Chapter 12 "Humm" Napa-inat si Aliah ng kanyang mga kamay at sabay na napahikab. Inaantok na siya habang nakaupo sa siya sa coffee room Nakaka-dalawang set of meetings palang ang nabibigyan ni Aliah ng mga kape. So far nag-eenjoy siya sa kanyang naging trabaho. Less stress iyon at pakiramdam niya ay may-ari siya ng isang coffee shop. Challenge rin para sakanya ang ibat-ibang klase ng kape na inoorder ng mga empleyado. Hindi niya napansin na mag-aalas dose na ng tanghali. Kung hindi pa kumatok sa pinto ang isang koreanang babae ay hindi pa niya malalaman na lunch time na "annyeonghaseyo beolsseo jeomsimsigan-ibnida" Nakangiting wika nito sakanya. Na ang ibig sabihin ay (Hello it's lunch time already) Gumanti siya ng matamis na ngiti sa babaeng korean. Mukhang mas bata pa ito kaysa sa