***** RUCIA ***** "Bakit wala iyong kotse ni Aman?" lakas-loob na tanong ni Rucia kay Chana nang nakasabay niya ang kaibigan sa kusina. Siya ay uminom ng tubig, ang dalaga ay kumuha ng sibuyas. Nagluluto na ng hapunan ang mga boluntaryong mga kapitbahay nila na tumutulong sa kanya at malamang inutusan ito. Umuwi saglit si Chana pero bumalik din. Naligo lang. Ngayon na niya napatunayan na tunay rin pala itong kaibigan. Maling-mali pala na tinuring niya itong kalaban o karibal sa mga nagdaang araw. Bago siya aalis sa rancho, balak niya ay hihingi siya ng sorry rito. Pagkalibing na pagkalibing ni Santiago ay lilisanin na niya ang rancho. Wala nang dahilan para magtagal pa siya kahit oras lang. Isa pa ay sigurado namang palalayasin siya agad ni Mrs. Nimfa kapag nalaman nito na wala ang a