segundo ay tinangal nitong muli ang ulo ng teddy bear kaya naiinis na binalingan niya ito "Ano ba?!" "Sumama ka sakin sa ayaw o sa gusto mo" Naiinis rin na sabi ni Song-jin sakanya bago nito itinapon sa gilid ang ulo ng kawawa teddy bear "Damn! Ang bigat nito paano mo to nasusuot?" Sabi pa nito pagkatapos nitong itapon ang ulo ng teddy bear. Tinitiis lang naman talaga ni Aliah ang bigat ng costume niyang iyon upang makapagtrabaho siya Wala naman kasi siyang ibang mapasukan na trabaho dahil baka makulong pa siya kapag nabisto siya ng korean government na peke ang kanyang pagkatao at hindi Mikaela Santos ang pangalan niya kundi Aliah Gomez. "Teka nasasaktan ako!" Reklamo ni Aliah ng hilahin siya ni Song-jin "We need to talk! Hubarin mo na kasi yang suot mo" Kumukulo na ang dugo ni Song-Jin sakanya dahil napakahirap niyang kausapin Matindi pa naman ang sikat ng araw sa mga oras na iyon. Maraming mga tao na rin ang napapatingin sakanilang dalawa ni Song-jin. Mas marami ang napapatingin dito dahil nag-uumapaw ang kagwapuhan nito Angat na angat ang kagwapuhan nito sa ibang mga koreano na para bang naipit ang mga mukha. Ang akala nga noon ni Aliah ay maraming gwapong lalake sa korea ngunit nagkamali siya. Si Song-jin palang nga ang korean na gwapong nakita niya sa south korea sa tinagal tagal niya doon ang ibang koreanong lalake ay parang ordinaryong koreanong lalake lamang at hindi katulad ng mga napapanuod niya sa mga kdrama na sobrang cute at charming ng mga bida. "Hindi nga ako sasama sayo! Nagtatrabaho pa ako--" "I'll pay one million won para makausap kita ngayon. I just need your God damn signature for the contract" Mukhang inis na inis na ito. Napalunok siya. Tama ba ang kanyang rinig? One million won daw? Ibig sabihin bibigyan siya nito ng fifty thousand pesos para lamang sa pag-uusapan nila? Sweldo na niya iyon sa buong buwan! "I-Ikaw naman sir Song-Jin di mo agad sinabi eh!" Nagmadali niyang hinubad ang katawan ng mascot costume na suot suot niya Nakakunot lang ang nuo nito habang nakatingin sakanya. Ngunit bahagyang lumambot ang expresyon ng mukha nito ng mapatingin ito sa likod niyang naliligo na sa pawis Kumabog ang kanyang dibdib ng mag-iba ng kaunti ang paraan ng pagtingin nito sakanya. Para bang may dumaang awa sa mga mata nito. "Gawin mo ng two million won para masulit ko ang sermon ng amo ko bukas" Biro niya kay Song-jin Ngunit mabilis lang rin nawala ang awa sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. Napakunot nanaman ang nuo nito. "Bilisan mo na" Inis nitong utos sakanya bago ito naunang maglakad. "Jing soo! naneun naeil dol-aol geos-ida!" Sigaw ni Aliah sa amo niyang korean na kanina pa nakatanaw sakanila Ang ibig sabihin ng kanyang sinabi ay "Jing soo! I'll be back tomorrow!" Narinig niyang nagmura ang amo niyang koreano kaya napangiwi nalang siya. Iniwan nalang niya sa gilid ang mascot teddy bear upang makasunod na siya kay Song-Jin Pumasok na kasi ito sa isang rolls royce phantom car! Palibhasa bilyonaryo ito kaya hindi na kataka-taka na napakaganda ng kotse nito. Saglit siyang natigilan sa pagpasok sa loob ng kotse ni Song-jin. Bigla kasi siyang nahiya dahil napakalinis ng loob ng kotse nito! "N-Naku madudumihan ko yung kotse mo--" "Get in" Nakasimangot parin nitong utos sakanya Napakagat nalang siya sa kanyang labi at wala naman siyang ibang pang choice. Naramdaman agad niya ang panlalamig sa loob ng kotse nito dahil basang basa ng pawis ang kanyang buong katawan lalo na ang kanyang likuran Napatingin siya kay Song-jin ng hinaan nito ang temperature ng loob ng kotse nito. Mukhang napansin rin agad nito ang panlalamig niya Parang kumabog ng malakas ang kanyang puso dahil may konsiderasyon rin pala ang lalakeng ito! Pasimple siyang kinilig sa munting ginawa ni Song-jin. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya Binabawi na niya ang kanyang sinabi na magkahawig ito at si Gavin. Dahil sa tingin niya ngayon ay mas gwapo ito. Hindi pa man na-kakabit ni Aliah ang seat belt niya ay muli siyang napatingin kay Song-jin ng may i-abot ito sakanya Kulay puting panyo iyon Napalunok siya "P-Para saan?" "Punasan mo yung pawis mo" Kikiligin na sana siya ngunit dahil napangiti siya napansin tuloy nito ang pagiging assuming niya kaya nagsalita itong muli "Ayokong madikitan ng pawis mo ang kotse ko" Pagsusungit nito sakanya bago nito pina-andar ang kotse nito Napangiwi tuloy siya. Ngunit nakaka-ilang kanto palang sila ay muli nanaman nitong itinigil ang kotse nito sa isang gilid. "Wait for me here" Walang ka-emosyon emosyong sabi nito sakanya bago ito lumabas ng kotse nito Pumasok ito sa isang dress shop at paglabas nito ay maydala na itong paper bag. Nagtaka siya ng katukin ni Song-jin ang pinto sa passenger side. Binuksan niya iyon at napanganga nalang siya ng i-abot nito sakanya ang paper bag "Change your clothes inside the store. Magkakasakit ka sa ginagawa mong yan" Napakurap kurap siya at palipat lipat ang pagtingin niya kay Song-jin at sa paper bag na hawak nito "Now!" Kunot nuong utos nito kaya naman napatalon siya sa pagkaka-upo niya Nalunok yata niya ang kanyang dila dahil wala siyang masabi sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya may mga paro-parong maliit ang kumikiliti sa kanyang sikmura Parang gusto pa nga niyang maiyak dahil ito palang ang taong muling nagkaroon ng concern sakanya Tinangap agad niya ang paper bag at sinunod niya ang utos nito. Pumasok siya sa store na pinang-galingan nito. Sinalubong siya ng babaeng korean at sinamahan siya nito hangang sa tapat ng dressing room Pagpasok niya sa dressing room ay saglit pa siyang nabigla sa kanyang itsura! Mukha siyang basang sisiw! Pawis na pawis ang buong katawan niya. Nakaramdam rin tuloy siya ng awa sa kanyang sarili Tinignan niya ang laman ng paper bag. Isang simpleng white blouse lamang iyon at kulay pink bra' Nag-init ang kanyang pisngi dahil binili rin pala siya ng bra! Paano nito nalaman ang size niya? 34 cup C ang binili nito! Wala sa loob na napatingin tuloy siya sa kanyang dibdib. Bakat na bakat pala ang malulusog niyang dibdib sa kanyang tshirt na suot suot dahil basang basa iyon ng pawis! Hiyang hiya tuloy siya kay Song-jin! Kinatok siya ng sales lady at binigyan pa siya nito ng isang white towel at baby wipes. Mabilis nalang siyang nakapag palit ng damit. Pinunasan niya ang kanyang pawis at gumamit rin siya ng baby wipes. Kahit paano ay napreskuhan si Aliah. Sanay na siyang pagpawisan ng ganoon ngunit ngayon lang siya nakaramdam ng pagod at awa sa kanyang sarili Halos mapipiga na niya ang damit niya sa sobrang pagkapawis niya. Ipinusod nalang niya ng maayos ang kanyang buhok Nang bumalik siya sa kotse ni Song-jin ay naabutan niya itong may kausap sa cellphone nito "Yes attorney. We'll be there in five minutes" Tumingin si Song-jin sakanya pagkatapos nitong makipag-usap sa kausap nito Hindi niya mapigilan ngumiti ng kaunti bilang pasasalamat niya sa binata "Gamsahabmida" Pasasalamat niya habang may simpleng ngiti sa kanyang labi Ngunit kumunot lang ang nuo nito at itinuon nalang ang paningin sa kalsada "You're wasting a lot of my time" Iritable nitong sabi sakanya bago ito seryosong nagmaneho Pasimple nalang siyang napangiti dahil kahit suplado ito ay alam niyang may puso ito. Hindi katulad ng dating amo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD