Chapter 13 "Attorney pogi pasensya kana talaga" pabulong na sabi ni Aliah Narinig ni Aliah ang pagbuntong hininga ni Jacob sa kabilang linya. Tinawagan kasi siya nito at nais nitong lumabas silang muli. Ngunit sinabi niya rito ang mga patakaran ni Song-Jin. Bawal muna siyang makipagkita dito hangat hindi natatapos ang isang taon nilang kontrata "That's strange. I'm gonna talk to him" "N-Naku huwag na--" Pigil niya sa gagawin nito Ngunit nawala na si Jacob sa kabilang linya. He hung up. Nag-alala naman tuloy siya baka magalit sakanya si Song-Jin! Napabuntong hininga nalang siya. Nasa kabilang kwarto lamang si Song-Jin at alam niyang nagpapahinga na ito. Kakatapos lamang nilang kumain ng hapunan. Ipinagluto niya ito ng pininyahang manok. Nagpapasalamat siya at nagustuhan naman nito i