Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
"Super Nardo, saan ka nag galing? Bakit nawala ka ng mahabang panahon? Limang buwan kang nawala at ang ating siyudad at ang ibang lugar dito sa bansa ay pinamahayan na ng salot mula sa ibang planeta." ang wika ng isang matanda na aking ikinabigla.
Tila nawala sa aking isipan na mag kaiba ang pag ikot ng oras sa mundong ito kaysa sa labas ng kalawakan kaya't ang isang araw ko sa barkong pandigma ni Juho ay isang buwan sa aming oras.
Part 24: Salot
"Hello 5 buwan kang nawala tapos ngayon ay mag tataka ka kung bakit nawasak ang buong siyudad? My Gewd pinsan! 5 months rin akong naburo dito, nawala ako sa eksena at naligwak ang ganda ko!" ang pag mamaktol ni Cookie habang naka haba ang nguso.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi Nardeng! Aba naka lakad ka lang ng tuwid ay nag lalakwatsa kana! Tapatin mo nga ako Nardeng, si Dora ka ba? Gagala ka lang ay aabutin ka pa ng limang buwan! Yung papa mo ay halos atakihin na sa puso sa pag aalala sa iyo!" ang sermon ng aking madrasta.
"Iyan ang namiss ko dito sa bahay, yung bunganga at sermon ng aking madrasta." bulong ko kay Cookie
"Huwag mo nalang pansinin, mangangawit rin ang bibig niyan mamaya mamaya lang. Teka ha, nag luksa ang buong bayan alam mo ba iyon? Kitang kita namin kung paano kuhanin ng kalaban ng iyong katawan. Ang akala namin ay pinatayan kana ng mga alien eh. Buti nalang buhay ka pinsan!!" ang pag iyak ni Cookie kaya naman tinakpan ko ng kumot ang kanyang bibig dahil hindi pa ito nag sisipilyo. "Wag kana nga umiyak ang baho ng hininga mo e." ang sagot ko naman.
"Sorry pinsan, humarvat kasi ako ng bagets kagabi, hindi na pala nakapag mumumog." ang sagot niya habang nag pupunas ng luha.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit nawasak ang siyudad?" tanong ko
"Sinalakay tayo ng mga tiyanak na aliens! Basta kakaiba ang itsura nila. Parang mga sanggol na kumakain ng tao. Afraid ang buong siyudad lalo na noong napag tanto nila na wala kana. Yung iba nga ay inilibing ka, mayroon ring nag luksa sa social media at itong si Mayor ay nag pagawa pa ng rebulto mo sa harap ng bahay nila." salaysay ni Cookie
NEWS FLASH:
Isang milagro mga kaibigan ang pag kabuhay ni Super Nardo. May ilang nag bunyi at nabuhayan ng pag asa, may ilan rin naman na nag taas ng kilay dahil sayang lamang raw ang pinambili at pinampagawa nila ng memorabilia nito bilang ala-ala sa kanyang pag panaw. Ang sabi pa ng ilan ay gumagawa lamang raw ng publicity ito si Super Nardo dahil tatakbo ito sa eleksyon bilang senador ng bansa.
Samantala, patuloy pa rin ang lumalang problema ng ating mga kababaihan, dahil ang ilan sa kanila ay ginahasa ng isang uhaw sa laman na alien. Ang ilan ay nabuntis at nanganak ng mga tiyanak. Hindi pa madetect ng mga otoridad ang master mind ng naturang pang gagahasa. Kaya naman ang ilang kompanya ng panty liner ay gumawa ng solusyon upang makaiwas sa pwersang pang hahalay sa mga kababaihan.
Ngayon ay mabibili na ang pasador na may ground. Tama kayo mga kaibigan, ang pasador na ito ay may kuryente. Sa oras may humawak o dumikit sa inyong mga tahong ay otomatikong mag lalabas ng boltahe ang pasador at makukuryente ang sumalat dito. Wala namang side effect ang pag gamit nito, ang kuryenteng dadaloy sa katawan ng babaeng gumagamit nito ay magiging sanhi ng pag wetwet at pag kaka c*m ng wala sa oras!
Ako po Liza Mae Lawit! Oh yeahhh! Ahhhhh! Im... Bakit hinawakan niyo ang pasador.. ahhhhhh! Yeaahhh ang saraapp shheeeetttt!!! Ako po si Lizaaaahhhh ahhhh!! Nag uulat!!!"
End of report
"Eh kaya naman pala kanina pa namamalipit ang gaga! Nilalabasan siguro kaya ganyan!" ang wika ni Cookie. "Eh teka pinsan, may plano ka bang tumakbo bilang senador sa susunod national election?"
"Naniniwala ka naman sa kanila. Kaya nga ako nawala dahil inabduct ako ni Juho diba? Ang mabuti pa ay imbestigahan na natin iyang salot na iyan."
"Ginawa ko na iyan pinsan. Nag research na ako para masugpo iyang alien na iyan. Actually kay Super Panget at kay Ace ko sana ibibigay ang research ko kasi diba ang alam ko ay tegi kana. Pero dahil alive ka, eto na ang project mo! Diba parang ABS CBN lang! Tadaaaaa!" ang proud na proud na wika ni Cookie sabay kadkad ng manila paper aking harap.
"Manila paper talaga? Ang retro mo ha."
"Alam mo naman na gustong gusto ko ang amoy ng manila paper pinsan. O, eto na ang info sa iyong m******s kalaban!" ang wika niya.
Ipinakita sa akin ni Cookie ang larawan ng isang borta at gwapong lalaki. Naka suot ito ng pantalon at naka pose na animo model. "Iyan ang salarin, alien ang lalaking iyan. Alam mo ba halos 3 months ko na siyang sinusundan at paiba iba siya ng anyo. Depende sa pantasya ng babaeng makakatalik niya. Yung ideal man kumbaga. Paano ko siya nalaman? Dahil nabiktima niya yung babaihan kong kaibigan.
Dahil nga retokado at nag pagawa sa Thailand ng s**o at kepyas itong friend ko ay napag kamalan siyang tunay na babae. Nakita ko silang pumasok sa isang apartel at pag labas ng nung lalaki ay hindi na kasama ang beshie ko dahil yatap na ito. Nayatap sa sarap! At naka ngiti pa itong si Bakla habang binubuhat ang kanyang malamig na bangkay doon sa kwarto.
Mag buhat nung gabing iyon ay hindi na ko na tinigilan ang lalaki iyan. At halos lahat ng nakakadate nya ay namamatay ng naka ngiti. As in parang sobrang ligaya nila. At yung mga nabubuhay naman na naka talik niya ay nabubuntis at nag kakaroon ng anak na tiyanak.
Sa makatuwid dalawang uri ng babae ang nagiging biktima niya. Una ay iyong mga babae na namamatay at di nakakayanan at ang ikalawa ay yung babae na nakakayanan at nabubuntis!" ang paliwanag ni Cookie
"So paano naman natin makikita ang isang iyan?" tanong ko
"Simple lang, naka book na ako sa kanya! At may date kami bukas!" pag mamalaki ni Cookie
"Eh hindi ka naman babae at hindi ka rin mukhang babaihan. Baka naman patayin ka lang niya at itapon doon sa sapa!" pananakot ko
"Sa sapa talaga? Hindi pwedeng sa ilog para medyo susyal ng kaunti? Eh puro tae sa sapa? Bakit sa sapa?" pag mamaktol niya
"Iyon lang ang unang pumasok sa isip ko. Pasensiya kana. So anong plano?" ang tanong ko
"Edi makikipag date ako sa kanya at ipapain ko ang sarili ko." excited na sagot niya
"Ipapain mo na nga yung sarili mo ay parang excited na excited ka pa. Akala ko ba ay babae lang ang target nito. Eh hindi ka naman babae."
"Babae ako! Sa puso! Oo nga't hindi ako babaihan pero magugulat ka pinsan, nakalimutan mo na ba ako ang Miss Gay Barangay 2016. Marami ang nabighani sa ganda ko noong mga sandaling iyon." ang pag alala niya
"At noong gabi ring iyon ay may babagsak na kometa at mamatay na tayong lahat." dugtong ko
"Pwede walang basagan ng trip pinsan? Panira ka rin e. Basta mag tiwala ka nalang sa kapangyarihan ang brush, summer cake at ching sang su!" sagot niya na aking sinang ayunan.
Noong oras na iyon ay nag simula na kaming mag plano ni Cookie. At sa kabuuan ay siya ang magiging pain sa pamamagitan ng kanilang pag dadate. Oo nga't hindi naman kagandahan si Cookie, hindi rin ito babaihan, malaki ang kanyang katawan at bukol bukol ang muscles pero maganda ang kanyang kalooban, malinis ang kanyang puso, atay, budhi at kaluluwa na parang binabad sa tide powder. "Ang panget naman ng description mo sa akin pinsan, akala mo ba ay hindi ko naririnig yung iniisip mo? Dinedescribe mo ako habang nakatingin ka sa akin!" reklamo ni Cookie dahilan para matawa ako.
KINABUKASAN..
"Oh diba? Achieve na achieve!! Anong masasabi mo sa Catriona Gray look ko?" ang tanong ni Cookie noong lumabas ito sa silid suot ang gold na gown, kulot na wig at mayroong hikaw na parang araw sa itaas ng kanyang tainga.
Tahimik ako habang pinag mamasdan siyang rumarampa sa aking harap.
"Ano pinsan? Natahimik ka diba? Na starstruck ka! Na stun ka! Na batobalani ka sa ganda kong hindi inaasahan! Ano aminin mo na, nagandahan ka sa akin! Maganda ko diba?" ang paulit ulit niyang tanong.
"Kailangan ba talaga ay nakaganyan ka? Baka mahirap kang tumakbo kapag inatake tayo ng kalaban?"
"Makakatakbo ako, kaya nga may hiwa itong gown diba? Kayang kaya ko ito. At siguradong hindi makakatanggi sa mala Catriona Gray kong ganda ang alien na iyan."
"Akala ko Catriona Black ka." pang aasar ko naman sabay tawa.
Maya maya tumalikod ito at doon ay nakita ko ang kanyang matambok na pekeng pwet kaya himapas ko ito. "Fake iyan!" ang hirit ko
"Ay! Wag dyan cousin! May pasador ako na may ground. Baka mag c*m ako!" ang pag babawal niya
"Yung pasador ay sa inilalagay sa tahong ng babae. Bakit iyang sa iyo ay nasa pwet?" ang tanong ko
"Bakit may iba pa bang butas sa katawan ko na pwedeng pasukan ng t**i bukod sa bigbig, sa ilong at sa tainga ko? Wala na diba? Sa pwet lang talaga! Kaya stop touching my ass bago pa ako mag c*m!" ang maarteng salita nito
"Mag c*m? Posible ba iyon? Baka naman tae ang lumabas diyan kapag na ground ka? Alam mo minsan adik rin yung mga nakakaisip ng ganyang bagay. Ibang klase!" ang tugon ko habang sumasakay ng taxi.
Nagkasundo sina Cookie at ang kanyang kadate na mag kita sa parke. At katulad ng plano ay naka manman lamang ako sa kanila, kapag nag pakita na ang tunay na kalaban ay agad akong lalabas at ililigpit ito. Sa kabilang banda ay hindi ko naman maiwasang mag alala para sa kanya lalo't maaari siyang mapahamak sa kanyang mga binabalak.
"Eh ang dilim naman pala dito sa parke, sure ka ba?" tanong ko
"Eto na tayo kaya wala nang atrasan ito. Sayang naman itong pagiging Catriona Gray ko kung iuurong natin ang plano." ang maarteng wika niya. "Ay! Ayan na si Papa Noel, spluk kana pinsan. Mag tago ka doon sa halamanan o kaya ay sa damuhan o sa likod ng basurahan na iyon!!" ang dagdag pa niya noong makita ang isang lalaking lumalakad patungo sa amin. Matangkad ito, gwapo at mukhang artista. Mukha tama nga si Cookie sa kanyang description dahil kamukha niya ang iniidolong artista nito. Ibinibigay ng alien na ito ang pantasya ng kanyang mga nakakasama kaya ang lahat nababaliw at hindi nakakatanggi.
"Hi, kanina kapa?" tanong ng lalaki
"Hindi naman, kadarating ko lang. Sorry kung late ako. Hindi nga ako masyadong nakapag ayos eh." sagot ni Cookie na may malanding boses na pinaliit na animo dwende
"Ayos lang, gustong gusto ko ang mga katulad mong exotic at may tagong ganda." ang naka ngiting sagot ng lalaki dahilan para mapakunot ng noo si Cookie. "Exotic at tagong ganda? So meaning hindi talaga ako maganda?" ang reklamo nito nang bigla siyang kabigin ng binata at yakapin ng mahigpit. "Ang ganda mo ay parang isang sumpa na mahirap alisin sa aking isipan. Parang dumi sa toilet bowl na mahirap pag laruan at parang ipis na mahirap patayin." ang sagot ng lalaki.
Napakunot lalo ang noo ni Cookie "Hala, bakit parang hindi mo naman ako bet?" reklamo nito ngunit siniil siya ng halik sa leeg.
"Sshh, wag kana maingay, papaligayahin kita ngayong gabi." bulong ng lalaki sabay hila kay Cookie sa madilim na parte ng parke.
Itutuloy..