***** AMAN *****
Halos maghapon na wala silang ginawa ni Rucia kundi ang magbenta ng bagoong at mamili ng ititinda rin daw ng dalaga sa probinsya kasama na ang mga orders.
Tuwang-tuwa si Rucia. Animo'y ngayon lang naging suwerte sa tanan ng buhay nito. She was smiling from ear to ear. Kabaliktaran sa kanya na panay ang lihim na ngiwi dahil kung kanina ay maleta ng bagoong lang ang hinihila niya ay ngayon naman ay sari-saring paninda. Inis pa niya dahil napuno ang maleta kaya may bitbit pa siya ngayong malaking plastik na kulay blue.
"Nakee, if this is your way of torturing me, then I will endure it.," lihim niyang bulong habang nakasunod siya kay Rucia na naglalakad.
Ang babae, feeling may alalay na talaga. He sighed and shut his eyes tightly. Pinaalalahanan ang sarili na konting pasensiya pa. That he had a goal; ang makuha ang loob ni Rucia Manrique. At ang pagbabait-baitan niya ang tanging paraan para makamit niya iyon.
"Pagod ka na?" Nga lang ay saktong lumingon si Rucia sa kanya.
"Yeah, and gutom na rin. Pwede bang kumain muna tayo?" pag-amin niya. Nahuli naman na siya.
Tumingin si Rucia sa mumurahing relong pambisig nito bago pumayag. "Sige. Saan tayo kakain? Sa mura lang, ah?"
Inilibot nila ang tingin sa paligid nang hindi namang kalakihang establesyementong karamihan ay Chinese ang mga may-ari at wholesale o bultohan ‘pag bibilhin ang mga paninda. Hula ni Aman ay dito rin binibili ng mga small businesses ang mga paninda nila, tulad ng mga nasa bangketa. May mga damit, cellphone accessories, iba't ibang gamit sa bahay, appliances na hindi sikat ang mga tatak, motorcycle parts at kung anu-ano pa na mabibili sa murang halaga kapag madami ang bibilhin o kapag suki ka na nila.
"Doon? Gusto mo?" tanong ni Rucia. Itinuro nito ang sikat na fast-food chain.
He shook his head. " I saw a restaurant earlier near here. Gusto ko doon tayo sana kung okay lang."
"Restaurant? Mahal doon," inasahan niyang apila agad ng dalaga.
"Akong bahala. My treat,” aniya at hinila na niya ito. Sa kaliwang kamay niya ay ang maleta at plastic bag, si Rucia sa kanan.
For goddamn sake, sa pagod niyang ito ay magwewelga na talaga ang katawang lupa niya kung sa basta-bastang kainan pa sila kakain.
"Ikaw talaga ang magbabayad ng mga ito, ah?" paniniguro ni Rucia nang inilapag ng waiter ang mga masasarap na pagkain sa harapan nila.
Ibinaba niya ang kanyang phone dahil may chinat siya saglit habang hinihintay kanina ang mga orders niya.
"Yeah, kain na," aniya na nakangiti. Anong sorpresa niya nga lang nang wala nang hiya-hiya na lumamon si Rucia. Gutom na gutom din tulad niya. Napapala ng kuripot.
"Hindi ka naman gutom noh?" biro niya. Hindi naman siya na-o-offend, natutuwa nga siya dahil ang gandang tingnan ni Rucia na maganang kinakain ang pagkaing binili niya. Walang kimi ang dalaga tulad ng ibang babaeng mga nakasalamuha niya’t mga dineyt na puros arte sa katawan por que mga anak mayaman.
All of a sudden, Nakee’s face flashed into his mind.
"She’s like Nakee," kasunod na bulong ng tinig sa likod niyon.
Damn! Mabigat ang kamao niyang inilapag sa lamesa. His face darkened and his jaw visibly clenched. Ayaw niyang ikukumpara si Nakee sa babaeng ito. Malayong-malayo si Nakee sa Rucia na ito.
"Anyare sa'yo?" nagulat na tanong tuloy ni Rucia. Kagat-kagat pa ang kutsara habang nakatitig sa kanya.
"W-wala. I just remembered something," pagsisinungaling niya. Pinilit niyang ngumiti. He was only relieved when Rucia smiled again and resumed eating.
"Saan tayo next?" tanong niya nang naibalik niya ang sigla sa sarili. He just reminded himself na mas kontrolin pa ang kanyang emosyon.
"Uuwi na ako kaya umuwi ka na rin," sagot ni Rucia pagkatapos sumimsim ng red tea. Pagkuwan ay pinapak nito ang sans rival.
Mabilis siyang humugot siya ng tissue nang nakita niyang may cream sa bibig ng dalaga. Nakangiting marahang pinunasan niya iyon. Kung kasama siguro nila si Kai ay kanina pa humalagpak ng tawa ang kaibigan niyang iyon dahil sa pagiging cheesy niya ngayon.
Nailang na nag-iwas naman ng mukha si Rucia. "Sorry, ang dugyot kong kumain."
"It's okay. Ang cute mo nga, eh," aniya. At lihim siyang nagdiwang nang nakita niyang namula ang mga pisngi ni Rucia.
"Ganyan nga, Rucia Manrique. Kiligin ka sa akin," sa isip-isip niya ay malademonyong sabi niya habang nakangiti sa dalaga. Natutuwa siya dahil nakikinita na niya na madali lang niyang maisasakatuparan ang plano niya. Mukhang hsindi siya mahihirapan dahil tulad ng ibang babae ay marupok din si Rucia, madaling mapapa-ibig.
"Salamat, ah? Ang laking ginhawa nang pagsama at pagtulong mo sa akin. Makakauwi ako agad sa Ilocos," pasasalamat sa kanya ni Rucia nang papabas na sila sa maliit na mall na iyon at patungo na sila sa parking pay kung saan niya pinark ang kanyang kotse.
Magkatabi silang naglalakad. Si Rucia na ang nagbitbit sa plastic bag. Naawa raw sa kanya.
"Okay lang. Salamat din at nagtiwala ka sakin. Thank you for giving me the chance to be your friend," aakalaing senserong mga pasasalamat din niya.
Biglang stop ng lakad si Rucia. Nauna siya pero nang napansin niya iyon ay napa-stop din siya at nilingon niya ito.
"What?" nagdugtong ang mga kilay niyang tanong dahil wagas kung makatitig sa kanya ito. Pailalim.
Pumanaywang ang dalaga. "Umamin ka nga sa akin. Gusto mo ba ako?"
"Huh?" Nagkunwari siyang nabigla.
"Sabi ko gusto mo ba ako?"
Kamot siya sa ulo. "Grabe ka talagang makatanong ng ganyan. Parang ang dali-dali."
"Dahil ayaw ko ng paligoy-ligoy pa."
"Bakit? May masama ba kung gusto nga kita?"
"Oo, dahil hindi ako deserve para sa'yo. Kapag minahal kasi kita at sinagot kita, aayawan lang ako ng pamilya mo. Magiging kumplekado kasi ipaglalaban mo ako. Tapos bigla may gusto silang ipakasal sayo. Tapos mas masasaktan ako. Ayokong masaktan," pagdadrama ni Rucia. Kung saan-saan na naman umabot ang naisip.
Umasim ang kanyang mukha.
"Maghanap ka na lang ng iba. Prends na lang tayo," patuloy pa sa pag-o-over acting ng dalaga. Parang bata na inilahad pa ang kamay sa gitna nila para sa shake hands.
Nakataas ang isang kilay niyang tama lang ang kapal para sa lalaki habang naglipat-lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa kamay nito na nakalahad. Gusto niyang sabihin na kahit totoong kaibigan ay hindi niya ito matatanggap. But of course hindi niya masasabi dahil masisira ang plano niya.
"Luh!" Hanggang sa may nakita yata si Rucia sa likuran niya. "Iyon yung kotse mo 'di ba?"
Sinundan niya ang tingin ang tinuturo ni Rucia. At napatanga nang biglang nagtatakbo na ito na tila susugod sa gyera.
"Hoy!" matapang na sigaw ni Rucia sa lalaking nagbubukas sa kanyang kotse. "Balak mong carnap-in 'yan noh! Guard! Guard!"
"Ma'am, nagkakamali po kayo," sabi ng lalaki.
"Eh, bakit mo binubuksan ang kotse ng kaibigan ko?!" singhal pa rin ni Rucia. "Modus mo di uubra sa akin! Guard! Tulong!" ta's sigaw na naman dahilan para makakuha ng atensyon ng ibang taong naroon.
Literal na nalaglag naman ang panga ni Aman habang nanonood. Kumilos lang siya nang tapunan siya ng tingin ni Rucia.
"Tatayo ka na lang ba riyan?!" sigaw nito sa kanya. "Oooppp! Diyan ka lang! Lagot kang magnanakaw ka ngayon!" pigil din nito sa lalaki nang akmang lilikos.
Doon na napakamot ng ulo si Aman. Lumapit na siya sa dalawa at umawat. "Rucia, he's not a theft okay?"
"Sir, magandang hapon po." Madaling tinulungan siya ng lalaki sa maletang hila-hila niya.
"Huh?" Nagsalubong naman ang mga kilay ni Rucia na tiningnan siya. Humihingi ng paliwanag.
"Driver po ako ni Sir Aman, Ma'am. Ako po si Benz," pakilala na ng lalaki.
Tumingin si Rucia sa lalaki. "Weh?"
"Benz, ilagay mo na ‘yan sa compartment. Thanks," utos muna ni Aman sa tauhan. Ito ang kanyang ka-chat kanina nang kumakain sila. Pinagsabihang puntahan sila rito para ipagmaneho.
"Yes, Sir," pagtalima naman agad ni Benz. Tinungo ang compartment, binuksan at inilagay roon kasama na ang malaking plastik bag.
Ang tila tigreng hitsura kanina ni Rucia ay unti-unting naging parang kuting na naulanan na. Nawala ang katapangan at napalitan ng kahihiyan.
"Sorry, hindi ko sinabi na may makakasama tayo sa byahe," aniya rito.
Inirapan siya ng dalaga. "Ano ba 'yan? Napahiya naman ako."
"Sorry," ulit niyang paghingi ng tawad. Nakaramdam nga lang siya ulit ng hindi komportable nang pasadahan siya ng nanunuring tingin nito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.
"Sino ka ba talaga?"
"Anong klaseng tanong 'yan?"
"Eh, kasi parang sobrang yaman mo pala. Ngayon ko lang napansin dahil abala ang isip ko kanina kung paano mauubos ang mga bagoong ko. Sino ka? At bakit ang bait-bait mo agad sa akin?"
"Kumuha lang ako ng driver mayaman na?"
"Malay ko ba. Hitsura pa lang, eh. Teka, hindi ka naman masamang tao na nagpapanggap na mabait lang, noh?"
Pumanaywang siya kasabay nang pagsinghap niya sa hangin. "Itong guwapo kong ito masamang---"
"Hep! Hayan na naman 'yan. Sabing ‘wag mong babanggitan ‘yan dahil ang gasgas na ang linyang iyan.” Iniharang ng dalaga ang kamay sa mukha niya para patigilan siya sa pagsasalita. "At saka sa panahon ngayon ay iyang ganyang hitsura na guwapo at mukhang mayaman ang siyang kriminal na ngayon."
"So, guwapo ako para sa'yo?" nang-aasar na tanong niya. He had that handsome grin on his face.
"Ah... eh..." Natameme yata ang dalaga. Hindi kasi agad nakasagot. Kikibot-kibot lamang ang mga labi. "Huwag mo ngang iwala ang usapan. Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa akin at kinakaibigan mo ako?" subalit ay pagbabalik pa rin nito ng topic nang makuha nito ang boses.
"Nagpakilala na ako sa iyo hindi ba? Ako si Aman Buenaventura.”
"Anong work mo? Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?"
"Sorry, but I refused to answer that. I am a private person," pakipot niya kunwari.
"Private person? Private person?" tuya sa kanya ng dalagang makulit. "Naku baka bad person ka, ah? Siguro kaya ang dami mong pera kasi.... hmm..." Tinuro-turo siya nito habang nag-iisip. At nang may maisip ay nag-letrang O muna nito ang bunganga kasabay nang panlalaki ng mata, "kasi drug lord ka?! Tama drug lord ka!"
He hissed. "I'm not a drug lord.”
"Hindi ka drug lord? Okay. Pero isa kang mafia! Nagpapabayad ka para pumatay tulad ng mga nababasa ko sa mga storya sa Dreame!" pilit pa rin ni Rucia sa kalokohan.
Bago ang lahat, "What is Dreame?" tanong niya. Hindi niya mahalungkat sa bokaboryo niya kasi ang salita.
"Ang Dreame ay isang sikat reading platform. Sa App nila sa cellphone ko ako nagbabasa ng mga nabole kapag naboboring ako sa bahay. Gustong-gusto ko iyong THE ABDUCTED ASSASSIN na story. Ang author niyon ay si Ad Sesa. Ang galing ng storya niyon. Action na nakakakilig. Ang galing sa pagpatay yung bidang babae," paliwanag naman ng dalaga na napunta na sa pagkukuwento.
"I see," naliwanagan siya. "But wow, hindi ko inakala na nagbabasa ka pala? Wala sa hitsura mo."
"Grabe ka naman. Pero tama ka kasi nahawa lang ako sa kaibigan ko noon na si Cara."
"Good for you. Magandang hobby ang pagbabasa."
"Oo nga, eh. Ang kaso wala na akong oras ngayon sa pagbabasa." Ngumiti ang dalaga pero saglit lang ay nabura rin. "Teka. Huwag mong iwala ang usapan. Sino ka nga? Ano ngang pakay mo sa akin?"
"Kaibigan mo ako, Rucia. Nang nakita ko kasi kung paano ka mag-alala sa bata kanina na muntik ko nang mabangga ay magaan na agad ang loob ko sa'yo. Ginusto ko agad na maging kaibigan ka. That's all and nothing else. Unless gusto mong maging more than friends tayo?" patutsada na nga niya upang magtigil na ang dalaga sa kakaisip ng kung anu-ano. Mamaya ay totoong matakot na ito sa kanya. Hindi maaaring mangyari iyon. Ayaw niyang masayang lang ang naumpisahan na niya, lalo na ang mga pagod niya ngayon makuha lang ang loob nito.
"More than friends ka riyan. Utot mo," irap nga lang sa kanya ni Rucia.
Natawa siya konti. "So tara na?"
"Seryoso? Ihahatid mo talaga ako pabalik? Hindi ka ba napapagod?"
"Kaya nga tinawag ko si Benz para may mag-drive sa atin. Makapagpahinga naman ako sa byahe kaya ‘wag kang mag-alala."
Saglit na nag-isip si Rucia pero sa huli ay pumayag din ito. Ang pasaway binentahan pa ng brief si Benz.........