***** RUCIA ***** Nang matapos ang libing ni Santiago ay hindi na hinayaan ni Rucia na makapag-usap pa sila ni Aman. Pagkatapos nang nangyaring mainit na pagniniig nila ng binata ay iniwasan na niya ito. Kahit ang pagsasalubong ng kanilang mga mata ay hindi niya hinayaang mangyari. Sa tuwing pilit siya nitong kinakausap ay nagmimistula siyang malamig pa sa yelo. Hindi siya nagre-react o nagsasalita ulit. Hanggang sa umalis na siya sa rancho. “Oh, Tagudin! Tagudin na!” malakas na sigaw ng konduktor na umudlot sa pagtatanaw ni Rucia sa nakaraan nang makita niyang malapit na siya sa kanyang pupuntahan. Hindi niya naiwasan na maalala ang nangyari sa rancho TATLONG TAON NA ANG NAKALIPAS pagkatapos siyang umalis. “Kuya, sa waiting shed na iyon po ako,” para niya sa Viron provincial bus na ka