PART 65

1575 Words

***** RUCIA *****   Naalimpungatan si Rucia mula sa pagkakaidlip. Biglang angat siya ng ulo mula sa mga brasong ginawa niyang unan na nakapatong sa sandalan ng isang upuan. At ang malakas na tawanan ng mga kalalakihan sa labas ang siyang dahilan ng kanyang pagkagising. Pupungas-pungas na inilibot niya ang paningin. Naalala niya na pagkatapos kumain ay nagbantay na siya kay Santiago kasama ang ilang matanda na sanay na sa puyatan kapag may lamay. Pero ngayon ay isang matandang lalaki na lang ang kasama niya. Tulog na nakaupo rin tulad niya kanina. Tutumba-tumba ang ulo. Akmang tatayo na siya upang silipin ang nangyayari sa labas nang napansin niya ang nakabalabal sa kanyang balikat. Nang suriin niya ay humalimuyak ng pabangong panlalaki na gustong-gusto ng kanyang ilong ang naamoy noya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD