Kinuha nila Doris si Jake na Ninong sa binyag ng anak niya. Wala rin naman iyong problema kay Jake. Kaya pagkatapos namin magbihis at maghanda ay papunta na kami sa simbahan. I was wearing a dress that fell below my knees. Hindi ito hapit sa katawan ko at saktong puwedeng maglagay ng dalawang daliri sa pagitan ng balat ko at tela ng damit. I paired it with a nice heels. Guwapo rin si Jake sa suot niya. Kahit ano naman kasi ang ipasuot sa lalaki na 'to ay bagay pa rin. Kahit siguro punit na shirt hindi mababawasan ang kaguwapuhan niya. He parked his car outside the church. Nauna siyang lumabas tapos pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan sa tabi ko. Naroon na rin sila Sanna at Wilma nang dumating kami. Binati namin ni Jake ang mga kaibigan ko at asawa ng mga ito. "Dorissa Jr!" lumapi

