Part 21: Mahika at Teknolohiya

1967 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Oct 26, 2018   Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa pinaka mataas na tore sa siyudad habang naka tanaw sa isang nilalang na hindi ko mawari kung ano. Ang imaheng iyon, pamilyar ito sa akin, para bang matagal ko na siyang kasama o kakilala. Nag liliwanag ang kanyang pakpak at noong binuka niya ito ay umulan ng mga puting balahibo sa paligid, parang niyebe kung iyong pag mamasdan, nakaka akit at nakaka tuwang pag masdan.. "Sino ka?" ang tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti siya at itinaas ang kanyang kamay na parang bang inaanyayahan nya akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Tahimik.. Malamig ang hangin na dumadampi sa aking katawan na nag bibigay ng kakaibang pakiramdam sa aking kaibuturan.. Umangat ang aking paa mula sa aking kinatatayuan at maya maya ay lumutang ako sa ere. Pinilit kong lumipad pabalik ngunit ayaw sumunod ng aking katawan kaya naman nag tuloy tuloy ako sa pag lutang na para bang hinihila ako ng kakaibang pwersa palapit sa kanya.. "Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?!" ang sigaw ko ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya ngunit itinuro niya ang isang bagay sa aking katawan, ang aking dibdib. Para bang sinasabi niya na ito ang kanyang kailangan. Patuloy ako lumapit sa kanyang kinalalagyan, pilit kong inaninag ang kanyang mukha ngunit wala akong makita kundi ang purong dilim maliban lamang sa kanyang pakpak na nag liliwanag ng husto. Noong makalapit ako sa kanya at unti unti niyang itinapat ang kanyang kamay sa aking dibdib at laking gulat ko noong lumusot ito sa loob. Wala akong maramdamang kahit ano bagamat nakikita ko ang kanyang kamay na may ginagalugad na kung ano sa aking kaloob looban. Nag liwanag ang aking dibdib at noong ilabas niya ang kanyang kamay ay hawak na nito ang mahiwagang bato. Nanlaki ang aking mata dahil sa matinding pag kabigla sa kanyang ginawa at kasabay noon ang pag kabasag ng aking kalasag, bumalik ako sa pagiging si Narding. Muli siyang tumawa na mayroong malalim na tinig, pinag masdan niya ang bato na nasa kanyang mga kamay. Ikinulong niya ito sa kanyang palad at winasak.. Nadurog ang bato at naging buhangin na lamang ito na kumikinang. Muli niyang ibinukas ang kanyang kamay kaya ang alikabok na naiwan sa pag kakadurog ng bato ay sumama sa hangin at tinangay sa malayong direksyon. Halos hindi ako makapaniwala na nasira niya ang bato ng ganoon kadali at habang nasa ganoong pag kabigla ako ay binitiwan niya ang aking katawan at mabilis akong nahulog mula sa itaas.. Bumulusok ang aking katawan pababa at habang nasa ganoong pag kakahulog ako ay pilit ko inangat ang aking kamay nag babaka sakali ako na may dumating na tulong mula sa kalangitan ngunit huli na ang lahat. Part 21: Mahika at Teknolohiya Napatigtig siya akin at ganoon rin ako sa kanyang mata.. Tahimik.. Bumulwak ang dugo sa aking bibig, dito ko naramdaman ang pag tarak ang espada sa aking dibdib at tumagos ito sa aking likuran.. Nabasag ang aking kalasag sa ulo at tumulo ang dugo mula dito.. Nanatili siyang nakatitig sa akin sabay bulong ng mga katagang. "Nanalo ako." Unti unting niyang hinugot ang sandatang nakatarak sa aking dibdib at kasabay noon ang pag bagsak ko   Tahimik.. "Narding.." isang tinig ang aking narinig kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon mula sa higaan. Natagpuan ko ang aking sarili sa isang silid, may bundahe ang aking buong katawan at gayon rin ang aking braso. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong mga sandaling ipikit ko ang aking mga mata ngunit ang kirot sa aking ulo at dibdib ay nanunuot pa rin sa aking katawan. Nag balik sa aking isipan ang lahat ng pang yayari sa siyudad kung saan nag laban kami ni Serapin at ng pirata na si Juho. Noong mga sandaling itarak niya ang espada sa aking dibdib ay iyon ang hudyat ng aking pag katalo.. "Mabuti naman at gising kana." ang wika ng isang lalaki na sumusuri sa aking katawan. "Sino ka? Nasaan ako?" tanong ko na may halong takot at pangamba, bagamat batid kong hindi naman ako pinahirapan dahil maayos ang silid, malinis ang higaan at ang kama ay malambot na parang bulak. "Isa akong manggagamot, ngayon ay nandito po kayo sa loob ng sasakyang pandigma ni Kapitan Rexus Juho. Sa ngayon ay maayos na ang lagay na iyong katawan. Nabali ang iyong dalawang braso at nadurog ang mga buto sa iyong kamao. Tumagal ng ilang oras ang proseso para muling pag dugtungin at ibalik sa dati ang porma ng iyong mga buto. Ngayon ay maayos kana at kaunti pahinga na lamang ang iyong kailangan bago ka maka recorver ng mabuti." ang sagot niya "Anong ginawa sa akin ni Juho? Pinag eksperimentuhan ba niya ang aking katawan?" tanong ko "Hindi po. Ang bilin sa akin ni Kapitan ay dalhin ka agad sa kanya kapag ikaw ay nagkamalay na." wika niya habang naka hawak sa isang silyang kakaiba ang itsura. "A-ano iyan?" "Wheel chair, wala bang ganito sa inyong mundo. "Mayroon ngunit hindi ganyan ang anyo." tugon ko dahilan para matawa siya. "Ito ang aming bersyon. Halika sumakay kana at ihahatid kita kay kapitan." "Anong nais niya sa akin?" tanong ko. "Hindi ko po alam. Ang nakakatuwa ay gumagamit kami ng espesyal na teknolohiya upang mas madali tayong mag kaunawaan. Halika umupo kana." naka ngiti niyang wika Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pinindot niya ang buton ng naturang silya at kapwa kami lumutang palabas ng silid. "Naroon si Kapitan sa kanyang silid." ang wika niya habang isa isang itinuturo sa akin ang bawat sulok ng naturang barko. "Barko ba talaga ito ng mga pirata? Bakit masyadong maayos at maganda?" tanong ko "Ito ang pinaka nakasanayang desenyo ng barkong pandigma. Pinaka mahusay na metal at mineral ang ginamit sa bawat sulok nito upang maging mas matibay. Si Kapitan mismo ang nag gawa ng desenyo nito." ang sagot niya. "Maganda.." ang tugon ko habang nakatanaw sa paligid. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa pinto ng isang silid. Huminga muna ng malalim ang doktor saka ito kumatok ng tatlong beses.  "Kapitan, nandito na po ang inyong panauhin." ang wika nito Kusang naalis sa pag kaka kandado ang pinto, otomatikong bumukas ito at kasabay noon ang otomatiko rin na pag lakad ng aking silya patungo sa loob ng kanyang silid. Tahimik.. Dito ay naabutan ko si Juho na naka upo sa silya habang nakatanaw sa bintana kung saan dumaraan ang barko sa isang maliwanag na bituin. Nakasuot ito ng isang manipis na damit na kitang kita ang kanyang matipunong  katawan at pajama na kulay puti rin na bakat  na bakat ang pag kalalaki. Kamusta ang pakiramdam mo Narding?" tanong niya "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko rin "Iniscan ko ang utak ko at sinilip ko ang iyong mga alala, nais kong malaman kung ano ba ang iniisip ng isang katulad mong nabubuhay sa ibang mundo." "Pinag eskperimentuhan mo rin ba ang katawan ko katulad ng sinasabi mo na kapag natalo ako ay iyon ang gagawin mo?" tanong ko ulit Natawa siya. "Hindi, batay mga ala ala at iniisip mo ay masyado ka nang nasaktan kaya hindi ko na gawa pa ang ganoong kalupit na bagay." tugon niya "Paano mo iyon nagawa? Ang basahin ang aking memorya?" tanong ko "Teknolohiya Narding, ikinabit ko lang ang espesyal na helmet sa iyong ulo at ikinunekta ko ito sa aking ulo sa pamamagitan ng isang salamin na may visual hologram. Dito ay makikita ko ang iyong iniisip at mararamdaman ko ang iyong nararamdaman." ang sagot niya "Anong nakita mo?" seryosong kong tugon. "Lahat.. nakita ko ang nakaraan mo. Magulo at walang direksyon ang kahon ng iyong mga memorya. Ang nakapag tataka ay nag hahanap ako ng kahit na anong emosyon ng galit o pag kamuhi sa iyong dibdib dulot ng pag kaka gapi ko sa iyo ngunit wala akong mahagilap na sama ng loob o negatibong bagay na nararamdaman mo sa akin, walang pag babanta, walang pag hihiganti. Anong klaseng nilalang ka? Kahit sinaktan kita, sinugatan at ginapi ay hindi ka man lang nag tanim ng galit sa akin." ang wika niya. "Dahil wala naman talaga. Tungkulin ko na protektahan ang aking mundo laban sa mga dayuhan. Makikipag laban ako para sa kanila.." sagot ko. "May sugat ka, dito sa iyong puso. Maraming beses ka nang nasaktan at iyon ang nag papahina sa iyo. Bart ang pangalan niya diba? Siya ang taong ahas na nakasagupa mo bago ako dumating. Iyon ang dahilan kung bakit kita nagapi. Kitang kita ko ang lungkot sa iyong mga mata noong nag tama ang ating paningin bago ka bumagsak. Flashback Napatigtig siya akin at ganoon rin ako sa kanyang mata.. Tahimik.. Bumulwak ang dugo sa aking bibig, dito ko naramdaman ang pag tarak ang espada sa aking dibdib at tumagos ito sa aking likuran.. Nabasag ang aking kalasag sa ulo at tumulo ang dugo mula dito..   End of Flashback Natahimik ako at napatitig sa maliwanag na bagay na kumikisap sa labas. Hindi ko alam ngunit noong nag laban kami ni Juho ay talagang mabigat ang aking pakiramdam, tila may kung anong kirot ang kakaibang humahataw sa aking dibdib, mas masakit pa ito sa isang pisikal na atake. "Hindi ko nakuha ang iyong kalasag dahil noong dalhin ka rito ay umubo ka ng malakas at may iniluwa kang isang puting bato. Ang gintong kalasag ay parang isang bulang nag laho sa iyong katawan." ang dagdag pa niya sabay abot sa akin ng bato na nakalagay sa isang puting tela. "Isang mataas na uri ng teknolohiya ang batong iyan, wala akong datus na nakuha dito maliban sa gawa ito ng mga taga planetang Adran. Paano ka nag karoon ng ganitong sandata?" tanong niya "Ipinag kaloob lamang ito sa akin ng isang anghel na ang mula sa kalangitan." tugon ko "Anghel na nag mula sa langit? Naka tira ba ang anghel na iyan sa atmospera ng inyong mundo? Baka ang ibig mong sabihin ay ipinag kaloob sa iyo iyan ng isang nilalang mula sa malayong bituin. Iyan ang hirap sa inyong mga nakatira sa isang mahinang mundo. May makita lamang kayong nilalang na bumaba mula sa langit ang inaakala niyo ay Diyos na agad ito o isang anghel. Ang totoo noon ay isa lamang silang mga dayuhan na may dala ng mataas na uri ng kagamitan. Kapag tinaglay ng isang normal na tao sa inyong mundo ang kagamitan iyon ay otomatiko siyang mag kakaroon ng lakas at tataglayin niya ang abilidad na mayroon sa nilalang na nag bigay nito. Iyon ang nangyari sa iyo at sa iba pang tao na may kakayahang lumipad o makipag laban sa dayuhan mula sa kaparehong kalawakan. Sana ay naunawaan mo." ang paliwanag niya Dito pumasok sa aking isipan ang kaganapan noon ibigay sa akin ang bato. Gamit ang pangalan ni Nardo bilang password ay nag kakaroon ako ng kakaibang lakas. Katulad ni Nai na pinag kalooban rin ng lakas ni Sin na galing sa Super Planet, si Ace na galing sa mundong may mataas na uri ng teknolohiya at maging si Jorel na mula rin sa ibang mundo. Ang ibig sabihin nito ay wala talagang mahika, walang salamangka dahil ang lahat ng ito ay teknolohiya. "Ang lahat ng ito ay labanan ng teknolohiya, mas mataas ay mas makapangyarihan." ang wika ni Juho at doon ay kapwa kami napatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyang pandigma. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD