I started working as junior editor in the company while Sony was already a senior editor. Naging busy na rin ako at pinagbubutihan ko talaga sa trabaho. Nagustuhan naman iyon ni Sony at natuwa rin ako. Mababait din ang mga kasama ko. "Sige, mauna na kayo tapusin ko lang 'to." sabi ko sa kanila nang yayain nila akong mag-lunch. May oras pa naman kaya kahit mamaya na. I was busy in my cubicle and in front of the computer when my phone rang. Tiningnan ko iyon at nakitang si Jake ang tumatawag. Sinagot ko muna iyon at matampuhin pa naman ang lalaking 'to kapag hindi ko agad nasasagot ang mga tawag niya. "Jake," "Hey, babe. Still at work?" "Yup!" binabasa ko ang nasa screen ng computer ko. "Sunduin kita mamaya diyan sa workplace mo." he said. "Yes, baby. Thank you." "Busy?" "Right now

