***** RUCIA ***** Nakaraming katok na si Rucia sa may pinto ng inuukopang silid ni Aman subalit wala pa ring nagbubukas. Nasa labas ang kotse ng binata kaya alam niya na nasa bahay lang ang binata. Unless umalis tapos naglakad lang. Nakusot ang pawis niyang mukha. Galing siya sa pagbebenta ng mga make-up sa bayan. Sa mga trabahadora roon. Hindi kasi totoong hindi niya nabawasan ang perang binayad sa kanya ni Aman sa upa. Nabawasan na niya ng limang daan. At buti na lang ay may bumili sa kanya para pantapal niya sa perang ibabalik niya kay Aman ngayon. Ang dahilan kung bakit kinakatok niya ngayon ang kuwarto ng binata. Nais niyang ibigay na agad ang pera at baka mabawasan niya ulit. “Aman?” tawag niya sa pangalan ng binata kasabay ng kanyang pagkatok ulit. Nang wala pa ring nagbubu