PART 7

1680 Words
***** AMAN ***** Pagal na pagal ang katawang ibinagsak ni Aman ang kanyang likod sa grand sofa. Kakauwi lang niya at dahil hindi na niya kayang iakyat ang sarili sa silid ay balak niyang doon na muna matulog. Ni hindi na nga siya nag-abala na buksan lahat ng ilaw. "Aman?" hindi pa man siya hinihila ng antok ay biglang tinig ni Nakee na kanyang narinig kaya iminulat niya ang mata at hinanap ang nobya ng tingin. "Nakee..." natuwang banggit niya sa pangalan ng nobya. Naroon ito sa madilim na banda ng sala. Nagmistulang silhuette. Napangiti siya't tumayo. Pero nang akmang lalapitan niya ito ay biglang inihawak ni Nakee ang dalawang kamay nito sa leeg. Sinakal nito ang sarili. "Nakeeeeeee!!!" Namilog ang kanyang mga mata at sinubukan niyang abutin ang babaing pinakamamahal. "Hoy, Aman. Gising," pero tinig na kasi ni Rucia na pumukaw sa kanya. Pagmulat ni Aman ng mata ay tumunghay sa kanyang paningin ang simpleng ganda ng mukha ng dalaga. Niyuyugyog din siya nito sa balikat. Umubo siya't umayos ng upo. Naunawan na niya na isa na naming panaginip iyon na kasama niya si Nakee. Naalala niya na plakda silang dalawa kanina ni Rucia nang nasa byahe na sila pabalik sa Ilocos. Tabi sila roon sa back seat na umupo kanina at para ba'y noon lang nila naramdaman ang pagod. Walang sali-salita hanggang sa nakatulog silang parehas. "Binabangungot ka yata. May binabanggit kang Nakee. Ano 'yon pangalan? Sino siya?" usisa ni Rucia. ‘She's the woman I love the most,’ sagot niya pero sa isip niya lang iyon. "I don’t know. Wala akong matandaan sa napanaginipan ko," sa halip ay kasinungalingang sagot niya. Napakurap si Rucia. "O-okay. Gano'n talaga ‘pag nanaginip o binangungot. Ako rin ilang beses nang binangungot. Mas maganda nga iyong hindi naalalala kasi nakakatakot iyong naalala pa. Tulad iyong napanaginipan kong hinahabol daw ako ng aswang. Lakad-takbo raw ako. Nakakatakot," kuwento ni Rucia. Pagkatapos ay umayos na ito ng upo. Muling inantok. "Nasaan na tayo, Benz?" tanong ni Aman sa kanyang driver kaysa magtanong ukol doon. He was not interested in the ghost story, for Pete's sake. "La Union na, Sir." "La Union na?" gulat na ulit ni Rucia sa sinagot ni Benz. Nagising na naman ang diwa. "Ang bilis naman natin?" "Ganon talaga dahil dire-diretso tayo. Anyway..." Tiningnan ni Aman ang kanyang rolex na relong pambisig. " We can have a late dinner if you like? Ala-una pa lang naman ng madaling araw." "Hindi na. Gagastos ka na naman. Doon na lang tayo sa bahay. Masarap ang barakong kape ng Iloco ni Manang Helen na binigay niya nong isang araw. Tikman niyo ni Benz," pagtanggi at pag-alok ni Rucia. Tumango-tango siya. Gusto nga niya iyon hindi dahil sa barakong kape lamang kundi ang pagkakataon na makasama at makausap niya pa ang dalaga. "Matulog na lang po kayo ulit. Isang oras pa po tayo bago makarating sa Ilocos," suhestyon ni Benz. "Ah, sige. Basta pagdating natin sa mahabang tulay ay gisingin mo ako para ma-guide kita. Malapit na kasi roon ang bahay namin," sabi ni Rucia. Her eyelids with long lushes were drooping. Inantok ulit. "Yes, Ma'am," sagot ni Benz sa dalaga habang nakatingin sa rearview mirror. Nginitian siya muna ni Rucia bago ipinikit ulit ang mga mata. Napangiwi nga lang siya dahil nang umayos ng pagkakaupo si Rucia ay bumaluktot ito patalikod sa kanya. Dumikit ang puwetan nito sa balakang niya. Napilitan tuloy siyang umusog. "Tss!" Napailing siya. At tiningnan nang masama si Benz nang narinig niyang labas sa ilong na tumawa ito. Tinatawanan siya. Mayamaya pa'y naghihilik na si Rucia. Pumikit na lang din siya ulit. Kung paanong nakatulog ulit siya agad ay hindi niya alam. Siguro ang kahapon na ang pinakanakakapagod na araw kaya hanggang ngayon ay ramdam ng kanyang katawan kahit pa nakatulog na siya kanina. "Sir? Ma'am? Nandito na po tayo sa Ilocos," panggigising sa kanila ni Benz makalipas ang medyo mahabang sandali. "Hmmm..." Narinig niyang ungol lamang ni Rucia. Tamad pa yatang gumising. Siya na ang ang nagmulat ng mata. Dahan-dahan. Pero nang masilayan niya ang mukha ni Rucia na sobrang lapit sa mukha niya ay biglang bilog ang mga mata niya. "s**t!" Sa gulat nga niya'y naitulak niya ang dalaga palayo sa kanya. Wari ba'y taong grasa si Rucia na nakadikit sa kanya habang tulog sila kaya diring-diri siya. "Aray naman!" angil ni Rucia. Masamang tingin ito sa kanya. "Um... biglang prino si Benz," pasa niya ng sisi kay Benz. "Dahan-dahan naman!" angil nga ni Rucia sa binatang driver. Benz just softly chuckled. Pigil ang tawa nito sa nasaksihan at sa reaksyon ni Rucia, lalo na sa ginawa ng among si Aman. "Natawa pa," parinig ni Rucia. Ngunguso-nguso ito. Biglang seryoso ang driver. Iniubo na lamang ang natirang tawa. "Ikanan mo riyan, Benz," utos na ni Aman para maiwala ang nangyari. At nagtagumpay siya dahil nagmistulang Waze App na lang si Rucia sa pagga-guide kay Benz. Medyo malayo pa pala ang bahay nila sa highway. "Doon na," sabi na ni Rucia nang tanaw na ang farmhouse. "Diyan kayo nakatira?" manghang tanong naman ni Aman dahil hindi pala ordinaryong bahay nakatira ang dalaga. Farmhouse pala na ng isang rancho. It was a two-storey farmhouse at sa lawak ay hula niyang four bedroom ito. Gawa ang farmhouse ng halong matibay na kahoy at konkreto. Ang harapan ay malawak na patio na napipinturaan ng white ang mga pasimuno. Salamat sa full moon na buwan kaya nakikita na kahit paano ang paligid. Ang mga sandaling ganito ang maipagmamayabang ng probinsya. Ang natural na ilaw ng paligid. "Hindi amin o akin 'yan. Nakikitira lang ako riyan," paliwanag ni Rucia. "Wait lang," at anito nang tumigil ang sasakyan dahil kailangan pang buksan ang kahoy na pinaka-gate upang maipasok ang sasakyan. Bumaba na rin si Aman. Sinalubong siya ng malamig at sariwang simoy ng hanging-hamog. Pinamulsa niya ang dalawang palad niya sa magkabilang bulsa niya. Tapos ay inilibot niya ang tingin sa medyo madilim pa ring paligid. Sa harapan ay may matandang puno ng akasya na may kamang kawayan na pahanginan. Sa likod ng bahay ay may lampas sa bubong naman na dalawa o tatlong malalaking puno ng mangga. At kung gaano kalawak ang rancho ay ganoong kahaba ang nakapalibot na kahoy bilang bakod. Wala nga lang kabuhay-buhay dahil mukhang napabayaan na. WELCOME TO RANCHO VILAAMOR, basa niya sa isip sa mga letrang nakasulat sa kahoy na nakasabit sa pinaka-arko ng ranch's gate. Nagtaka siya dahil sa pagkakaalam niya ay Manrique ang apelyido ni Rucia. Who owns the surname Villaamor? Tumingin siya kay Rucia. Abala ang dalaga sa pag-guide kay Benz kung saan magandang i-park ang kanyang sasakyan. Babalik sana si Rucia sa gate. “Ako na,” pero aniya. Sumunod na siya after niyang isarado ang kahoy na gate. "Tara sa loob. Malamig dito," anyaya sa kanila ni Rucia. Nagpatiuna na ito ng lakad papasok ng bahay. Sinusian ang pintong kahoy din upang mabuksan. "Rancho po ito, Ma'am? Ibig sabihin may mga kabayo kayo?" hindi napigilan na usisa ni Benz. Tulad ni Aman ay umiikot ang paningin. "Ay, wala kasi wala nang nag-aasikaso nito. Matagal na," sagot ni Rucia kasabay nang pagbubukas ng pinto. ‘I was right’, sa loob-loob ni Aman. "Pasok kayo," paanyaya ni Rucia. Magkasunod sila ni Benz na pumasok. Kapwa sila napaikot ng tingin sa kabuoan ng bahay. At masasabi ni Aman na maaliwalas ang lugar. Puros kahoy din ang mga lamesa't upuan pati na mga cabinet at kung anu-ano pang lagayan. Kumpleto naman gamit. Latest din ang flat screen na TV. Kahit halatang napabayaan na ang labas ng rancho ay hindi naman dito sa loob ng bahay. Malamang ay dahil sa pag-aalaga ni Rucia. "Upo kayo," kiming sabi ni Rucia. "Pasensya na kung hindi malambot ang upuan." Sumunod naman sila ni Benz. Kapwa sila nakangiti kay Rucia. "Wait lang. Ikukuha ko kayo ng kape. Tamang-tama sa lamig." Pag-aasikaso na sa kanila ni Rucia. "Thank you," pahabol niyang sabi dahil nasa may pintuan papuntang kusina na agad ang dalaga. Nilingon siya't kinindatan bago tuluyang pumasok ng kusina. "You can leave now, Benz," at nang wala na ang dalaga ay pagtataboy na niya sa kanyang driver. "Sir, magkakape raw po ta--" ayaw sana ni Benz. Pero nang singkitan niya ito ng mata ay tumayo na ito. "Right away, Sir. Aalis na ako." "Shhh!" he hushed him. Napatingin siya sa dako ng kusina. Naghintay na lalabas si Rucia roon pero wala naman. Ibig sabihin ay hindi umabot sa kusina ang tinig ni Benz. "Sorry, Sir. Sige aalis na po ako," pabulong na paalam na ni Benz. "Dalhin mo iyong kotse ko," sabi niya na ikinabigla nito. “Sir?” “I said dalhin mo ang kotse ko at huwag ka nang madaming tanong.” "Copy, sir." "Basta lagi mong titingnan iyang phone mo at baka bigla akong tatawag or magti-text sa iyo, okay?" Naguguluhan man ay tumango si Benz. Dali-dali na itong lumabas ng bahay. "Oh, nasa’an na si Benz?" tulad nang inasahan niya ay nagtatakang tanong ni Rucia pagkalabas sa kusina. Dala na nito ang isang tray na may tatlong basong umuusok pa na kape. "Bumalik na sa Maynila. Suddenly someone called him. Sabi ko nga ay magkape muna pero nagmamadali, eh. Baka emergency kaya pinayagan ko nang umalis," gawa-gawa niyang sabi. Umugong ang kanyang sasakyan sa labas. "Kaaalis lang talaga? Pagkapehin mo muna kahit dalawang higop lang," sabi ni Rucia kasabay nang paglabas nito. Dala-dala pa ang tray. Kamot-ulo siyang sumunod. Pero nang nakita niyang palabas na ng gate ang kanyang sasakyan ay naginhawaan siya. May bonus sa kanya si Benz. "Sayang naman itong kape," nanghihinayang na wika ni Rucia nang hindi na nila matanaw ang kotse. “I can drink all that," mabilis niyang sabi. "Mas mahalaga lang talaga ang pag-alis ni Benz dahil emergency nga raw. Pagpasensyahan mo na." Tiningnan siya ni Rucia. "Oo naman. Okay lang 'yon. Ang hindi okay ay naisip mo ba na wala ka nang gagamitin na kotse pag gusto mo nang umuwi? Sana sumabay ka na. Paano ka uuwi niyan?" "Ah... Eh..." Hindi agad siya nakahuma..........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD