Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
Part 23: Ang Pinakamahalagang Misyon
"Masarap iyan, tikman mo." ang naka ngiting wika ni Juho noong bumisita ako sa kanyang silid.
"Parang ang lapot, hindi ko yata kayang kainin iyan." ang tugon ko naman.
"Mayaman sa protina iyan, dilaan mo na bago matuyo. Kahirap kaya niyan ilabas, inabot ako ng ilang minuto kaka taas baba." ang bulong niya
Wala naman akong nagawa kundi ang dilaan ang likido sa aking harapan. "Masarap diba? Iba talaga ang alak sa binuro sa loob ng mainit na bato. Akala ko hindi mo magugustuhan e, napagod ako kaka taas baba doon sa hagdan para makuha iyan." naka ngiting wika niya
"Masarap, tapos matamis na maasim. Parang kalamansi na may taglay na pait." naka ngiti kong sagot ko.
Nakangiti rin siya habang naka tingin sa akin. "Bakit?" tanong ko
"Alam mo kung wala ka dito, marahil nandoon ako sa operating room kasama ng mga crew. Ngayon lamang ako nag karoon ng bisita rito at kawangis ko pa." masaya niyang salita. "Gusto mo dito ka nalang? Aalagaan kita, aalisin ko si Bart sa isip mo at aanakan rin kita katulad ng ginagawa niya sa iyo." naka ngising biro niya
"Gusto mo suntukin nalang kita?" ang inis kong tugon sabay pakita sa aking kamao.
Natawa siya at muli akong sinalinan ng alak sa baso. "Hindi kana mabiro, kapag yung Bart na iyon ang usapan ay nagagalit ka. Siguro ay mahal mo pa siya?"
Hindi ako kumibo. Nag balik lang tuloy sa aking isipan kung paano siya umalis at iwan ako. Si Bart na naging kontaminado ng kapangyarihan ni Serapin, ngayon ay nasa kanya na ang buong lakas nito at iyon ang nag bibigay sa akin ng kakaibang kalungkutan.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Juho
Bumalik ako sa aking ulirat. "O-oo, ayos naman ako."
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pinto ng silid at dito ay pumasok si Rusi. "Kapitan, may namataang isang sasakyang pandigma sa di kalayuan." ang wika nito
Agad na naging seryoso ang mukha ni Juho, tumayo ito at kinuha ang bracelet ng kanyang kalasag. "Dito ka lang Narding, babalik ako agad." ang wika niya sabay labas sa silid.
Tumango lang ako bilang tugon..
Noong makasiguradong wala na sila ay agad rin akong sumunod. Hindi ko alam ngunit may kung anong pag aalala para sa aking planeta ang lumukob sa aking sarili kaya naman marahan ako lumakad at pumasok sa mga pinto na kanilang dinaanan.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating ako sa kanilang control system kung saan naroon ang pinaka silya ng kapitan, naroon si Juho naka upo at sa kanyang tabi ay si Rusi. Ipinakikita nila dito sa isang maliit na ilaw sa di kalayuan. Kung iyong titignan sa monitor ay ilang dangkal lamang ito ngunit malayo pa rin sa aktwal na buhay.
"Kapitan, ang liwanag na iyan ay ang sasakyang pandigma ng planetang Gandaxia." ang wika ng isang tao niya
"Ano ang mayroon sa sasakyang iyan?" tanong ni Juho
"Kapitan, lulan ng sasakyang pandigma na iyan ang kanilang reyna na si Queen Gandaka. At sila ngayon ay patungo sa planetang Earth upang kuhanin ang sagradong kapangyarihan na nakahimlay doon." ang paliwanag nito.
"Takte, uunahan pa ako? Gusto talaga nila ng Gera!" ang gigil na wika ni Juho
"Kapitan, mahinang pwersa lamang ang planetang Gandaxia, sa tingin ko ay hindi ito magiging hadlang sa ating misyon." wika ni Rusi
"Aba e dapat lang, sa akin ang sagradong kapangyarihan. Kahit si Narding pa ang pumigil sa akin ay hindi ako makapapayag. Bilang isang pirata ay pangarap kong libutin ang buong kalawakan at maging makapangyarihan!"
"Ngunit Kapitan, kailangan nating tanggapin na hindi lamang tayo ang nag nanais na makuha ang sagradong kapangyarihan sa planetang Earth, sa ngayon ay lulusubin na rin iyon ng hukbo ni Queen Gandaka." sagot ni Rusi
Patuloy silang nag usap..
Noong marinig ko na ang sasakyan na iyon ay patungo sa Earth ay agad akong lumabas sa kanilang control room at mabilis na humanap ng daan palabas sa naturang sasakyan. Takbong walang mulat ang aking ginawa sa hallway o sa bawat sulok ito. Pati bintana ay pinag tangkaan kong basagin upang makalabas.
"Hindi ko hahayaan na makatungtong ang Gandaxia na iyon sa aming planeta. Gagawin ko ang lahat upang mapigilan sila!" sigaw ko sa aking sarili at nasa ganoong pag takbo ako noong bigla tumunog ang alarm at nag pula ang ilaw sa buong paligid.
"Hayun siya! Hulihin ninyo!" ang wika ng isang crew at lahat sila ay nag tatakbo patungo sa akin. "Sandali, hindi ka maaaring umalis dahil ang bilin ni Kapitan ay dito ka lamang sa kanyang sasakyan!" ang pag habol nila pero hindi tumigil sa pag takbo.
"Hulihin niyo siya, huwag sasaktan at ingatan! Magagalit ang kapitan kapag may nangyari sa kanya!" ang sigaw pa ng isa.
"Ano ba kayo? Baliw ang kapitan ninyo! Hayaan nyo na akong umalis dahil nasa panganib ang planeta ko!" sigaw ko naman habang nag tatakbo palapit sa lugar na may malaking pintuan kung ako pumasok noong ako ay bihagin nila.
Halos mahigit sa 30 piratang tauhan ni Juho ang humabol sa akin kaya lalo ko pang binilisan ang pag takbo hanggang sa marating ko ang pinto at pinindot ko ang buton nito.
"Narding! Anong ginagawa mo? Huwag kang aalis!" ang sigaw ni Juho.
"Narinig ko ang lahat! Yung sasakyang pandigma sa monitor ay planong atakihin ang aming planeta. Kailangan ko nang umalis!" ang sagot ko.
"Makipag sanib pwersa ka sa akin, mananalo tayo." alok ni Juho.
"Pasensiya na ngunit mag kaiba tayo ng hangarin. Ang mga bagay na iyon ang siyang mag hihiwalay sa ating mga landas at gayon rin sa ating mga sarili." ang tugon ko at dito ay nagsimula nang umilaw ang bato sa aking kamay.
Tahimik..
Tumingin ako kay Juho at ngumiti. "Mag kwentuhan ulit tayo sa susunod. Masarap yung alak na ginawa mo." ang wika ko sabay lunok sa bato.
"NARDO!!"
Nag liwanag ang aking katawan na ikinasilaw ng lahat at mula dito ay muling lumabas ang aking gintong kalasag. Buo ito at walang kalamat lamat.
Noong tuluyang mag bukas ang pinto ay sumiklab ang apoy sa aking katawan at lumipad ako palayo sa kanilang sasakyan. Hindi na ako hinabol pa ni Juho at pinanood lamang niya ang aking pag alis. Ang ibang tauhan naman niya ay napako na lamang sa kanilang kinatatayuan at hindi na humabol pa.
Sumibat ang aking nag aapoy na katawan sa kalawakan, hindi ko kabisado ngunit ang mismong kalasag ang nag tuturo sa akin ng daan kung saan ako papasok o liliko. Maraming beses na akong nag tungo sa labas ng kalawakan at ang nakakatuwa ay otomatiko akong lumilipad na parang nakasakay sa isang sasakyan na kahit hindi ko alam ang direksyon ay kusa akong sumisibat sa tamang daan.
Hindi ko alam kung ilang labanan pa ang dapat kong pag daanan. Ayos lamang sa akin na sagupain ang lahat ng alien at dayuhan sa iba't ibang mundo. Huwag lamang si Bart, dahil siya ay biktima lamang ni Serapin at ang masaklap ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
Halos sariwa pa sa aking ala-ala kung paano sila nag laban ni Serapin. Kitang kita ko kung paano niya kinain ang katawan nito.
FLASHBACK
Lumakad siya patungo sa putol na ulo ni Serapin, kinuha niya ito at saka kinain na parang isang karne. Isinahod niya sa kanyang dila ang dugo mula sa pugot na ulo at saka ninamnam ito bago niya tuluyang sinakmal ang buong mukha.
Tuluyang nasuka si Cookie tila hindi kinaya ang kanyang sikmura ang mga kaganapang nasaksikhan..
Tumagal ng ilang sandali ang ginawang pag kain ni Bart sa natirang parte ng katawan ni Serapin. Unti unting nawala ang kaliskis sa kanyang katawan at bumalik ito sa normal. Nasa ganoong posisyon siya noong biglang mag sulputan sa kanyang paligid ang mga hukbong militar ng bansa. Daan daang sundalo ang naka palibot sa kanya at mayroon pang dumarating mula sa himpapawid.
End of flashback
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay namalayan ko nalang na papasok na ako sa aming Planeta, lalong lumakas ang apoy sa aking katawan pamprotekta sa mainit na atmospera ng daigdig mula sa itaas at kasabay nito ang tuloy tuloy na pag sibat ng aking katawan pababa sa lupa..
Noong maka alpas ako sa makapal na ulap ay agad kong nakita ang magulong siyudad. Lalo pa yata itong nasira at mas maraming gusali ang bumagsak. Sa aking pag kakatanda ay hindi ganito ka pangit ito noong mag laban kami ni Juho dahil iningatan kong huwag manira ng mas malalaking gusali. Ngayon ay magulong magulo ang buong paligid, umuusok, maalikabok at maraming tambak na bakal.
Pag baba ko sa lupa ay agad akong sinalubong ng ilang tao. Lahat sila tila nabuhayan ng pag asa. "Ano ang nangyari dito?" ang tanong ko
"Nag balik na si Super Nardo. Nag balik na ang bayani natin!" ang sigaw nila at ang iba ay napaluha pa.
"Bakit ganyan ang reaksyon ninyo? Parang apat na araw lamang akong nawala. Anong nangyari sa buong siyudad?" ang tanong ko
"Super Nardo, saan ka nag galing? Bakit nawala ka ng mahabang panahon? Limang buwan kang nawala at ang ating siyudad at ang ibang lugar dito sa bansa ay pinamahayan na ng salot mula sa ibang planeta." ang wika ng isang matanda na aking ikinabigla.
Tila nawala sa aking isipan na mag kaiba ang pag ikot ng oras sa mundong ito kaysa sa labas ng kalawakan kaya't ang isang araw ko sa barkong pandigma ni Juho ay isang buwan sa aming oras.
Itutuloy..