Chapter 4
Titig na titig si Aliah sa lalakeng nasa harapan niya. He is Song Jin. Ang napakagwapong anak ni donya Florentina. Ipinatawag siya nito sa private office room nito sa loob ng mansyon upang kausapin siya tungkol sa nangyari kagabi.
Umaga palang ay katakot-takot na dasal na ang nausal niya. Kinakabahan siyang makaharap itong muli dahil sa kanyang nagawa kagabi.
Halos mawalan siya ng dugo sa kanyang mukha ng ipatawag siya nito sa isa sa mga katulong ng mansiyon.
At ngayon nga ay nasa harapan na siya nito.
Kahit naka-kunot ang nuo nito ay nagsusumigaw parin ang kagwapuhang taglay nito. Sadyang kamukhang kamukha ito ni Gavin Salvador!
"I don't know what you did to make my mother liked you too much. But it doesn't mean that i will let it pass"
May halong iritasyon parin ang tono ng boses nito habang sinasabi iyon sakanya.
Napa-kurap kurap lamang si Aliah habang naka-upo siya sa harapan ng center table nito. Habang tinititigan niya ito ay lalo itong gumagwapo. Mas gwapo pa ito sa dating amo niya! Kahit malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Kakaiba ang karismang taglay nito.
Nang kumunot lalo ang nuo nito dahil sa pagtitig niya sa mukha nito ay doon palang siya tila natauhan. Napayuko nalang siya upang maiwasan niyang pagkatitigan ang gwapong mukha ni Song Jin.
"S-Sir i'm very sorry for what happened last night."
"If you will give me the reason why you do stupid things to me last night. I'll forgive you. But if not, I'm gonna make you pay for it"
Napalunok siya sa sinabi nito. Bahagya niya pang nakitang hinaplos nito ang namumula pa rin nitong leeg. Napahigpit pala talaga ang pagsakal niya sa lalake kagabi! Namumula ang gilid ng leeg nito.
"S-Sir i thought you are someone that--"
"Crap. I don't buy that. Tingin mo maniniwala ako sayo?"
"Marunong ka po magtagalog?"
Hindi nito sinagot ang tanong niya. Bagkus ay simimangot lang ito
Marunong naman pala magtagalog pinahirapan pa ako!
"I don't have much time to talk to you. I need you to pay for what you did to me. Ikakaltas ko sa sweldo mo--"
"Sir naman. Hindi ko naman po sinasadya. Napagkamalan ko lang po na ikaw yung lalakeng--"
Napahinto siya sa pagsasalita. Bigla niyang naisip na hindi niya maari sabihin kay Song Jin ang buong katotohanan dahil mauungkat nito ang nakaraan niya.
Baka mawalan pa siya ng trabaho kung malalaman nitong peke ang identity niya!
"Lalakeng ano?" Tila nabitin ito sa sinasabi niya at nanghihingi ng dagdag impormasyon
Napalunok siya at mas lalo siyang kinabahan
"L-Lalakeng minahal ko noon. K-Kamukha mo kasi siya Sir.
Lalong kumunot ang nuo ni Song Jin
"Your ex boyfriend?"
"O-Opo Sir" Pagsisinungaling nalang niya upang hindi na ito magtanong pa
"You really think maniniwala ako sayo? Kung kasing gwapo ko yung ex-boyfriend mo panigurado hindi ka caregiver ngayon"
Napa-kurap kurap siya. Magkamukha nga ito at si Gavin! Pareho ring bilib na bilib sa sarili!
"K-Kung ayaw mong maniwala Sir wala naman akong magagawa eh. Pasensya na po kung nasakal ko kayo. Kung ako lang ang masusunod hindi lang sakal ang gagawin ko sa lalaking yun" Matapang na sabi ni Aliah habang nasa isip niya si Gavin Salvador. Sa laki ng kasalanan sakanya ng lalakeng yun ay parang gusto niyang balian ito ng buto
Ito naman ang napalunok.
"What is his name?"
Agad naman napalitan ng pagkataranta ang kanyang galit na nararamdaman.
"A-Ah Eh--Hindi na importante yun Sir--"
"I want to know his name. Titignan ko kung kamukha ko talaga siya at kung nagsisinungaling ka lang" Seryosong sabi ni Song Jin habang nakatingin ito sakanya
Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. Parang lalabas na iyon sa kanyang dibdib!
Wala siyang ibang maisip na pangalan. Baka mahalungkat ni Song Jin ang tunay niyang pagkatao kapag ibinigay niya ang pangalan ni Gavin! Kaya hindi niya maaring sabihin dito ang pangalan nito!
"K-Kinalimutan ko na ang pangalan niya--"
"You're a liar. Kitang kita ko sa mukha mo na nagsisinungaling ka"
Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung para saan ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Dahil ba iyon nabubuking na siya o dahil ba iyon sa pagtitig nito sa kanyang mukha
Mabuti nalang at naghilamos muna siya bago siya humarap kay Song Jin. Kung hindi baka may muta pa siya!
"H-Hindi po ako nagsisinungaling Sir--"
"Then, What is his name? I heard you call me Gavin last night--"
Pumikit siya ng mariin upang maghanap ng ibang lalakeng sasabihin niya. Yung may pangalan rin na Gavin! Naalala niya nalang ang isang schoolmate niya noong nag aaral pa siya ng college
Si Gavin Ferrer!
Hindi nito kamukha si Song Jin pero gwapo rin naman ito at parang may dugong koreano rin dahil singkit rin ang mata nito. Wala siyang koneksyon kay Gavin Ferrer kaya safe niyang gamitin ang pangalan nito na hindi siya mabubuko.
"Si Gavin Ferrer po!"
Tinignan lang siya nito ng masama bago ito tumingin sa mini ipad na nasa harapan nito.
Mukhang hinanap nito sa social media ang lalakeng sinabi niya.
Lalong napakunot ang nuo ni Song Jin ng mahanap nito ang social media account ng lalakeng Gavin Ferrer ang pangalan
"You witch. Hindi ko to kamukha! Bulag ka ba?"
Namumula ang pisngi ni Song Jin ng iharap nito sakanya ang litrato ni Gavin Ferrer sa screen ng mini ipad nito
Gwapo rin naman si Gavin Ferrer ngunit kung ikukumpara kay Song Jin ay talaga namang napakalayo!
Kinagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang kanyang pagtawa. Nakakatawa kasi ang naging reaksyon ni Song Jin. Namumula na rin pati ang tenga nito. GGSS o Gwapong gwapo pa naman ito sa sarili nito at mukhang hindi nito matangap na ganoon lamang ang itsura ng sinasabi niyang kamukha nito.
Nais niyang mapatawa dahil halos umusok ang butas ng ilong ni Song Jin. She finds him cute. Mas gumagwapo ito kapag ganoong namumula ang mukha nito
"K-Kamukha mo siya Sir. Pareho kayong singkit--"
Naningkit lalo ang mata ni Song Jin at halatang halatang naiinis ito sa kanyang sinasabi. Tuwang tuwa naman siya ng palihim dahil parang kay sarap nitong asarin
"From now on babawasan ko ang sweldo mo ng 50%. I need to remind you, Muntik mo nakong patayin kagabi dahil lang sa lalakeng to? You need to pay for this. Pasalamat ka pa nga dahil hindi kita tinatangal sa trabaho mo"
Akmamg magrereklamo pa siya ngunit pinalayas na siya nito sa private office room nito.
"Get out." para siyang pusang tinataboy nito
Napalabi siya at parang gusto niyang maiyak. Kung babawasan nito ng 50% ang sweldo niya ay parang luging lugi naman siya! Sinakal lang naman niya ito at hindi naman ito nahospital!
"S-Sir naman--"
"I said get out!" sigaw ni Song Jin
Nataranta tuloy siyang lumabas ng pribadong opisina nito. Sa sobrang inis ni Aliah ay binalibag niya ang pinto ng kwartong iyon.
"Grrr antipatiko! Parehong pareho nga kayo ni Sir Gavin!" Reklamo niya ng makalayo na siya sa kwartong iyon
Napapangiti naman ang mga body guards na nakarinig sa kanyang sinabi. Mukhang mga pinoy rin ang mga ito dahil naintindihan siya.
Halos karamihan sa mga naninilbihan sa mansiyon ay mga filipino kahit pa nasa south korea sila.
Pagkatapos niyang masermunan ni Song Jin ay dumiretso nalang siya sa kwarto ni donya Florentina.
Kailangan na niya itong painitan sa araw at pakainin ng almusal nito. Pagkatapos ay paliliguan niya ito katulad ng daily routine nila.
Pagpasok ni Aliah sa kwarto ni donya Florentina ay tahimik parin roon. Mukhang tulog na tulog parin ang donya. Karaniwan kasi ay maaga itong nagigising at pakanta-kanta na ito sa umaga. Ngunit ngayon ay napakatahimik parin ng loob ng kwarto nito
"Good morning sunshine.." Masigla niyang pag-gising kay donya Florentina pagkatapos niyang buksan ang mga kurtina
Ngunit namutla siya ng makita niyang wala ng kulay ang bibig nito!
"S-Sunshine?" Nanginig ang kanyang mga bibig ng bigkasin niya ang pangalan nito
Agad siyang lumapit sa matanda at mas natakot siya ng maramdaman niya ang kasing lamig ng yelo ang pisngi nito!
"S-Sunshine wake up. Gising na po!" Naiiyak niyang pagyugyug sa matanda ngunit alam niyang wala na itong buhay
Napahagulgol siya ng malakas at napatakbo agad siya palabas ng kwarto
"Tulong po! Tulong! Si Donya Florentina po!" Humagagulgol niyang sigaw.
Naglapitan naman agad ang mga body guards ng donya na nasa labas lamang ng pinto nagkagulo ang mga ito pati na rin ang ibang kasambahay ng mansiyon. Mapa-koreano o pinoy na kasambahay ay tila natataranta! Nag-iiyakan ang mga ito. May tumawag agad ng ambulansya.
Wala pang ilang segundo ay tumakbo papasok ng kwarto si Song Jin. Naabutan nitong nag hahagulgulan silang lahat sa loob ng kwarto ni donya Florentina
"Mom!" Agad na niyakap ni Song Jin ang ina nito. Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Song Jin kay donya florentina habang umiiyak na rin ito