***** RUCIA ***** “Tumawag ang bunso mo kahapon. Sinabi niya na may balak na ang asawa mo na ibenta ang rancho. Gusto talaga tayong pahirapan,” tila ay pagal na pagal si Rucia nang mga sandaling iyon dahil napakahina ng boses niya na sabi niya kay Santiago. Magdamag na pinag-isipan niya kung dapat pa ba niyang ipaalam kay Santiago ang nalaman niya kay Cecilia kahapon. At ang naging desisyon niya ay ito, ang sabihin dito ang balak na namang masama ni Misis Nimfa Vilaamor. “Ahh… Ahh!” Gustong magsalita ni Santiago kaya nalaman ni Rucia na matino ngayon ang isip ng matanda, na mabuti naman upang maunawaan nito ang kanyang sinasabi. Kahit ganito na si Santiago ay karapatan pa rin nito na malaman ang nagaganap sa paligid nito, lalong-lalo na ang pinagagawa ng malditang asawa nito sa kanila.