PART 15

1839 Words

***** RUCIA *****     “Ahh!” ungol ulit ni Santiago na nagpabalik kay Rucia sa kasalukuyan mula sa pag-aalala niya kung paano siya napadpad sa rancho at naging taga-alaga ni Santiago. Kumilos ang mga kamay ni Santiago at parang gusto siyang abutin. Buong kapaitang humugot si Rucia ng buntong-hininga bago niya kinuha ang kamay nito. “Hayaan mo na. Mag-iisip na lang ako ng paraan para kung sakaling paalisin nila tayo rito ay may mapupuntahan pa rin tayo.” Umungol ulit ang matanda. At nakita ni Rucia ang isang butil ng luha nito na pumatak. Kung para saan iyon ay hindi niya sigurado. Basta nakaantig iyon sa puso niya. “Huwag ka nang mag-alala. Sisiguraduhin kong magiging maayos pa rin tayo. May awa ang Diyos,” senserong aniya. Naiiyak din siya dahil sobrang pahirap ito para kay Santiag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD