Chapter 3

1033 Words
Chapter 3 One year later... "Good night my sunshine." Hinalikan ni Aliah ang nuo ng matandang babaeng inaalagaan niya sa loob ng halos isang taon. "Oh you're the sweetest. I love you Mika" Napapangiting sambit ng matanda sakanya bago nito hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay Blessing kay Aliah ang pagkakaroon niya ng trabaho sa South Korea. Para siyang nagkaroon ng panibagong pagkakataon sa buhay simula ng matangap siya sa pagiging caregiver ng isang matandang bilyonarya. Naging smooth ang pagkakakuha niy ng passport at visa dahil ang employer niya mismo ang nag-asikaso ng mga papers niya. Hindi na siya nahirapan pa gumawa ng paraan kung paano niya pepeke-in ang mga dokumento niya At first nahirapan siya sa kanyang trabaho dahil napakasungit at napaka-maldita ng matandang babae sakanya. Ngunit habang tumatagal ay lumalambot ang puso nito sakanya dahil nakikita nito ang kanyang pagtityaga sa trabaho. Nakita nito ang kabutihan ng kanyang puso. Halos ituring na siya nitong parang sariling anak dahil itinuring niya itong sariling nanay niya. Ulilang lubos na siya at kay donya Florentina lamang niya muli natagpuan ang pagkakaroon ng isang kapamilya. Her life turns upside down. But with donya Florentina she begins to start a new life. Naging masaya muli ang buhay ni Aliah. Malayong malayo sa buhay niya sa Pilipinas. Hindi niya parin nakakalimutan ang kanyang kahihiyan na nagawa noon sa kanyang nakaraan. Pilit lamang niyang ibinabaon iyon sa limot "I love you too. Matulog kana sunshine okay? Maaga pa tayong magbabanat ng buto at magpapa-araw bukas" Paalala niya kay donya florentina at buong puso niya itong hinalikan muli sa nuo nito Napabungisngis ang matanda kahit may kahinaan na ito at madalas hingalin. "Yes Mika. Para kang mommy ko niyan. Mas lola kapa sakin kung magsalita ka" Napangiti naman si Aliah. Mahilig mag biro ang donya sakanya. Silang dalawa lang halos ang palaging magkasama May nurse ito noon ngunit nahuli niyang tinatarayan at sinasalbahe ito ng nurse nito kaya nakipag-sagutan siya sa nurse na iyon noon. Pinagtangol niya ang matanda sa nurse nito. Hindi niya akalain na matapang ang nurse at bigla nalang nito sinabunutan ang buhok niya. Lumaban siya bago pa man dumating ang mga body guards ng donya. Dahil doon nagsimulang lumambot ang puso ng donya sakanya. "Oo sunshine ako ang mommy mo" Ganting biro niya bago niya ito kinumutan. Papatayin na sana niya ang ilaw sa kwarto ni donya Florentina ng magulat siya ng may isang lalake ang pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin agad siya sa lalake. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ng makita niya kung sino ang lalakeng nasa harapan niya! Kahit isang taon na ang lumipas ay hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalakeng ito! "G-Gavin?!" Gulat at may halong galit niyang sambit sa pangalan nito Kumunot ang nuo ng lalake. "What?" Iritable nitong tanong at may pagtataka sa gwapong mukha nito Hangang ngayon ay napakagwapo parin ng demonyo! Mas dumoble pa nga yata ang kagwapuhan nito dahil kakaiba ang dating nito ngayon. Mas fresh at mas charming ito kumpara noon! Ngunit alam ni Aliah na sa kabila ng gwapong mukha nito ay masama ang pagkatao nito! Wala itong puso! "Putcha! Ano ito lokohan?! Loko loko ka dahil sayo nasira ang buhay ko!" Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Tumakbo siya palapit dito upang sakalin ang lalake! Matagal na niyang gustong gawin iyon kay Gavin Salvador! Hinigpitan niya ang kanyang pagsakal sa lalakeng gulat na gulat sa kanyang ginawa. At dahil matangkad ito kaya nakatingkayad siya "I'm not Gavin! Let me go!" Malakas siyang itinulak ng lalake at pulang pula ang mukha nito dahil sa galit Muntik pa siyang mapa-upo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sakanya Napalunok siya. Bakit parang iba ang tono ng boses nito? Mas lalakeng lalake ang boses nito ngayon. "What's your problem?! I don't understand you!" Galit na singhal parin ng lalakeng gwapo sakanya Nakatingin lamang si donya florentina sa kanilang dalawa. "Sino ka? Bakit kahawig mo si Gavin?!" "Ha?" Naguguluhang tanong nito at parang hindi nito maunawaan ang sinasabi niya "Y-You don't speak tagalog?" Napansin niyang mas kumunot ang nuo nito. "Ofcourse! You're in Korea and people don't speak in your God damn language!" Sarkastiko nitong sagot Napalunok siyang muli. Koreano nga ito! Ngunit kahit saang angulo ay kahawig talaga nito si Gavin Salvador! Mas gwapo lang ito ng kaunti. Ngunit habang tinititigan niya ito ay napag-tatanto niyang hindi nga ito si Gavin Salvador! "He's my son" Singit naman ni donya florentina kaya parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa buong katawan niya "S-Sorry sir! I-I thought you're the--" Akmamg magpapaliwanag sana siya ngunit sinigawan agad siya nito. Namumula parin ang leeg nito na sinakal niya kanina! Kaya galit na galit ito sa kanyang ginawa. "You're fired! Go back to the Philippines!" Galit na sabi ni Song Jin sakanya "D-Don't Sir--" "Get out of my house--" "Song Jin! That's enough!" Sigaw ni donya florentina Sabay silang napatingin kay donya florentina "Napagkamalan ka lang ni Mika na ibang tao. You can't fire her. I'm her boss at hindi ikaw" Parang nabunutan siya ng tinik sa kanyang lalamunan dahil sa sinabi ng ginang Malay niya bang anak ito ni donya florentina?! Kahawig na kahawig kasi nito ang dating boss niya na walang puso! Kumukulo pa nga ang dugo niya hangang ngayon Sa tingin ni Aliah pinaglalaruan siya ng tadhana. Bakit sa dami dami pa ng pwedeng maging kamukha nito ay si Gavin pa talaga?! Kunot nuo parin si Song Jin at halatang bwisit na bwusit pa rin ito sakanya. "Get out of this room!" Utos nito sakanya Napatalon pa tuloy siya sa sobrang gulat sa pagalit na pag-utos nito sakanya "M-Me Sir?" Parang tangang tanong niya Napapikit ito sa inis kaya nanlaki ang kanyang mga mata. Nagmadali tuloy siyang lumabas ng kwarto ni donya florentina. Napakalakas ng t***k ng kanyang puso! Tumakbo siya palabas doon. Kahit nakarating na siya sa kanyang sariling kwarto ay napakabilis parin ng t***k ng puso niya Alam niyang may nag iisang anak si donya florentina ngunit hindi niya pinag-abalahang itanong kung babae o lalake ang anak nito. Ni wala naman itong litrato sa malaking bahay na iyon. Malay niya bang kahawig ni Gavin ang anak ng amo niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD