CHAPTER 52: Say Yes. Akala ko sa susunod na mga araw pa ang sinasabi ni Elton na willing to wait siya. Pero ngayong naaaninagan ko siya mula sa kinatatayuan ko, nakatayo siya sa tapat ng kotse niyang kulay pula, hindi ko alam kung willing to wait ba siya o atat na. Iiwasan ko pa sana siya dahil ayaw ko naman talaga siyang makausap ulit dahil nga gusto kong mag-isip-isip muna pero huli na ang lahat nang mahagip niya ako ng kaniyang paningin. He stared at me intently like he was asking me to come at para naman akong uto-u***g sumunod sa kaniya. Kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa direksyon kung nasaan siya. Hindi ko alam kung nahipnotismo niya ba ako o talagang sadyang marupok lang talaga ako para mabilis na sumunod sa kaniya. Ilang beses ko na siyang ipinagtutulakan pero heto ako

