PART 69 (SPG)

1709 Words

***** RUCIA ***** Kaysa sagutin ang tanong ni Aman kung siya ba ay nagseselos ay tumayo siya. Ayaw na niyang makipag-usap. Nawalan na siya ng gana. Tama bang tanungin pa siya ng ganoon? Tapos ay kinumpleto pa ang pangalan ng babaeng iyon? Marvz de Luna raw? Tse! Parang pangalan ng aswang! “Rucia, wait,” subalit hindi pa man siya nakakahakbang ay nahila siya ni Aman. Napabalik siya ng upo. “May gagawin pa pala ako.” Ginawa niyang kaswal ang tinig niya. Ayaw niyang ipakita na nagseselos siya. “So, nagselos ka nga kay Marvz?” “Sige, ulitin mo pa ang pangalan ng babaeng iyon!” Ngunit ay hindi siya nakatiis. Nang-aasar na, eh. “Hindi mo kasi ako sinasagot. Sorry,” konsola sa kanya nito. Muling nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Paawa effect. She crossed her arms over her chest.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD