PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
Oct 30, 2018
"Ang lahat ng ito ay labanan ng teknolohiya, mas mataas ay mas makapangyarihan." ang wika ni Juho at doon ay kapwa kami napatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyang pandigma.
Part 22: Kahon ng Ala-ala
"Pero wala ka pa ring karapatan na halukayin at pang himasukan ang aking ala-ala at emosyon." panunumbat ko
"May karapatan ako dahil hawak ko ang buhay mo, nandito ka sa teritoryo ko at hanggang nakatapak ka sa barkong ito ay ako ang kapitan mo. Naunawaan mo ba iyon?" tanong niya habang nag sasalin ng tsaa sa tasa at nag lalagay ng tinapay sa mesa.
Tinitigan ko ang tsaa ngunit hindi ko ito ginalaw. "Walang lason ang tsaa Narding. Inumin mo na para mag karoon ng laman ang iyon tyan."
"Diba taga ibang planeta ka? Bakit hindi kaiba ang itsura mo sa akin?" tanong ko
"Paano mo nasabi na hindi kaiba ang iyong anyo sakin? Dahil ba pareho tayong may ganito?" ang wika niya sabay pakita sa kanyang ari na walang pinag kaiba sa akin at sa mga lalaki sa aming mundo. "Hindi ko alam kung saan ako nag mula, basta ang alam ko lang ay lumaki na ako sa isang planeta na kaiba ako sa lahat. Sa aming planeta, ang kulay ng balat ng tao ay karaniwang asul o lila. Ako lamang ang naiiba ang kulay ng balat. Kaya nga ako nag lalakbay upang hanapin kung ano at sino ako. Ngunit huwag mo sa akin ibaling ang usapan dahil mas interesado sa lakas mo." tugon niya
"Wala akong lakas, kung ganito ang aking anyo ay hindi mo ako maasahan. Ang batong iyan ang nag bibigay ng kalasag sa akin upang makalipad, maging malakas at matapang. Kung gagapiin mo ako sa ganitong kalagayan o estado ay tiyak na wala kang mapapala." tugon ko rin
"Bakit kung mag salita ka ay nag eexpect ka pa ng rematch, sa tingin mo ba ay mananalo ka pa rin sa akin?"
Hindi ako kumibo..
Kapwa kami natahimik..
"Bakit hindi ka sumama sa akin at maging kapanalig ko? Sa oras na makuha ko ang sagradong kapangyarihan na nakahimlay sa inyong daigdig ay ako na ang magiging pinaka makapangyarihan sa lahat. Gagawin kitang kanang kamay o kaya ay asawa. Kayang kaya ko yung ginagawa ni Bart sa iyo, mas mapapa unggol ka sa akin." naka ngising sagot niya
Tumingin ako sa kanyang masama at kinuha ko ang bato sa aking harapan. "Bastos!" ang salita ko na may halong pag kainis. Samatalang siya naman ay tumawa ng malakas habang pinag mamasdan ako na lumabas sa kanyang silid.
"Bastos! Pati yung mga pribadong bagay sa buhay ko ay hinalungkat niya! Walang modo!" ang sigaw ko sa aking sarili at habang nasa ganoong pag labas ako ay siya namang nakabangga ko ang isang matandang lalaki na may dalang tinapay at kakainin. Kapwa kami natumba at nasaldak sa sahig. "Pasensiya kana hijo, nasaktan ka ba? tanong niya
"Hindi po, pasensiya na. Hindi ko sinasadya." ang sagot ko rin habang isa isang pinupulot ang kanyang dala.
"Ikaw yung panauhin ni kapitan Juho, teka bakit nandito ka sa labas?" ang tanong niya
"E, ano po, ano, hindi ko lang talaga gusto ang ugali niya mayabang at walang modo." walang preno kong salita dahilan para matawa ang matanda. " Ako nga pala si Rusi, ako ang taga pag alaga ni Rexus (Juho) simula pa noong bata ito. Tandang Rusi ang tawag sa akin ng lahat dito sa barko."
"Ako naman po si Narding." ang sagot ko
"Alam ko, ikinagagalak ko na makita kita muli panginoon." ang wika niya
"Makita muli? Nag kita tayo na ba tayo? At hindi po yata nararapat na tawagin nyo akong panginoon."
Natawa siya. "Nag kita na tayo dahil ako mismo ang nag ahon sa iyong sugatang katawan noong dalhin ka rito ni Juho. Ang lahat ng mandirigma na mayroong sagradong kalasag ay tinatawag kong panginoon." ang naka ngiti niyang wika sabay akay sa akin palayo sa silid ni Juho.
"Si Juho ay isang hambog at maangas na nilalang. Pinaki alaman niya ang aking memorya." ang pag mamaktol ko dahilan para matawa siya. "Pag pasensiyahan mo na si Kapitan dahil talagang bata pa lamang iyan ay may katigasan na talaga ang ulo. Noong bata iyan ay madalas ring napapaaway dahil parati siyang pinag tatawanan ng mga kalaro, iba kasi ang kulay ng kanyang balat. Marahil iyon ang dahilan kaya lumaki itong medyo palabiro. Marahil ay natutuwa lamang siya dahil kayo ay mag kawangis ng pisikal na anyo." sagot ng matanda.
"Bakit nga ba mag kapareho kami ng pisikal na katangian? Galing ba si Juho sa aming planeta?" tanong ko
"Halika may ipapakita ako sa iyo." ang naka ngiting sagot niya at isinama niya ako sa isang silid kung saan maraming naka display na kakaibang sandata, kalasag at mga kagamitan na galing sa iba't ibang planeta.
Parang itong isang museyo ng mga sandata at naiibang uri ng pandigmang kalasag. "Ito ang koleksyon ng mga kalasag at sandata na naipon ni Juho sa pakikipag laban sa iba't ibang planeta. Kung gaano ito karami ay ganoon rin ang bilang ng mga laban na kanyang pinag daanan. Pero alam mo ba na sa iyo siya nahirapan ng todo. Marahil ay humahanga lamang siya sa iyo kaya nakatuwaan ka niya." ang paliwanag ng matanda at maya maya ay tumapat kami sa isang kahon na yari sa makapal salamin.
Ito ay nag lalaman ng puting damit na may burdang ginto. Para itong isang lampin na ang desenyo ay parang egyptian. "Naalala ko pa noong panahon dumating si Juho sa buhay namin, maraming taon na ang nakalilipas, kami ng kanyang ama ay abala sa pag lalakbay sa kalawakan, ako at ang kanyang ama ay mga pirata rin kaya sa ganoon umiikot ang aming buhay.
Habang pabalik kami sa aming planeta ay may isang kakatwang liwanag ang biglang sumulpot sa aming harapan, ang liwanag na iyon ay may dalang isang sanggol at iyon si Juho. Bumaba ito sa aming barko at ibigay ang sanggol sa amin. Itinuring ng kanyang ama ang liwanag na iyon at malugod niyang tinanggap ang sanggol kahit iba ang anyo at wangis nito.
Noong mamatay ang kanyang ama ay ako na ang nag alaga sa kanya, matigas ang ulo, pala away ngunit may taglay siyang kabaitan na hindi mawawala dahil iyon ang tanging bagay na nag papakita na siya ay galing sa ibang mundo." ang naka ngiting wika ng matanda habang nakatingin sa bagay na nasa loob ng salamin.
"Marahil ay espesyal nga si Juho at mahusay siyang Kapitan dahil nakarating siya sa mga nais niya marating." ang wika ko rin habang naka pako ang tingin sa salamin.
"Ako bang pinag uusapan ninyo? Bakit dito mo dinala ang isang iyan Rusi?" ang tanong ni Juho noong bigla itong sumulpot sa aming kinalalagyan.
"Nais ko lang ipag malaki sa kanya ang mga kalasag na koleksyon mo." ang sagot ng matanda
"Hindi mo na kailangan sabihin sa kanya kung gaano ako kalakas, naramdaman na niya iyon noong nag sagupaan kami. Ito ang lahat ng mga kalasag ng mga mandirigmang naitumba ko sa iba't ibang planeta. Dami diba? Doon ko talaga balak ilagay ang kalasag mo, kaso ay nawala naman ito kaya't alangan namang isang puting bato lang ang ilagay ko doon." wika ni Juho sabay turo sa isang malaking kahon na yari sa salamin.
Natawa ang matanda "Pag pasensiyahan mo na iyang si Juho dahil talagang may kayabangang taglay iyan. O sya, maiwan ko muna kayong dalawa." dagdag pa nya sabay labas sa silid.
"At naniwala ka naman sa sinasabi ng matandang ulyanin na iyon?" tanong ni Juho
"Oo naman, lalo na noong sinabi niya sa akin na isa kang batang pasaway, uhugin, umiihi sa salawal at dumudumi kung saan saan. Yuck talaga!" pang aasar ko dahilan para mapa kunot ang kanyang noo.
"Yung sinasabihan mo ng umiihi at uhugin ay naitumba ang daan daang mandirigma sa kalawakan at kabilang kana roon, huwag mo na ako ulit tutuksuhin ng ganoon." pag mamaktol niya.
"Edi ikaw na." ang tugon ko sabay lakad palayo sa kanya
"Ey, saan ka pupunta? Mag kwentuhan muna tayo, marami pa akong ipag yayabang sa iyo." ang pag habol niya
Natawa ako..
"Hindi mo ba naisip na baka mag kalahi tayo? Ang ibig kong sabihin ay sa iisang planeta tayo nag mula." ang tanong ko.
"Kaya nga dumidikit ako sa iyo ngayon, kasi natutuwa akong maka kita ng isang nilalang na kawangis ko, na kakulay ng balat ko. Parang gusto kong maniwala na iisa nga ang planetang ating pinag mulan." naka ngiti niyang tugon.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay napansin kong naka silip ang mga kasamahan ni Juho, parang mga tauhan niya yata ito. Para bang natutuwa sila na makitang nakikipag kwentuhan ako sa kanilang kapitan. "Hoy, anong sinisilip niyo diyan? Mag sibalik na kayo sa trabaho." masungit na utos nito
"Wala kapitan, masaya lang kami dahil ito ang unang pag kakataon na tumawa ka at naging masaya." ang sagot ng mga ito saka sila nag iyakan.
"Ayos lang ba sila?" tanong ko
"Oo, huwag mo silang pansinin dahil may bahog ang mga iyan." tugon ng kapitan.
Tahimik..
Napako ang tingin niya sa labas ng kanilang sasakyan kung saan makikita ang madilim kalawakan. "Bisitahin mo ako mamaya sa aking silid. Mag kwentuhan pa tayo. Nais kong malaman ang uri ng pamumuhay sa inyong planeta. Saka ikwento mo rin sa akin yung alaga mong unggoy yung laging naka sunod sa iyo." ang naka ngiting salita niya na hindi maitago ang excitement.
"Unggoy? Wala akong alagang ganoon."
"Meron, Cookie pa nga ang pangalan niya." naka ngiting sagot niya.
"Hindi unggoy si Cookie! Pinsan ko siya at napaka bait niyang tao." pag tatanggol ko dahilan para matawa siya. "Basta kwentuhan mo ako ng mga bagay tungkol sa iyo. Mamaya ha. Pag di ka nag punta ay talagang mag tatampo ako." naka nguso niyang salita
Ngumiti ako at tumango bilang tugon..
Noong unang maka harap ko so Juho, ang akala ko ay isa siyang malupit na halimaw o kaaway na galing sa ibang planeta, ngunit ngayon ay parang nag babago ang lahat at ang mga bagay na katulad nito ay hindi ko inaasahang mangyayari dahil tinanggap nila ako bilang ako at hindi bilang isang kaaway. Marahil ay naka tulong rin ang ginawang pag babasa ni Juho sa aking memorya at emosyon dahil nalaman niyan hindi ako masamang tao o kaaway na dapat pangilagan.
Sa tingin ko ay dito mag sisimula ang aming pag kakaibigan o pwede ring mag patuloy ang aming tunggalian kung ang pag babasehan ay ang aming mga hangarin.
Itutuloy..